(A/N: A story inspired by the songs Sparks Fly and Enchanted performed by Taylor Swift. Enjoy readers! Just an English intro, for a change.)
Prologue
“ID?” bungad agad ng guard sa entrance ng school. Sh*t. Nakalimutan ko. Bakit ngayon pa. -.-“
“Nasa puso ko!” sigaw ko agad sabay takbo papasok.
LOL. Kala naman ng guard na ‘yun mauutakan niya ako –
BUGSH. I fell with a loud thump. Nasubsob ako, face first, sa stone-cold floor. Basag ang mukha.
“Ms. Tabligan, and what do you think you’re doing?” biglang may nagsalita. Babae ang boses. Matured.
I looked up.
Oh cr*p. The super strict discipline officer, Mrs. Montegro.
So siya pala ang nantakid sakin intentionally para lang mahuli ako. Mautak pa sa akin.
I stood up. Inayos nang konti ang na-deform kong backpack.
“I’m sorry, Mrs. Montegro,” I said, head bowed down. Hay nako. Mukhang hindi ito ang tipong madadaan sa paawa effect ko. Medyo imposible.
“I want to see you after class, Ms. Karlee Tabligan.”
Sh*t. Ang malas. Tanga mo Karl. Nagpahuli ka pa sa taong ‘to. Favorite student ka pamo neto. Favorite pinapahiya.
“Yes, ma’am.”
(Roy’s POV)
“Okay, next reporters,” sigaw na naman ng matabang teacher sa aming mga kaawa-awang estudyante na nagtitiis sa walang kwenta niyang pagtuturo. Report na lang ng report, hindi na siya nagsawa. Nagpapareport lang naman siya dahil ayaw niyang magturo at para magmukhang busy kami at may ginagawa.
Tumayo na kami agad ng mga kabarkada ko. Nag-effort pa nga ako sa powerpoint presentation namin ngayon. Sobrang astig. May blinding lights effects pa at rising sun na vector design. Tingnan natin kung hindi niya pa ma-realize na wala siyang kwenta magturo sa lagay na ‘to.
Isa-isa na kaming nagsalita sa harapan. Kung akala mo kinakabahan ako at nanginginig ang tuhod sa sobrang kaba, asa ka pa. I’m socially active lalo na sa campus na ‘to at wala akong takot humarap sa mga tao. Makikita ninyo. Hindi ako basta-basta nagpapabaya sa dignidad ko.
“So, biodiesel fuel is something that is very effective and can be easily done. Our project focuses on the uses and advantages of vegetable oil in producing homemade biodiesel.” Blah. Blah. Blah. Basta marami pa akong sinabi. Pero guess what, ito pa ang sinabi ng teacher na masarap itapon.
“I am truly disappointed with your presentations. I hope next time the other group of reporters will be better than these ones. Good day.”
Ang kapal. Akala mo naman kung sinong genius para hindi i-appreciate ang effort ng group namin. Ikaw kayang magpuyat para sa isang powerpoint presentation, pustahan tayo hindi mo man kakayanin e. Makikita ng teacher na ‘yan. Mr. Orines. Mark my words. He will kiss my feet.
“Ma’am, may I go out?” tanong ko sa next subject teacher namin after Mr. Taba. (Short of Orines.) Physics naman e. Dinudugo lang ilong ko. Pero siguradong tutulungan naman ako ng libro sa mga bagay na hindi ko naiintindihan. Kaya ji-jingle muna ako.
“Go ahead.”
MAMATAY KA NA ORINES. MAMATAY KA NA. WALA KANG KWENTA ORINES TABA. MAGRESIGN KA NA. WALA KANG KWENTA. WALA KANG KWENTA. WALA KANG KWENTA.
Sinimulan kong sulatan ang comfort room ng mga boys gamit ang pentelpen ko. Nakalkal ko lang sa bag ko. Siguradong maraming mag-aagree sa ginagawa kong ‘to. Ngayon lang ako nagalit ng ganito sa isang teacher. Dapat lang na siya naman ang maturuan ng leksyon. Sobra na ang ginagawa niyang pamamahiya sa amin.
