A/N: "All characters in this one shot story are fictitious. Any resemblance to any events or any person living or dead is purely coincidental."
Tik-tok-tik-tok
"Kahit gaano pa katagal ang paghihintay mo sa tamang oras at gaano man katagal ang pinagsamahan niyo ng taong mahal mo, basta hindi mo pa nasasabi ang nararamdaman mo sa kanya, hindi niya ito malalaman - - hanggang sa maging huli na ang lahat." -Miss Margie
Matagal ko na siyang kakilala.
Matagal na kaming magkaibigan.
Matagal ko na siyang gusto.
Matagal ko na siyang mahal. Matagal ko ng gustong sabihin ang nararamdaman ko sa kanya.
Matagal na akong naghihintay sa tamang panahon, sa tamang oras para masabi sa kanya ang mga katagang "Mahal Kita."
Wag mo sabihing torpe ako, ilang beses ko ng sinubukan na sabihin sa kanya pero sadyang parating wrong timing. Sinubukan kong sabihin sa kanya pagkatapos ng klase namin kaso may biglaang lakad siya. Dinaan ko sa sulat kaso hindi ko nalagay sa bag niya kasi biglang tumunog yung school bell. Nagkaroon na nga ako ng lakas ng loob para sabihin sa kanya sa araw na 'yon kaso nagsalita yung babae sa announcement doon sa airport, boarding na daw nila. Hindi niya pa rin ako narinig dahil wrong timing.
8 years.
Walong taon na ang lumipas mula noong umalis siya dito papuntang America. Ilang taon ko na rin siyang hindi nakita sa personal pero hanggang ngayon, ang ganda pa rin niya. Para siyang manika sa alon-alon na niyang na kulay itim. Mas lalo siyang gumanda sa suot niya ngayong puti na mala-prinsesa ang disenyo. Napatingin siya sa gawi ko at ngumiti.
Kung sana lang. . .
Kung sana lang sinabi ko sa kanya. . .
Kung sana lang hindi ko hinintay ang tamang oras. .
Kung sana hindi ako tumigil sa paghahanap ng paraan para masabi sa kanya ang nararamdaman ko. . .
. . . ako sana ngayon ang pinakamaswerteng lalaki sa balat ng lupa.
~~Flashback~~
Napatingin ako sa gawi ni Leila. Sobrang seryoso niya ata ngayong araw ah? Kailangan namin mag-usap. Kailangan masabi ko na sa kanya ang nararamdaman ko.
*school bell rings*
"Leila!! Sandali!!" tawag ko sa attensiyon niya. Malapit na kasi siyang makaalis sa class room. Tumigil siya sa paglakad at nilingon ako.
"Ano 'yun Mike?" ngumiti siya sakin, mamadaliin ko na ito kasi ito na ang chance ko. Huminga ako ng malalim at bumaling sa kanya. WOOOO! Good luck to myself!!
"Uhm, ano kasi Lei. . . Matagal ko na 'to gustong sabihin sayo. . . Matagal na kitang . . ." naputol ang iba ko pang sasabihin kasi biglang tumunog ang mobile phone niya. Kinuha niya yung phone niya sa bulsa at tinignan ako.
"Uhm, sorry Mike. Kailangan ko lang sagutin itong tawag." paumanhin niya sakin.
"Ah, sige Lei. . ." sabi ko habang tumatango-tango at alanganing ngumiti.
Tinignan ko siya habang kinakausap niya ang kung sino man na tumawag sa kanya. Ilang minuto din sila nag-usap ng biglang lumukot ang mukha niya na parang hindi gusto ang balitang natanggap. Natapos rin ang pag-uusap nila. Tinignan niya ako. Ang kanyang mga matang parang nangungusap. Bakas sa mukha niya ang matinding lungkot.
BINABASA MO ANG
BitterSweet Memories
RomanceThis is a compilation of ONESHOT (1 Chapter) stories that are all written originally by TheGalSpeaks/MissMargieStories. "There's always a bittersweet kind of thing, but it feels like everything had to work out the way it is. Everything that had to h...