Mahal naalala mo pa ba ang mga araw na pinapasaya mo ako, bawat gabi na ikaw ang tanging nasa isip ko , na sa bawat pag patak ng oras ika'y laging nasusulyapan
Ngunit ngayon wala na, natapos ang lahat sa salitang "Tapos na Tayo" mga salitang hanggang ngayon ay nasa isip ko pa rin na hindi ko pa kayang limutin ang mga ala alang dati'y masaya ako
Masaya ka na sa ngayong meron ka habang ako ay nasa harapan mong umiiyak parin at sinasabing "Pwede ba nating ibalik?"
Pero ang tanging naririnig ko ay "Tapos na Tayo" matapos mo sabihin ang mga salitang iyan
Pinilit kong mag bingi-bingihan, mag bulag bulagan na nakikita ko na masaya ka na, na hindi na talaga natin kayang ibalik ang dating tayo
Lumipas ang mga araw napag isipan kong lumayo, lumayo ako dahil hindi ko na kaya ang mga sakit na aking nasasalo
Lumayo ako ngunit pinag laruan ng tadhana at sa muli nating pag kikita...
Nakita ko muli ang mga matang masaya, nakita ko muli ang anino mong lagi kong sinudundan
Sa muli nating pag kikita naramdaman ko ulit ang mga sakit na aking naramdaman nuon at sa halip dumoble ngayon
Sino nga ba ang manhid ako ba na kahit ilang beses mong ipilit na ilayo sayo mas pinili ko pang masaktan kaysa tuluyan nang ipag paraya ka
Oh ikaw na hindi mo man lang alam ang aking nararamdaman at muling ipagtaboy tulad ng pag hihiwalayan natin?
Bakit hanggang ngayon hindi ko masabi na "Tama na" bakit hindi ko Ipag pahinga muna ang puso ko kasi wala na tayo TAPOS NA TAYO
Lumipas ang araw natuto ako natuto na mag palaya, ngayon hindi na ako mag papakatanga pang ibalik ang nakaraan
Dahil alam kong sa huli ako rin ang mahihirapan at masasaktan ngunit
Sinisigurado ko na sa muli nating pag kikita hindi na ako nasasaktan pa, sinisigurado ko na hindi na ako mag hahabol pa
At dumating ang araw na hindi ko inaasahan pinag laruan ulit tayo ng tadhana
Sinasabi mo na muli nating ibalik Ang dating tayo ngunit tatlong salita lamang ang lumabas sa bibig ko
"Tapos na tayo" siguro ngayon mo lang naramdaman ang mga sakit na naramdaman ko nuon
Ngayon wala na tayong babalikan pa dahil lahat ng ito ay nag laho na matagal na ayoko na muling mag paka tanga ng dahil sa pagibig
Itinadhana nga tayo ngunit hindi para sa isa't isa
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
PoetrySpoken Word Poetry (Written) Tagalog about love . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . You Can't Make A Poetry Without Having Any Experience/s