BUSET KA. WALANG HIYA. WALA KANG KWENTA. BAKIT KA PA NAGTURO DITO –
“Mr. Carillo, I want to see you after class. Principal’s Office.”
Nabitawan ko ang pentelpen. I turned around. Ang nagsalita ay walang iba kung hindi si Taba, este Mr. Orines. Lagot ako.
A minute before 5 o’clock.
Nakatambay na ako sa labas ng P.O. Nakahiram pa nga ako ng gitara sa kabarkada kong head ng Rondalla.
Bar chords. One week na rin akong hindi nakahawak ng gitara. Pagkatapos sinunod ko na ang Power Chords.
“It’s her hair and her eyes, today. That just simply takes me away. And the feeling that I’m falling further in love makes me shiver, but in a good way…” nagsimula na akong mangapa ng chords. Madali lang naman e. Pero challenging.
(N/A: Just for additional info, the song’s title is Out of my League performed by Stephen Speaks.)
“Omgosh! Tumutugtog naman siya ngayon! Shocks!”
“Oo nga. Ang astig niya. Idol!”
“Sh*t. Ang gwapo talaga! Ang ganda pa ng boses. Siya na.”
“What the. Roy’s my type na talaga.”
Naririnig kong nagbubulungan ang mga babaeng dumadaan habang kumakanta ako. Ts. Sanay na ako. Pero sana naman wag sila gaanong obvious kase medyo nakaka-ilang kapag naririnig ko lagi ang pangalan ko sa kanila. Pero I can’t help it, I’m hot. LOL. Joke lang.
Feel na feel ko pa ang paggigitara ko nang biglang may nakatama sa dulo ng gitara.
“WHAT THE!” napasigaw ako kabod. Tamaan ba naman kasi e. Hindi kaya akin ‘to. Kapag ‘to nagasgas, ako pa magbabayad, BIG TIME.
“Sorry!” yumuko ng 90 degrees ang isang babaeng may magulong buhok at naka-salamin. Maliit lang siya, kasingliit ng backpack na nasa likod niya.
Nahulog ang panyo niya. As a gentleman, hindi na ako nagdalawang-isip na pulutin ‘yon para sa kanya. At dahil na rin sa kabaitan ko, I earned myself something: isang malaki at higanteng bukol. Nag-umpugan kasi ang mga malalaking ulo namin sa kadahilanang sabay kaming yumuko para pulutin ang mafeeling na panyo. Ako na nga itong nagmamagandang-loob, ako pa yung mabubukulan.
“Aray! Sorry ulit!” sabi ulit ng babae.
“Miss, okay ka lang?” tanong ko sa kanya. Dumudugo ang ilong niya pre.
Inagaw ko agad yung panyo niya at ipinantakip sa ilong niya.
Tinataas niya yung noo niya.
“Wag! Steady ka lang. Wag kang yuyuko, wag ka ring tumingala. Hayaan mo lang na matigil yung bleeding.”
Tiningnan niya ako sa mata. Napansin ko ang sobrang haba niyang pilikmata sa likod ng makakapal na lente ng salamin niya. First time kong nakakita nang ganun kahaba sa buong buhay ko. At light brown pa ang kulay ng iris niya. Ibang klase.
Tinanggal niya ang kamay ko na may hawak sa panyo niya.
“Ayos na ako. Salamat.”
“Mr. Carillo, Ms. Tabligan, get in.”
Nagulat ako. Binasa ko agad ang name patch niya. Tabligan K.S.
Ano kayang first name niya? At teka, kasama ko siya? May offense rin ba siya tulad ko?
“Have a seat,” sabi agad ng principal.
Sabay kaming umupo sa dalawang stool opposite the principal’s table.
First time kong nanginig nang ganito. Kasi unang offense ko. At mukhang major pa. I should expect the worst scenario.
Habang ako ay nag-iimagine na ng kung anu-anong end of the world phenomenons na mangyayari sa school life ko, ang kaharap ko naman ay chillax na chillax lang habang nakikinig nang mabuti sa mga blah blah blah na sinasabi ng principal.
“I want to see both of your parents tomorrow,” sinabi na finally ng principal. It’s definitely the end of the world.
“Ma’am, maawa po kayo. Gagawin ko po lahat wag niyo lang pong ipatawag ang parents ko,” sabi ko sa principal. Hindi talaga pwede ngayon. Chaos sa bahay.
No comment lang yung babae.
“Okay. If that’s what you want, 1 whole week community service. Dito sa buong school. And you two will be working as a pair. Magstart kayo bukas.” And with that, tapos ang usapan. Walang nagreklamo sa aming dalawa. Mas mabuti nang ganito.
Kahihiyan talaga ‘to. Ay ewan.
Next day.
Start na ng community service ko.
“1 minute late ka Mr. Carillo. Sa library ka magtrabaho. Ayusin mo lahat ng libro don. At teka, Ms. Tabligan, kelan pa nag-allow ang school ng colored nail polish? Magsama kayo ni Mr. Carillo, I want the library neat and clean by the afternoon,” utos ng principal.
Oh great. I’ll be working with this girl beside me. Sana masipag siya kung hindi, mapipilitan akong isumbong siya.
(Karlee’s POV)
La. La. La. La. She’s a very very lucky girl. La. La. La. La. La. La –
“Pwede ba, magtrabaho ka nga,” sabi nung lalaking matangkad habang naglalampaso kami sa library. I mean, siya lang pala. Nagbabasa kasi ako ng Hush Hush. Medyo maganda. Nakaka-enjoy.
“Ayoko.”
“Umayos ka nga.”
“Maayos naman ako e.”
“Hay nako. Konti na lang irereport na kita sa principal,” banta niya pa sa akin. As if that would move me. Asa pa siya.
“Kdot.”
Na-irita siya pero inignore na lang niya ako. Pagkatapos niyang pigain yung basahan na ginamit niya sa floor, sinimulan naman niyang ayusin yung mga libro. Kinuha niya yung ladder at inipon sa naka-fold niyang mga braso ang mga solid kapal na books mula sa pinakamataas na part nung pinakamalaking bookshelf made of wood.
Nakikita ko sa peripheral view ko na natapos na niyang kunin ang pangatlong libro nang biglang nag-out-of-balance ang ladder na tinatapakan niya.
Kabod na lang. Parang sumanib sa akin ang adrenaline rush at bigla akong napatayo para saluhin ang ladder mula sa pagkakabagsak sa floor. Ang bilis ng pangyayari. Tumilapon ang bagong bili kong Hush Hush sa sahig na basa nung tubig mula sa natabig kong balde.
Nahawakan ko nga ang ladder. Pero ang taong nakatuntong sa ladder, nahulog kasama ko. Isang malagim na accident. Nahila niya ang blouse ko and then I forgot everything.
(Roy’s POV)
“Miss! Miss! Miss!” sigaw ko habang sinasampal ang babaeng nasa harapan ko. Basang-basa kaming dalawa dahil sa accident. Malayo ang library mula sa mga classrooms at hindi ko na alam ang gagawin ko. Nawalan ng malay ang babaeng kasama ko at dahil yon sa akin. Nawalan ako ng balance habang nagkokolekta ng libro mula sa bookshelves at natumba ang ladder. Agad naman siyang tumayo to the rescue para siguro hindi na ako matumba pero ang ladder lang naman ang napigilan niya, instead, nahila ko pa ang damit niya at I fell on top of her. She hit her head hard at ngayon wala siyang malay. DAMN. Ngayon ko lang nalaman na pwede pala ako sa wrestling.
Binuksan niya ang mata niya. Finally. Pero wala siyang salamin. Her curled eyelashes batted. Pero mukhang masakit ang mata niya.
“Ouch,”sabi niya while rubbing her head.
Niyakap ko siya agad kahit hindi ko siya kilala. And did I mention? We’re both dripping wet. Thank God walang nangyari sa kanya. This is all my fault.
Hinawakan ko rin ang ulo niya. “I’m sorry Miss.”
“Yung Hush Hush ko…” malungkot niyang sabi.
Ibang klase rin ‘to. Tumarit na’t lahat-lahat yung libro pa rin ‘yung inisip.
“Akong bahala. Kumpletuhin ko pa ang series na yan para sa’yo.”
Sh*t. Bat ko sinabi yun. Bawas na naman sa savings ko. Roy talaga. -.-“
“Masakit pa ba ulo mo?” tinanong ko ulit siya.
“Hindi na. Matibay yata to. Pero wala na akong damit e.”
“Unless gusto mong hiramin yung polo shirt ko sa locker ko.” Para naman magamit na rin. Isang buwan na ata ‘yung naka-stock sa locker. Pang-emergency reasons lang naman kase yun e.
“Ok lang?”
“Magrerecommend wari ako kung hindi?”
Nagsmile siya. First time kong nakakita ng babaeng ganito ngumiti. Parang wala nang bukas.
“Game!”
(N/A: Eepal muna ako. Grabe. Pasensya na kung walang kwenta ako magkwento. Kase nakaka-braindrain lang talaga mag-isip nang susunod na sasabihin. Kaya sana matiis niyo ang walang kalatoy-latoy kong pag-iimbento. Solomot.)
(Karlee’s POV)
Umalis sandali yung lalaking mabait. Pero ang sakit ng ulo ko talaga. Sobrang ewan. Pampam masyado. Tutulungan ko na nga yung lalaki. Kawawa naman. Baka matumba na naman siya at madamay na naman ako. Tapos sabi pa niya kukumpletuhin niya yung Hush Hush series. O di ba. Look at the bright side.
“Eto na, umm, ano kaseng name mo?” tanong niya.
“Ah?”
“Name mo?”
Name ko? Name ko? Wait, nagka-amnesia yata ako sa pagkakabagsak namin. “AH! KARLEE!”
Mukhang na-weirdohan siya sa pagkakalimot ko ng pangalan ko.
“Ingatan mo na lang polo ko ha, Karlee. Third year ka rin di ba?”
“Hinde. Fourth year.”
“Oh. Akala ko…”
“I know. I look young,” hirit ko naman. Fourth year na ako. Asa ‘to.
“So pareho pala tayo. I’m Roy, kung hindi mo pa alam.”
“Hindi ko pa nga. Hi Roy,” sabi ko naman. Ganito lang talaga ako pagdating sa mga taong hindi ko ka-close.
In fairness, mabango ang polo niya. Pero amoy aparador nga lang ng konti.
“Wala kang balak tumalikod? Heller, babae pa rin ako ‘no.”
“Ay, oo nga, sorry,” sabi niya sabay takip sa mga mata niya at talikod.
Within a minute, napalitan ko agad ang blouse ko with his polo. Good thing hindi gaanong nabasa ang undergarments ko.
“Ayos na.”
Humarap ulit siya sa akin. “Wow.”
“Bakit?”
“Iba pala ang itsura kapag babae ang nag-polo ‘no?”
“Siguro. Tara, ligpitin na natin ‘to.”
Kinuha ko agad ang mga tuyong basahan sa sulok ng kwarto at pinunasan ang sahig. Grabe tong natabig kong balde ng tubig. Iz a dizazter.
“At teka, kahit na ngayon ko lang napansin, sasabihin ko na, basag ang salamin ko.”
Nagpasukat pa lang ako last week. Wala pa ngang gasgas ‘tong lens tapos basag na nga. Grabihan.
“Ah… Oo nga pala. Pasensya na,” sabi ni Roy, “Sige, papalitan ko na lang. Magkano ba yan?”
“Lahat lahat? Approximately 2, 400 pesos. Buti na lang itong pinakamura na binili ko ‘yung nabasa mo.”
“Ah… Okay. Ha-ha-ha.”
Pilit siyang tumawa. Namahalan ‘yata sa presyo. Pero maarte kasi ako sa frame. Ayoko nung mabigat at cheap. Kaya mahal. Malas niya siya pa nakabasag. Iz my lucky day.
Natapos na naming ayusin ang lahat ng bookshelves by 2 o’clock in the afternoon. At ang babaho na namin.
“Gusto ko ng float.” Ay nako, cravings mo Karl, ayan ka na naman.
“Ako rin. Tapos may large fries. Sarap nun.”
At naki-ride pa ‘tong si Roy. Mukhang mabait naman siya pero masyadong serious. “Manlibre ka nga,” sabi ko naman daw.
“Sige. Paano ba tumakas dito sa school?” tanong naman niya.
“Transferee ka ba o ano? Fourth year na tapos hindi alam ‘yung mga secret passage. Parang otis.”
“Sorry naman no. E hindi ko nga alam e. San ba?”
“Follow meh.”
Hinakot na namin yung mga backpack naming at ni-lock ang malinis at maayos na library. Habang tahimik ang paligid, dahil nga malayo sa sibilisasyon ang library ng school, umakyat kami dun sa mababang pader malapit sa science garden.
Nakalabas na ako, dahil nga ladies’ first di ba, nang biglang may narinig kaming footsteps. May taong papalapit sa science garden. Sh*t.
“ROY, DALI!” sigaw ko naman, yung saktong maririnig lang niya.
Umakyat siya agad sabay talon. “Now that was close.”
“Talagang close. Nakita mo ba kung sino?”
“Ayon sa posture, mukhang si Mrs. Principal. Bayaan mo na yun. Natapos na rin naman natin gawain natin e.”
“PISHBOL!” sigaw ko agad. Perfect timing si manong! May nagtitinda pa ng sherbet sa tabi niya. PACKAGE sila. Astig.
“Kumakain ka pala niyan?” pansin ni Roy.
“Ay hindi, umiinom. Sows. Ikaw wari hindi?”
“Minsan lang. Tutal andito na rin tayo at gutom na ako, pagbibigyan ko na si manong.”
At nagtuhug-tuhog na nga kami ng kung anu-anong mga bagay-bagay dun sa kawali ni manong. Soled sarap.
Tapos nilibre niya ako ng sherbet. Melon. Sosy ‘tong si mamang sorbetero.
“Ang daming nangyari ngayong araw na ‘to,” sabi ko, habang feel na feel ang polo na pinahiram niya. Iba talaga feeling kapag nagsusuot ng damit ng ibang tao. Parang iba ka rin.
“Tama.”
At sumugod na nga kami sa McDo para bumili ng float at large fries na aming pinakahahangad.
(Roy’s POV)
Last day of community service. Ang dami ko nang na-skip na lessons. I’m sure mahuhuli niyan ako and I expect failing grades this grading. Hindi ko na alam ano ang mukhang ihaharap ko sa mga kaklase ko. Buti na lang at sa tingin ko, hindi nila alam kung bakit ako nagcommunity service. Pero naging masaya ang buong week, kahit siguro si loko-lokong Karlee lang ang kasama ko maghapon, solid saya na. Ang lakas kasi ng trip niya. Puro kalokohan ang nasa utak. Imbis na maisip mo ‘yung pressure ng community service, matatawa ka pa sa mga actions niya.
Pero may sikreto ako at huwag niyong ibubunyag, crush ko si Karlee.
Anong nagustuhan ko sa kanya? Pwede bang lahat?
Her long eyelashes, her dark brown eyes, her lips dappled with a natural shade of pink, her cheeks the same color as her lips, her skin as soft like chocolate and her personality as innocent and pure.
Pati yung ugaling malupet nyang laging natatapilok sa mga kung anu-anong bagay at ang malakas na kiliti niya sa tagiliran. Pati na rin kung gaano siya kapangit sumayaw.
Ayan. Pero crush lang naman. Ewan ko. Nakakapagtaka nga, at nakakagulat, dahil ang taong 4 years ko na palang nakakasama sa school ay ngayon ko lang na-meet. And I never knew she was this perfect. For me.
