Ang init naman. Aga-aga ang taas ng sikat ng araw.
Nagising ako sa init na naramadaman ko. Tagaktak ang pawis ko. Ramdam na ramdam ko rin ang pagtulo at pagdaloy ng butil butil na pawis mula boo hanggang leeg.
Ganito na talaga ako ka-hot? Ayoko na ngang maging sexy. Sorry guys.
Kinapa ko ang aking cellphone sa gilid ng kama. Para tignan ang oras at manalamin. Kinusot ng kaliwa kong kamay ang aking mata. Nagtanggal din ng muta at chineck kung may panis na laway sa gilid ng bibig.
7:30 pa lang ng umaga. Pero yung araw ang taas na agad. Bukas naman yung bintilador, pero bakit ang init pa rin?
Wait. Patay yung bintilador. Walang sound eh. At may nag bunot nito sa saksakan. Kaya pala ang init init.
Bumango ako upang isaksak muli ang bintilador. Ito ang tanging paraan upang mabawasan ang init ng pakiramdam sa asking katawan. Nagpunas rin ako ng pawis para hindi magkasakit. At dumiretso na ulit sa kama. Umaasa na makakatulog ulit kahit sandali lamang.
Freshness! Woo!
Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin ako makatulog. Kaya humarap ako sa kanang parte ng higaan, kung saan may pader at mga ilang pulgada lang ay ang bintana.
Parang yelo. Ang lamig lamig ng unan ko sa gilid ng kama. Wala naman kaming aircon. Bintilador nga lang diba? Yung unan ko bumango kaso amoy kakaiba. Pang mayaman ang peg. Tapos tumigas. Siguro kay ate 'tong unan. Hindi ako nagamit ng matigas na unan. Gusto ko fluffy at siya naman matigas. Mag uunan na nga lang, yung matigas pa. Masakit kaya yun. Diba?
Niyakap ko ito ng mahigpit kahit na na-weweirduhan ako dahil lumaki at humaba ang unan ko. Pero okay lang. Epekto siguro ng na alimpungatan.
Zzzzzz......
May humahaplos ng buhok ko. Pero wala akong kasama. Guni guni ko lang yun. Okay, tulog ulit.
Zzzzz.......
May umaamoy ng buhok ko! Hinalikan pa! Si Ate ba ito? Hindi niya naman ako i-kiss ng ganun. Duhh
Kinapa kapa ko ang aking ulo nang may mahagip akong kamay. Malamig na kamay!
Napabangon ako sa pagkakahiga. Dilat na dilat ang aking mga mata at bumibumilis ang takbo ng aking puso. Hindi rin payapa ang aking paghinga lalo na nang may tumawa ng mahina sa aking tabi. Isang napaka manly na tawa.
Kung ano ang ikinalaki nito kanina ay dumoble pa ang pagkakadilat ng aking mata. Hindi mapalagay ang aking isip. Pinagpapawisan na rin ako ng malamig. At tumaas ang aking balahibo. Tirik na tirik at ramdam na ramdam ko ang pangingilabot.
Mumu! T.T Waaah!
"Sa palagay mo ba... may multong ganito ka lamig ang katawan? O do kaya ay mararamdaman mo ang isang kaluluwa? Sa pagkakaalam ko ay ang mga eksperto lang ang nakakahawak dito. Right?"
BINABASA MO ANG
Be Careful What You Wish For
AdventureThis story is inspired by the movie "Goosebumps"