Inspiration

9 0 0
                                    


Isa Lang akong hamak na mag-aaral..
Nangangarap makatapos, Matupad matupad yung pangarap ko..
Pero Syempre, Lahat naman tau napapagod sa Pag-aaral dba? Kaya kinelangan natin ng Inspirasyon..

Inspirasyong makapagbibigay satin ng gana.. Yung tipong ayaw mo ng lumiban sa Klase para makita mo yung ngiti nya.. Yup, Crush ung tinutukoy ko.. Lahat tayo may mga iniidolo kahit hnd sikat na tao o artista.. Katulad ko, Umiidulo sa isang simpleng tao na nakapag pa-attract sakn.. Halos araw araw gusto ko syang makita, di kumpleto araw ko pag di ko sya nakikita o nakakausap man lang.. Nagiging masipag ako sa klase pag na inspired nya ako..

Pero Sana Yung crushes lagyan ng Limit.. Wag hayaang mahulog sa kanya. Lalo na pag di ka nya kayang saluin.. Ilagay sa tamang lugar yung nararamdaman mo.. Sabi nga nila "I dont Know Why, It just Happen" tama.. Di mo yan mapipigilan, pero kaya mo itong balewalain Natatakot ka lng subukan.. Kasi sinasabi mo sa isip mo na hnd ko sya kayang Kalimutan..

Pero kayang kaya mo...

Humanap ka ng ibang libangan.. Pilitin mong Busy yung sarili mo... Maghanap ka ng ibang inspirasyon, Yung di ka mafa-fall ng ganun.. Busy-hin mo ung sarili mo sa pagbabasa,Pagco-compose o pag susulat..

Ako? Yun kasi ginawa ko, Binusy ko sarili ko... Hanggang sa di ko namalayan wala na.. Di ko na sya gusto.. Nakakangiti na ako na hnd naiilang sa kanya.. Nakakatingin na ako ng diretso.. At Higit sa lahat, May natuto akong lesson sa kanya..

Like ng Posts dito
Comment ng Posts doon..
Yan yung gawain ko.. Pero sya? Ni minsan ko nga lng makita yung name nya sa Notification ko eh.. Pag magcha-chat ako ang tipid magreply at ang cold.
Ganyan ba talaga pag nagsawa na? Siguro nakulitan na sya sakin.. Kaya lumayo ung loob nya..

Crush is just a inspiration.. Wag kang masasanay na nandyan sya palagi.. Wag mong sanayin sarili mo na andyan yung existence nya at nagpaparamdam sayo, Kasi pag Ikaw ay na sanay pag nawala yan hahanap-hanapin mo.. Kasi dba? Di mo namamalayan na nahuhulog ka na sa kanya.. Lagyan mo ng Limit para di ka masaktan... Pag di nya nasuklian ung pagmamahal mo sa kanya wag kang magagalit, wag mo syang sisihin..

Kasi balang araw mapapasabi ka na lng na "Crush,Salamat kasi dumating ka sa buhay ko at binigyan mo ko ng inspirasyon.

"Kundi dahil sayo.. Wala ako sa posisyong ito.. Salamat sa Pagpapa excite ng School Life ko.. Kundi dahil sayo boring palagi yung school life ko.. Maraming salamat, kahit di mo alam andami mong naitulong sa isang katulad ko"

~End~

InspirationWhere stories live. Discover now