“Hoy, tulala boy, wala ka talagang balak tulungan ako dito?” sabi niya habang nag-eeffort na itulak ang pagkalaki-laking kahoy na table sa may science laboratory. “Mabigat pwede.”
Nung isang araw ogre. Kahapon poste. Ngayon tulala boy? Grabe. Ang dami ko palang nicknames. Pero kakaiba siya mag-isip ah.
“Eto na nga, Ms. Liit,” tinulungan ko siyang i-move yung table.
“Porket poste lang na nilublob sa putik e ganyan na kung maka-asta.”
“Blah, blah, blah, nagsasalita na naman ‘yung isang ET diyan.”
Whatever. Whatever. Basta yun. Solid kaming busitan. Pero tawanan din ang uwian. Hahaha. LOL.
“Apir!” sabi niya agad nung papauwi na kami. And did I mention, 5 days na kaming sabay umuwi? Hindi ko rin alam na magka-barangay din pala kami at ang mga bahay namin ay walking distance lang sa isa’t isa.
Naki-apir naman daw ako. “Ayos. Tapos na rin ang community service naten. Nice meeting you, Karlee S. Tabligan.”
“Ahm, ano kasi ulit full name mo? Ah! Nice meeting you rin, August Troy M. Carillo.”
“Bye,” sabi ko habang nakatigil na kami sa harap ng bahay nila.
Niyakap ko siya. Nagulat siya, pero pumapalag pa. Hinigpitan ko ang yakap ko.
“Ang drama neto. Babush.”
(4 months later)
(Roy’s POV)
Nakaka-murit ang araw na ‘to. Kailangan ko pang i-pass sa principal’s office ang letter para sa program next week. Kailangan perfect ang maging kalabasan ng High School Night dahil pinaghahandaan talaga ng Music Club ang araw na ‘yun. And me, as the president of Music Club, kailangan kong ipa-pirma ang letter mismo sa principal dahil napakatamad ng napili nilang secretary.
“Madam Principal! Madam Princi –“I stopped to a halt.
After 4 long months, nakita ko ulit sa harapan ko ang isang taong hindi ko inaasahang makikita ko pa ulit.
Thick eyeglasses, long hair and the neverfading charm, she stood up among the rest of her friends. She flashed a big smile as the principal nodded in agreement with her, her bright green braces displayed in front of her white teeth.
Nag-highfives pa sila ng mga kasama niya. Katulad pa rin nung kung paano niya ako nabibigyan ng good vibes noon. Wala pa rin siyang pinagbago.
Lumapit ako kay Madam Principal and stood beside her. Tiningnan niya ako from head to toe.
After kong pinapirma with ease ang letter, lalabas na sana ako para umuwi na nang bigla kaming tinawag ng principal,
“Mr. Carillo, Ms. Tabligan, maiwan kayong dalawa.”
Sabay kaming napalingon sa principal. Hindi kami nagdalawang-isip na umupo sa harap niya.
“Bakit po Ma’am?” tanong ko agad.
“Ang laki ng pinagbago ninyong dalawa after ng community service. First time kong naka-encounter ng mga students na ganyan. You two are really a perfect match. I’m just wondering if you could do me a favor.”
“Favor po?” tanong naman ni Karlee.
“Yes, hindi ba semestral break na next next week? I’m just wondering kung pwede kayong dalawa na pumunta. Kinausap ko na rin naman ang mga parents niyo. Kasi yung husband ko, nakakuha siya ng free ticket for two sa Hongkong Disneyland, so I’m just wondering kung gusto niyong sumama…”
What?! Paanong nangyari –
“GAME! Ano, game ka?” tanong ni Karlee sa akin na parang wala mang nangyari for the past four months.
“Wala yata ‘tong inuurungan.”
BINABASA MO ANG
Sparks Fly
Любовные романыDalawang mokong na nagkakilala sa detention, posible nga kayang may spark na mabuo sa pagitan ng dalawang rulebreakers?