"Ang ganda-ganda talaga kahit kailan ng anak ko," nakangiting sabi ni Mommy sa akin matapos kong isuot ang gown ko.
"Thanks, Mommy." Ngumiti rin ako. "Syempre may pinagmanahan, e."
"At sino kaya iyon?" Kunwari pa siyang hindi niya alam.
"Sino pa ba? 'Di ikaw!" Niyakap ko siya para lambingin, bagaman medyo naging maingat ako. Baka kasi pumahid sa kanya ang make-up ko sa mukha.
JS Prom namin, at talaga namang sobrang excited ako. Bukod kasi sa ito na ang huling taon ko sa high school--swerte ako, hindi ako inabutan ng K-12 program--makakasama ko ang boyfriend kong si Uriel. Sa ibang school kasi siya nag-aaral at sa kabilang bayan pa iyon. Same school but different campus. Nagkataon lang na this year, pinagsama na ang prom ng dalawang campus. I even prayed to Papa God na matuloy ito and it happened! Weird nga lang dahil ginanap ng second week of January pero okay na rin. At least, natuloy.
Sakay ng kotse namin, hinatid ako ng parents ko sa venue. Isang sikat na resort iyon sa kabisera. Mga 15 minutes dito sigurong biyahe.
Habang naghihintay, tinawagan ko si Uriel. Mabilis naman niyang sinagot.
"Yes, Nova ko?" bati niya. Ang endearment namin sa isa't isa e 'yung favorite naming chitchirya.
"Piattos, sa'n ka na?"
"Ay, dito pa 'ko sa bahay. Hinihintay ko pa si Lucifer. Makikisabay siya sa akin, e."
Lucifer. Siya ang best friend ni Uriel. Ang weird nang pangalan, 'no? Sabi ni Piattos, mula raw iyon sa pangalan ng mga magulang niya -- LUCIa at FERnando. Naisip ko tuloy kung ano ang senaryo sa binyag.
Pari: Ano'ng pangalan ng anak ninyo, Misis?
Misis: Lucifer po.
Pari: (Laglag jaw, nabitiwan 'yung binubuhos sa ulo ng bata sabay napaantanda) D'yos ko! Pangalan ito ng isang demonyo!
Napangiti na lang ako sa kalokohang naisip ko.
"Matagal pa ba kayo, Piattos?" tugon ko kay Uriel.
"Hindi ko nga rin alam. Kakauwi lang kasi ni Lucifer dahil nag-rehearse sila para sa performance-- uyy, ito na pala siya!"
"P're, sensya na kung nahuli." Si Lucifer siguro 'yun. Husky ang boses niya. Parang bedroom voice lang?
"Okay lang, p're, ito naman," sagot ni Uriel kay Lucifer bago ako ulit kinausap. "Sige, Nova, paalis na rin kami. Baba ko na 'to."
"Sure, Piattos. See you later."
"Love you." Sweet ang pagkakasabi niya niyon. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti dahil talagang nakakakilig siya pakinggang magsalita.
"Love you, too," sabi ko naman habang pilit na pinipigilan ang mapangiti.
Binaba na naman ang tawag. Tapos, inihilig ko 'yung ulo ko sa bintana. Pigil na pigil pa rin 'yung ngiti ko.
Biglang nag-vibrate ang phone ko. May text pala si Uriel.
Excited n k mkita ang prinsesa k hehehehe ska finally mk2lala u n si Lucifer.
Kahit mag-best friend silang dalawa, ni minsan ay hindi pa naipakilala sa akin ni Uriel ang best friend niya. Una kasi sa lahat, magkalayo kami ng bahay -- isang bayan pa ang pagitan namin at kailangan pa niyang sumakay sa jeep para lang bisitahin ako. Tapos, masyado rin kasing busy si Lucifer. Bukod sa siya ang running for valedictorian ng batch nila, active members din ito ng mga sinalihang affiliation like Youth for Christ saka Sangguniang Kabataan. Editor-in-chief din ng campus paper nila. Lastly, sporty rin ito. Ito raw ang forward ng basketball team ng campus nila.
BINABASA MO ANG
His Name is Lucifer
Short StoryDevils are great manipulators daw, hindi ba? I guess, that explains why his name is Lucifer. Unfortunately, I have loved him, which made me the biggest loser in this story.