Chapter 1

16 0 0
                                    

Naglalakad ako papasok sa school. Wala kasi yung service namin. Pero sa totoo lang, hindi talaga yun service.

Isang tricycle lang talaga siya na may nakalagay na 'SERVICE' kasi nga hinahatid sundo kami ng lolo namin noong elementary pa lang. Kabogera kasi ako kaya ayun.

Sabi ko nga, naglalakad ako. Naglalakad, naglalakad at walking. Naglalakad lang. Tuldok.

Q: May kasama ba ako? Hulaan niyo.

Q: Sasabihin ko ba? Gusto niyo ba?

'De joke lang. Meron akong kasama. Tao siya. Maputi, mataba pisngi, maliit, short legged kaya pandak, Maputi ulit, pango ng onti kasi kinulang sa taas, malaki mata, naka salamin, brown black ang hairlalu at pang huli, babae siya.

Naiimagine niyo ba? Ako kasi no need na. Kotang kota na ko sa babaeng 'to. Sawang sawa na is me. Sana maiba naman. Pero namimiss ko naman siya kasi pinaka love ko siya eh. Pinsan kong ate ko na cute. Minsan ko lang siya mapuri kaya sulitin niyo na.

Aianne ang pangalan niya. Panlalaki ano? 'Wag ka. Yung birth certificate niya, sa gender, lalaki siya. Oo, MALE nakalagay. Kasi nga daw panlalaki ang name niya.A-yan ang bigkas sa pangalan niya. Ang kaso nga lang, I-yan ang nasasabi lagi ng mga kakilala namin. Minsan Ianne pa ang nakalagay. Hayaan niyo yan. Sanay na siya.


"Tapos ka na ba gumawa ng nobela sa utak mo? Ang bagal mo. Late na tayo."


See? Masungit siya. Baliw, abnormal at sobrang moody. Ganito na kasi ang henerasyon namin. Sabi nga ng mga elders, mapupusok daw at hindi makontrol. Well, totoo naman. Moody din naman ako. Pero hindi bipolar. Mas matanda din siya ng 1 taon sa'kin kaya Ate ko siya. Panganay na po.


Tapos ayun, bigla kaming huminto. Pinigilan ako ni Ate. Epal eh. Pinakita niya ang relos niyang kulay puti. Alam ko na sasabihin niya.

"10:15 na! 15 minutes na lang, oras na ng klase. May ibabagal ka pa ba diyan?"



At ayun nga. Mamaya ko na lang itutuloy. Baka mapatay ako ni ate. Ayoko ring ma-late. Lagot na naman ako sa Math teacher namin dahil lagi akong late.







--------------------

"Magkasama na naman kayong dalawa. Alas dose, ala una na naman kayo matutulog. Maghiwalay na nga kayo ng ate mo. Matulog ka na." Sigaw ni Daddy.

Actually, Hindi lang alas una. 3:00 AM ako, kami natutulog. Wattpad kasi.


"Opo, opo. Tatapusin lang namin yung palabas. Ending na eh."

Umalis na si daddy at pumunta na sa kwarto. Simula pa lang talaga ng palabas. Palusot lang namin yun. 'Wag kayo maingay, ha?



Nanunuod kami ng Goosebumps. Ang kyut pala ng movie na 'to. Sana magkatotoo 'to. Yung may ganito sa totoong buhay. Yung may vampire kang katabi pagka gising mo tapos sasabihin niya "Hi Mate"



Possessive siya. Yung ending magiging kami daw. Ayokong magkwento pa ng middle part at iba pang scenes kasi baka ma iba. Maagaw pa. Gusto ko kamukha siya ni Oppa. Kilala niyo ba si Baek Ah? He's my hubby. Akin lang ang asawa ko. Wag kang ano.


Certified Kpop fan and an official ARMY. Suga bias and Jungkook bias wrecker. A to G to U to the STD.

Wonhae manhi manhi tu tu tu tu tu tu tu~




Si Ate naman EXO-L. Kaya mahilig siya sa wolf stories. You know? Wolf 88 kasi. Si Luhan ng Sub Unit EXO-M yung bias niya. At bias wrecker niya si.....Basta! Ang dami kasi netong ano. Nung birthday nga niya nahirapan si Ate Sophie, bestie ni Ate, na isako ang bias niya dahil sa haba ng bias list niya. Ayun, LSM na lang ginawa niya.



NCT Stan, Shawol, Elf, VIP, Ahgase, CARAT, SONE at ARMY. Diba hindi naman siya multi fandom? Ako din naman Multi Fandom. Lugi nga ako sa NCT, 5 lang akin tapos paa lang ni Yuta yung pang lima. The rest, kanya na. Pero oki lang. Sa Bangtan kasi, si Jin lang at wala ng iba ang bias niya. Matapos magparaya kay Namjoon, Jimin at Jungkook, si Jin pala ang nakatadhana sa kaniya. Ganun din kasi kay Luhan. Nagparaya rin siya kay Suho, Kai at Chanyeol. Tapos ito na, Mrs. Lu na.




Nandun na kami sa part na in-open ni girlash yung book kasi ayaw ni guy na mawala si girl kasi story lang din si girl na ginawa ni father dear na gumawa ng mga libro na tungkol sa mga monsters kaya sila hinabol dahil sa revenge at ang tanging paraan lang ay gumawa ng story at talunin ang ginawang story noon ni father dear. At natapos na ang story. Nag ayos na kami ng kalat, in-off si TV at pumunta na sa kwarto.





Hindi matanggal sa isip ko yung sinabi ni Father dear na "Beginning Middle at Twist" Para kasing totoo. In real life, may goals ka at may gusto ka. Gagawin mo siya. Nagiging okay ang simula, minsan sobra pa. Sa kalagitnaan nakuha mo ang in-expect mo. Tapos sa dulo, may twist na kapalit. It's either mawawala sayo yun o masisira. Diba?


Bago ko ipikit ang aking eyes, iwinish ko na sana magkatotoo yung vampire na ipinapangarap at dinedaydream ko kanina. Sana magkatoo. At para masaya, sana pati si Ate Aianne. Para may karamay ako. At ipapain kapag nasa danger zone ako. Haha.





Nang maramdaman ko na ang ihip ng hangin, nagpasiya na akong pumikit. Ipikit ang mata at mag-relax. Think of happy thoughts.

Malamig ang ihip ng hangin... galing sa bintilador. Kasi bagong linis ako ng katawan. Presko sa pakiramdam. Nakapatay ang ilaw at lamp shade lang ang bukas. Sa maliit kong apart na sulok na kwarto, malamig at mabango naman ito. Dahil sa pader pader ito at Two storey house. Nasa 1st syempre ako. Kami ni ate. Magkatabi lang ang kwarto namin. May bintana na medyo malaki ang pagkakahati nito sa dalawa kaya madali kang makakalusot kung galing ka sa labas at loob.



Ipinikit ko na ng tuluyan ang aking mata at tumuloy sa aking panaginip. Huli na ng lahat ng may isang bagay pala akong nakalimutan....bukas ang isang bintana.






























Be careful what you wish for. Some things will happen tonight. [/smirks;





Typos ahead. :)

Be Careful What You Wish ForTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon