Nakakahiya ka, (One - shot)

1.3K 56 7
                                    

"Ate sama ka samin." Imbita sakin ng kapatid ko. Tumango ako at tumayo para makapunta na sa sasakyan.

Bumili ng bumili si Mama hanggang sa may nakita akong lalaki, katabi nung statue, naka-pose.

Seryoso siya dun? Nakakahiya ka, boy.

Di ko na lang pinansin yung lalaki at dumeretso sa sasakyan at nakinig sa kanta.

Na-upo na ako at tumingin sa labas. Nagsimula na ring mag-drive si Manong Ben.

Feeling ko, nasa music video ako...

CHAROT!

Nang makarating kami sa stoplight, syempre, kailangang tumigil muna. Pinagpatuloy ko lang ang pag-mu-music video ko.

Yung sasakyang katabi namin, yung driver.. Siya yung lalaki kanina ah.

Alam mo kung anong ginagawa?

NAG-HE-HEAD BANG!!! SRSLY???

"Hahaha!!" Wala sa sarili kong tumawa.

"Luh. Ate,bat ka tumatawa?" Tanong ng kapatid ko.

"May lalaki kasing nag-headbang. Parang tanga lang." Sabi ko tas tinignan ko ulit yung lalaki, nagheheadbang parin pero napatingin siya sakin with a were-you-looking look.

"HAHAHAHA." Tawa naming magkapatid.

-----------*

Lumipas ng 2 taon, di ko na nakita yung nakakahiyang lalaki.

Umalis sila Mama at sumama ako. Pero andito lang ako sa loob ng sasakyan at nagsa-soundtrip.

Nag-Wattpad ako at may isang lalaking napatingin sa bintana.

Tinted ang sasakyan pero bakit gulat na gulat siyang tumingin sa sasakyan.

Nagulat ako nung bigla siyang nag-pogi sign.

Luh. Baliw.

Wait.. Parang nakita ko na to... AH! SI NAKAKAHIYANG GUY!

Sinuklay niya yung buhok niya gamit kamay. Nagsasalamin ata...

Kinuha niya ata yung cellphone niya at nagpicture. Pagkatapos niyang mag-selfie. Sumandal siya sa sasakyan at nag-post,

"MY NEW CAR! AWESOME, RIGHT? MAINGGIT KAYO @YzenNaMe @ZiNemEsDew @GwapengTae @ButikiAkoPramis

Luh. Feeler ah.

Binuksan ko yung bintana at sumigaw sa tenga niya,

"KUYA, NAKAKAHIYA KA."

"Alam ko. Pero paki ko? Gwapo naman ako eh."

"Feeler mo."

"Pero pinansin mo ako kanina. Buti naman. Ilang taon ko rin kitang hinanap, Sky." Nakangiti niyang sabi.

Pano niya nalaman pangalan ko??

"Di mo na ba naaalala? Ako si Rain, yung nagsabi sayo nung bata tayo na papahiyain ko sarili ko kapag nakita na kita." Sabi niya.

Pinahiya niya kasi ako nung bata ako.. Pero alam mo kung anong sunod niyang ginawa? Niyakap ako at nagsorry siya.

'Hahanapin kita ah! Pag nahanap kita, papahiyain ko sarili ko para naman di ka na magalit sakin..'

'Bakit naman ako magagalit sayo? Eh napatawad na kita.'

'Eh, para naman... Malaman mo na gagawin ko ang pinaka nakakahiyang bagay para lang sayo. Para lang malaman mo na mahal kita.'

"Mahal pa rin kita, Sky." Bulong niya..

At bigla niya akong hinalikan sa labi.

Nakakahiya ka, (One - shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon