Chapter 1: Introducing Me

5 0 0
                                    

Kei's Pov

(Aug. 8, 2016/7:24 AM)

"The sun shines outside the window and it's reflection caused to wake me up from my slumber."

Ugh. Ang aga-aga, may nag-eenglish na palaka. Isturbo sa tulog. -_-

"HOY BABAE! HINDI KA BA PAPASOK NGAYON? ANONG ORAS NA OH?!"

Natauhan naman ako sa sigaw ng negrang palakang ito.

"GISING NAAAAAA!"

"WHAT THE!"bigla ko siyang na-i-tulak. Biruin mo naman kasi sigawan ba naman ikaw sa tenga na halos malaglag yung gold ko sa tenga.

Balak ko pa naman 'tong isangla sa Pure Ear Gold Pawnshop ^_^ Meron ba talaga nun? Nabasa ko lang naman yun sa 'THE IDIOT'S MAGAZINE'. Mahilig kasi si negrang palaka mangolekta nun.

"So, may plano ka pang pumasok?"tanong ng pinsan kong negra habang nakaupo ako sa kama niya.

Nag-wrestling kasi kami kagabi. In case na makita ko yung MOKONG na pumatay sa parents ko, yayain ko siyang magwrestling kami at pagnatalo niya ako, baka may pagkakataon pa namang mapatawad ko siya sa 'di katanggap tanggap na kasalanan na ginawa niya sa harapan ko. Hahaha!

Yun siguro at nagkauntugan yung mga bungo namin ng pinsan ko at di ko namalayan na dito na pala ako nakatulog.

"Hoy!"sigaw ulit ng pinsan ko.

Hindi ko na siya pinansin at lumabas na ako ng kwarto niya na walang imik.

Hay, naku! Magsisi ka talaga pag dun ka nakatulog sa kwarto niya.

Ask me why?

Ganda nang tulog mo gurl, super himbing, tas bigla ka nalang niyang tadyakan o tandayan, tas yayakapin ka niya hanggang sa di ka makahinga at tuluyang mamatay. Paghindi pa siya mapakali, naku delikado nayan.

Pati private parts mo madadamay sa pagkahawak niyan.

Kaya todo naman akong depensa hanggang magdamag.

"Oh, gising ka na pala?"tanong ni tita

"Hindi pa po Tits, nagse-sleep walking pa po ako"sabi ko naman habang papasok sa kusina

At ngumuso naman ito na parang nguso ng elepante yung dating.

Kumuha na ako ng saging sa mesa. Peyborit ko kasi to eh. Mga tatlong piraso lang para meron pa akong kakainin mamaya.

"Hoy, kinakausap kita! May plano ka pa bang pumasok?"tanong ng pinsan ko na ikinabigla ko naman, eh bigla ba namang lumitaw sa harapan ko out of nowhere. Ano yun, Momo?

Ang alam ko, si Momo ay isang member ng Twice eh. Hindi sya aswang, pero magaling sumayaw.Gusto mo bang makakakita ka ng Momo na magaling sumayaw?

Edi pumunta ka sa Korea. Dun mo makikita yun. Sa South hindi sa North, baka gera yung matagpu-an mo.

"Does she know how to talk? Tsk"insan sabay alis with padabog-dabog style

Hahaha! Ganyan kasi ako pag umaga. Walang imik na sumagot sa mga katanungan niya.

Naku, nirereserba ko yung laway ko baka mawalan ako ng laway mamaya.

Alam niyo kasi, pagsasagutin ko si Negrang Palaka meron pa yang follow up questions. Parang exam lang po.

Tracking I and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon