"Busy nga kasi ako nun. May kelangang tapusin."
"Hindi, sige. Alis na ako... Hinihintay na nila ko dun. Bye." Sabi niya sabay irap pa. Tumayo na din siya at umalis. Hindi man lang nagkiss. Hay nakuuuu. Napakamoody na ah. > <
Umupo na lang ako sa bench nang may biglang tumawag sa'kin.
"Kuya J!" Napatingin ako sa direction nung sumigaw.
"Ikaw pala MJ. Anong ginagawa mo dito? Sino kasama mo?"
"Wala lang. Pasyal lang magisa. Wala naman ako makakasama eh."
Drama talaga neto kahit kelan. Haha.
"Wag ka magalala. Mahal ka din nun. Haha."
"Ewan ko sayo. Eh ikaw, bakit ka nandito?"
"Nagdate lang kami ng babe ko..."
"Eh asan na siya?"
"Wala, umalis na. Nagpunta na sa mga kaibigan niya. Psh."
"Oh bakit. Nagaway ba kayo?"
"Oo. Siya kasi eh. Ayaw maniwala sa'kin. Hindi ko lang nareplyan kasi nga may ginagawa tas galit na. Napakamoody niya. Nakakainis na. Bahala na siya."
"Eh ano na gagawin mo?"
"Pababayaan siya. Gawin niya gusto niya. Kung makipagbreak siya, edi okay."
"Talaga naman kuya. Tsk tsk. Tas pag nagbreak kayo, ano? Bago na naman?"
"Hindi. May babalikan ako."
"Si ate ba?"
"Sino pa ba... Feeling ko siya talaga eh. Kampante ako sa kanya. Kaso nga lang maghihintay ulit. Pero kakayanin ko naman. Nakapaghintay na nga ako ng 3 taon eh. Ngayon pa ba ako susuko?"
"Hay ewan ko sa'yo kuya. Siguraduhin mo yan ah. Loko loko ka din kasi eh."
"Opo. To talaga. Mahal ka nga kasi nun." Pangaasar ko sabay tawa.
"San naman nanggaling yun? Tss. Makaalis na nga. Kitakits na lang sa tambayan. Bye kuya J!" Umalis na nga siya at naiwan na naman akong magisa.
Siguro naman makakapagpakilala na ako. Ako si James. Chickboy kung tawagin. Hindi na kasi mabilang naging girlfriend/syota ko eh. Syota kasi, short time lang. Kumbaga, trip lang. Bata pa ko nung nagkaron ako ng first gf. Grade 3 ata o grade 1? Hindi ko na tanda eh. Nga pala, yung babaeng kasama ko kaninang nagtaray, bagong syota ko. Tas yung isa naman, si MJ. Tropa ko yun. BH din yun eh kaya panay ang asar ko. Pero siya yung guru ng tropa. Tagabigay ng advice kahit sariling problema, hindi masolusyonan. Kay bata pa namomroblema na sa ganyan. Tsk. Buti pa ko... Pa-easy easy lang. Hindi nagseseryoso. Pero nagbago nung nakilala ko siya. Kaso nga lang wala... Nagpasaway din kaya ayun back to the basic. Pero ngayon, nakapagdesisyon na ako. Totoo na to. Maghihintay at hihingi ulit ng chance for the nth time. Sana lang mapagbigyan ako.
Naglakad lakad na lang ako dito sa QC circle, ayaw ko pa umuwi eh. Uutusan lang ako dun. Bahala sila. Magrerelax muna ako. :p
Nung napagod ako, umupo ulit ako sa bench habang kumakain ng ice cream. Kaso may narinig ako. Umiiyak. Tumalikod ako at may nakita akong babae. Siya pala.
[Author's Note: Magkatalikuran kasi yung bench. Sa magkabilang bench sila nakaupo. :))]
Bumili ulit ako ng ice cream tapos nilapitan ko yung babaeng umiiyak.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories ~
Teen FictionStories made by the heart ;D Full of love, encouragements and inspirations. Read if you want and enjoy! xoxo