Do We Have a Chance , Bestfriend?

13 0 0
                                    

--------------------------------------------------

"Bespreeengg! Natabunan ka na ba ng niluto mong popcorn dyan sa kusina??" Sigaw ni Patty mula sa sala ng bahay ni Nick.

"Saglit naman po Senyora! Eto na nga oh! Nanginginig pa!" Sigaw ni Nick mula sa kusina. Nanunuod kasi sila ng horror movie na "Insidious" . Dala dala na ni Nick ang popcorn papunta sa sala.

"Tagal mo! Patapos na tong movie bago ka matapos e no?" Nagmamaktol na sabi ni Patty, habang sinusubo ang lahat ng popcorn na dinakot nya mula sa  bowl na hawak nya. Takaw talaga.

"Pasensya na po ha? Kasi bakit hindi na lang ikaw yung nagluto diba? Tutal ikaw naman tong malakas kumaen ng popcorn!" reklamo ni Nick.

"Shh! Ingay mo uh? English na nga eh! Di ko pa lalo maintindihan!" Si Patty, habang tinaas yung paa sa sofa.

Tahimik na silang nanunuod at nagugulat na din.

Hindi  naman nya gusto ang horror movies e, mga trip nyang palabas yung mga SciFi, o kaya yung pwede na yung comedy, love stories? Basta, Sinasabi nga ni Patty lagi sakanya, "You're so gaayyy. Gay.. Gay. Gay" Kahit minsan kating kati na syang sapakin sa mukha yung bestriend nya.

Anyways, 

Pitong taon na silang magbestfriend ni Patty. Thank God natiis nya it, kahit Bully si Patty.

Nagkakilala sila sa CAT nung highschool. Sya officer, at ito'y  NGANGA. Lagi kasi ito dating nakasunod sakanya, kala nya nga Crush sya e. Yun pala sumisipsip na hwag pagawain ng mga parusa tuwing failed itong magposition ng umagang umaga. Hanggang sa naging nagpalagayan sila ng loob at naging close sila. Sabi ng iba sila na daw. E paano magiging sila, sinabi nila sa isa't isa na hindi nila type ang isa't isa.  At pareho silang alaskador, minsan panalo sya sa dito pag asaran, minsan Ito. Patas lang, 

Hanggang ngayon, di pa rin sila naghihiwalay kahit magkaiba na sila ng trabaho, Sya Accounting . Ito naman Manager sa isang restaurant. Minsan na nga lang sila magkita t'wing weekends o day offs nila.

Natapos na yung palabas at sobrang simot nadin yung popcorn.

Pinatay nya na yung tv at dvd.

"Senyora Patricia, hindi pa po ba kayo uuwi? Anong oras na oh?" Si Nick.

pasado alas dyes na kasi, Sya lumipat na sa quezon e, at si Patty antipolo pa.

"Ha? Di pa noh! Pupunta dito sila Dave, Ann, Rein at Craig, tinext ko sila, inuman tayo dito sa inyo! Nagdala na yon ng alak," Si Patty, habang kinakalikot yung phone.

Sya naman nagulat, nagimbita pa naman sa bahay nya ng hindi alam e. Hay nako, bat di ba sya masanay.

"Salamat sa paghingi ng permission ha? Dito talaga ha?" Si Nick

"Eh kasi, nag aya mag bar hopping, e tinatamad ako, so sabi ko dito na lang. And nasa kanto na sila, kaya hindi kana pwedeng humindi! Haha" Si Patty, habang tumatawa, natatawa kasi ito kasi nabibwiset sya

Maya maya dumating na sila Dave, Ann, Rein at Craig. Mga highschool friends nila.

"Oh? Pare kamusta?" Si Craig, na mas close nya.

"Eto, kating kati na manabunot sa bespreng" Sabi ni Nick na pinalakas ng konti para marinig ni Patty na hindi naman kalayuan na nasa kusina.

Tumawa lang mga kaibigan  nila.

"Pare, sanayin mo na sarili mo baka mamaya kayo pa ang itakdang ikasal sa future!Haha" tumatawang sabat ni Dave.

"Putsa naman pare, Hwag ka magsalita ng nakakakilabot, iniisip ko lang impyerno na! Haha" Si Nick habang tumatawa.

FRIENDZONED: Do We Have a Chance , Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon