The Last Day

119 6 2
                                    

Pumasok na ko sa opisina ni Dr. Chester Mendrez, family doctor namin at college friend ko. Nagpakunsulta ako dahil napapadalas ang pagsakit ng ulo ko.

"Ms. Christina Villegas, we have done further examinations about your condition and it shows that your suffering from *insert nkakamatay na sakit* kaya may taning na ang buhay mo. ayoko mang sabihin, wag kang mabibigla pero may taning na ang buhay mo." loko talaga itong si Chester.

"ahaha. Baliw , kahit kailan talaga ang hilig mo mang prank." 

okay,lalo pang sumeryoso ang mukha nya. "Tin, i'm telling you the truth . hindi ko magagawang lokohin ka ng ganitong bagay." seryoso nya talagang pagkakasabi. at hindi na sya nakikipag usap in a professional way. nakikipag usap na sya sa'kin bilang isang nagmamalasakit na kaibigan. 

"no. hindi pwede , except from my headache. i'm perfectly fine. hindi maaaring bigla nalang may taning na ang buhay ko." 

diba, how can someone tell me na mamatay na ko e malakas pa naman ako. 

"i'm sorry pero traydor ang sakit mo. napaka rare ng kaso mo kaya hanggang ngayon wala pang definite na treatment."biglang bumagsak ang mga balikat ko at nanlumo ako sa mga narinig ko. hindi ko inaasahang tutulo ang luha ko pero ng magsimulang tumulo ito ay hindi na rin ito tumigil. 

"hanggang kailan nalang ako?" 

"you just had a day." 

"what one day? isang araw nlang ako sa mundo?... my mom and my dad is in america. at ang huli pa naming pagkikita ay hindi kami nagkaunawaan. panu ko maipaparamdam sa kanila kung gano ko sila kamahal ,pano ko makakaahingi ng sorry sa kanila." niyakap nya ko, niyakap ko din sya at ibinuhos lahat ng nararamdaman ko. 

Pagkatapos nun ay may kailangan syang asikasuhing pasyente. kaya ako naman ay lumabas ng hospital. Sa araw na ito nga ba ang dapat kong gawin. magmukmok sa kwarto at umiyak hanggang mamatay? sino ang pwede kong puntahan para naman atleast maging masaya ako ngayon last day ko na. 

Si mama at papa? hindi kasi kung kukuha ako ng flight hindi ako makaka abot at sa eroplano ako mamatay. si Chin, ang bestfriend ko, e wala naman sila dito nag out of town kasama ang asawa at anak nya. ang mga barkada ko ,nasa work at kahit alam kong isasantabi nila iyon ay ayoko silang tawagan para mkita silang nagiiyakan sa harap ko. 

Hindi ko alam kung saan ako pupunta hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa Opisina ni Daddy na ayokong pinupuntahan dati dahil nagaaway lang kami pag kinukulit nya kong magtrabaho dito. naalala ko ang lahat ng kulitan at away namin ni daddy nung bata pa ko dati dito.kasama pat namin si mama. naupo ako sa swivel chair nya para kahit paano maramdaman kong katabi ko sya. Dinial ko din ang phone nya pero walang sumagot, dinial ko pang muli pero wala talaga ni hindi ko manlang ba masasabing mahal ko sila. wahh,ang tragic naman ng buhay ko. ni wala akong matakbuhan para iyakan at mkasamang i enjoy kahit ang last day ng buhay ko. Nakakita ako ng bondpaper at papel sa loob ng drawer kaya kinuha ko ito at nagsimulang sumulat sa lahat ng mahal ko from my parents down to my yaya and driver.matapos kong magsulat umakyat ako sa rooftop. 

Alam nyo kung ano ang masaklap sa isiping mamamatay na ko mamaya. yun ay ang sa 24 years of my exiatence hindi ko naranasang magmahal, makipagdate,first kiss, hindi ko naranasan ang typical teenagers life dahil lagi akong nakakulong sa ginawa kong sariling hawla. 

tumalon nalang kaya ako sa rooftop na ito para atlis di na ko makaramdam ng sakit na ito sa puso ko.saka mamatay na din naman ako diba bakit di pa ngayon. pero ng makita ko yung taas ng babagsakan ko. In the second thought , gagawa nalang muna ko ng things to do para sa last day ko .nakakatakot kaya ang taas. 

"miss ,hoyy! wag kang tatalon!" 

"huh?"hinatak naman nya ko kaya naman nasa gitna na kami ng rooftop ngayon. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Last DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon