Uwian na namen, di ko kasabay ang "Boys tag" dahil busy ako kanina, habang naglalakad ako nakita ko si Clarisse pinagtitripan ng mga tropa ko lumapit ako at kinuha ko ang bag niya, ang pag aakala niya ibibigay ko sa kanya ito pero hinulog ko ang mga gamit niya at pinagtawanan namin siya, pagkaalis namen nakita ko siya pinupulot ang mga gamit niya at pagka lingon ko sa kanya sinabi niya saken " akala ko pa naman napaka gentle man mo!" nakikita ko sa mga mata niya na nadidissapoint siya sa ginawa ko sa kanya kanina, "Hoy Izu sasama ka ba o hindi?" sinigawan ako ni Kevin tropa ko sa "Boys tag", "Hindi na pre may aasikasuhin pa ako" sabi ko sa kanya" at umalis na sila na parang walang may pake sa nangyari.