J # 2

15 1 3
                                    


Hindi ko alam kung paano ba sisimulan ang simpleng pagbating ito

Kung ano nga ba ang mga dapat at tamang salitang nararapat na gamitin ko

Dapat ba, na gamitin ko ang mga papuri na magaganda't maaamo

O diretsuhin ko nalang sa mga kadugyotan at kabaliwan na natutunan ko sa iyo.


Hindi ko alam kung paano kita ilalarawan

Mga katangiang taglay mo na hindi ko tatawanan

Balak ko sanang simulan sa boses mong pang binata,

Ngunit parang mas maganda kung bida ang saya ng mga bata

Alam mo ba kung ano ang tinutukoy ko?

Oo, walang iba kungdi ang pisngi mo.


Siguro, doon na lamang tayo sa mga maganda't maaamo

Dahil pakiramdam ko'y minumura mo na ako

Ugaling mong walang makakapantay,

Lalo na't kapag ang mga kaibigan mo'y inaaway

Handa kang lumaban at sila'y ipagtanggol

Aba't napakaswerte ko nga naman, na ako si Juwol


Masasabi kong swerte ako dahil nakilala kita

Kaya kong tiisin ang iyong mga pang-aasar at pangungutya

Iisang hiling lang ang aking pakiusap,

Huwag kang mawawala, huwag kang bibitaw

Dahil ang isang tulad mo'y minsan lang lumilitaw (HAHA)

Sa mundong ating naging tirahan,

Dummy world na nagsilbing ating takbuhan

Ikaw at si Feb ang tanging kasama

Upang malaman kung ang mga desisyon ko ba'y tama

Mahal kita, palaging tatandaan

Tumanda ma'y hindi malilimutan

Salamat sa ating pagkakaibigan,

Pangako, hindi ko na ito pakakawalan.

J # 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon