Tadhana

688 8 0
                                    

TADHANA

“sa hindi inaasahang pagtatagpo ng ating mga mundo…..”

                    May mga pagkakataon na hindi mo talaga inaasahan pero dumarating, may inaasahan mo pero hindi dumarating, at meron ring hindi dumarating na hindi mo rin inaasahan. Ganyan ang pagkakaintindi ko sa salitang ‘tadhana’ o destiny sa ingles. Naniniwala ako na bawat isa satin ay may itinadhanang ibigin. Pero paano kung yung itinadhana sayo hindi ka pala tinadhana para sa kanya, pwede kaya yun? o kung itinadhana nga kayo pero hindi niyo alam na kayo pala. Ang gulo lang ng buhay, nang-mimindfuck lang ako, basta ang alam ko nakita ko na ‘Siya’. *ting!

                    Hindi ako naniniwala sa konsepto ng babae sa lalaki, dahil na rin sa sariling karanasan at ang mas malalim na dahilan ay, bakit ako nagkagusto sa kapwa ko babae?, wala namang nagbabawal literal na physical na nagbabawal na bawal, I mean, walang pumipigil so pwede talaga siya kasi nangyayare siya, kung hindi siya nangyayare hindi siya pwede. Balik sa tadhana, ang siyang tinutukoy ko ay siya. Paano? Bakit? Saan? Kami itinadhana. Simula sa una, ang pagkakaalam ko nakita daw niya ako sa c.r sa school kung saan kami parehong nagaaral. Pero hindi ko siya nun nakita, para saakin dun nagumpisa ang galaw ng tadhana. Sunod ay sa Jollibee, dun ko naman siya unang nakilala, unang nakita. Gaya ng nasulat ko sa isa kong kwento, anlakas ng dating niya saakin.

                    Nakakatuwa lang isipin na hindi mo talaga inaasahan na siya pala yung itinadhana sayo, na dati balewala lang siya sayo, pero ngayon parte na siya ng buong buhay mo at minsan nasasabi mo siya na yung buhay mo. Pero alam naman natin na hindi tayo nakakasigurado iniisip lang natin na sigurado tayo dahil sa sobrang pagmamahal sa taong yon, kaya nagiging sigurado ang isang bagay dahil sa binibitawan nating salita at mga ginagawa natin para siya nga ang tadhana para sayo. Sumakatuwid tayo ang gumagawa ng tadhana natin. Pero may ilan akong halimbawa na pangyayare saamin na tumataliwas sa pananaw na yan.

                    Magkikita kami nung araw na yun, sa kinamalas malasan nawalan kasi akong ng cellphone kaya bago ang sim card ko, sa kinamalas malasan pa ay hindi ko nasave ang number ng bago kong sim sa cellphone ko, wala pa akong load papaano ako magpapaload. Nasa lrt na ako nagtext siya ‘bi san kana?’ alam mo yung feeling ng walang load nagrereply ka na lang sa utak mo sana maabsorb niya through brain telepathy whatever,  ‘nasa lrt na ako baby T.T wala akong load wala akong number ko faaaaaaaaiiiilllll’. Nagsasana ako, sana makita ko siya sa central station. Nakita ko kaklase ko nakasabay kong bumaba sa hagdan, kinapalan ko na mukha ko kahit hindi kami close talaga ‘uii patext naman ohh wala kasi ako load eh, taz bago number ko hindi ko nasave may kikitain pa naman ako’. Pero wala namang load ung kaklase ko pulube rin. Ayun nakarating ako sa bilihan ng candy atbp tingen tingen muna sa paligid baka anjan siya, iniintay ko lang talagang mawala ung mga bumibili para magawa ko na ung the most embarrassing moment ko. ‘Ui’ may tumapik saakin, siya pala yun!!!. ‘ikaw pala yan’. Nabunutan ako ng tinik, bumibili pala siya duon sa tindahan na yun hindi ko siya napansin (kasi maliit siya ahahahha joke). Kinuwento ko sa kanya ang nangyare syempre tinatawanan niya ako, pero ang saya lang kasi kahit anong mangyare magkikita pa rin kami kahit walang communication.

”ang bagyo ng tadhana ay, dinadala ako sa init ng bisig mo……..”

                    Paano yun? pasok pa ba yun sa pananaw na tayo ang gumagawa ng sarili nating tadhana, oh, yun na mismo ang tinatawag na bagyo ng tadhana. Ewan basta naniniwala ako na hindi yon coincidence. Yung tao na yon, yung mahal ko (hihi kileeeg to the bones) hindi kami pareho ng gusto, as in lahat isa lang ang magkapareho kami, mahal naming ang isa’t isa. Tadhana ba yun? hindi kami pareho ng gusto taz tadhana kami. E bakit sila beauty and the beast, puto’t dinuguan, ang ying at yang parang black ‘n white maganda ipagsama, pede rin iapply ung thought na ‘lahat ng bawal masarap’. No further explanations, bagay ang dalawang bagay na magkaiba kasi kailangan ko pa bang iexplain?.---------------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon