Love at First Lick °٢°

42 0 0
                                    

“Aiko, sweetie, wait for me!” 

A worried voice shouted from afar. Hmmm. Nangangamoy Break-up. Tila nanunuksong nag-play sa kanyang isipan ang dialogue na iyon mula sa isang commercial ng sikat na instant noodles.

“Aiko!”

Dahan-dahan niyang nilingon ang nagmamay-ari ng nagsusumamong tinig na iyon. Ipagpaumanhin pero hindi siya isang tsismosa, she’s just a curious citizen who wants to know what’s happening in her surroundings. That’s all. Period. (Pause.)  Amfpt.. Oo na! Sige na. Maliban sa gusto rin naman talaga niyang makiusyoso sa kahihinatnan ng nagaganap na Lover’s Quarrel, mas malaki ang kuryusidad niya na makita ang nagmamay-ari ng tinig na iyon. Ng gwapong tinig na iyon, take note!

Nang mga oras na iyon ay nasa Starbucks siya---correction, nakikiupo lang pala dahil hindi na niya kinaya pa ang pagod sa halos ilang oras na paglalakad at paghahanap sa building ng opisinang kanyang pinag-aapply-an para lamang muling makarinig ng walang katapusang “We will just call you.” Haist. Crap!

Well, back to Aiko-boy, he’s sitting a few tables away from hers kaya malinaw na na-capture ng mabibilis niyang mga mata ang pagtayo nito. Wheet-whoot! Napasipol siya habang patuloy na sinusundan ang bawat kilos nito. Sa tantiya niya ay nasa mga 5’10 ito. He’s wearing a white V-neck long-sleeves shirt na nakatupi halfway his arms ang mga manggas, moss green shorts and a pair of sneakers.  At hmmm, a certified hunk! Sexy deep-set eyes, matangos na ilong, mapupula at kissable lips plus that cleft chin! Hayyyyy! Daig pa nito ang charger na nakapagpabalik ng na-drained niyang energy.

Alam niyang it is rude to stare, pero kapag ganitong mga tanawin na ang usapan, aba’y wala ng pakialaman. At isa pa, hindi naman nito alam na minomolestiya na niya ito sa kanyang imagination. Hehe. Joke lang. Hindi naman ganun ka-wild ang imahinasyon niya. Almost there pa lang naman. Toinks.  

Feeling artista na naman siya sa pelikulang siya ang producer, director, scriptwriter, leading lady at siyempre si Aiko-boy as leading man. Nakangiti ito habang naglalakad papalapit sa kanya. Siya naman ay parang nahipan ng hangin at di na mapuknat ang ear-to-ear all out smiles na nakaplaster sa kanyang mga labi.  As usual, isa na naman pong daydreaming ang nagaganap. Hehe! Matangkad, Moreno, Guwapo! Sige nga, subukan mo ngang pigilan ang pagtulo ng iyong laway.  

Fwip fwip fwip.

Di yata’t tumulo nga ang kanyang laway. Ewwnesss! With her eyes still ogling him, pinunasan niya ang binti kung saan tumulo ang kanyang laway.

Ganoon na lamang ang kanyang pagkataranta ng mapagtantong hindi na pala parte ng kanyang daydreaming ang paglapit ng lalaki. Dahil totoong papalapit nga ito sa kanya! Waaaaaaaaaaaaah!

Itinaas nito ang isang kamay at kumaway. Initial reaction niya ay ang lumingon sa kanyang likod. There’s no one there. Muli niyang hinarap ang lalaki at pakiramdam niya ay tumambay ang lahat ng liquid sa katawan niya sa kanyang lungs. At nang ngitian siya nitong muli, ugh! Nasu-suffocate na talaga siya.

 Fwip fwip fwip.

Eh?! Tumulo na naman ba ang laway niya? Di nga? Dyahe! Sheeeyt naman.

Pakiramdam niya ay na-paralyzed siya nang ma-realized na nakalapit na sa kanya ang lalaki. Lalo pa siyang di nakakilos nang yumuko ito just in front of her.  Eeeeh!

“There you are.” narinig niyang sabi nito.

Ha? Me? AKO???

“Aiko.”

ENG!  

Arf! Arf!

“Ay kamoteng palaka!” tili niya. Di pa ata nakuntento ang Nervous System niya, napatayo pa siya at napaatras. Kamalas-malasang malas, daig pang nagkabuhol-buhol ang mga binti niya sa paa ng upuan. Plaaaakdaaa! Ang lakas ng lagapak ng pwet niya sa sementong sahig. “Aray.” Arrrrgh.

Arf! Arf!

A fluffy Siberian husky pup was resting prettily on his arms.  Ito pala ang ka-LQ ni boylet. Nyeeehehe. Sinasabi na nga ba, hindi talaga tumulo ang laway niya. It was the cutie patotie puppy’s tongue that has been licking her. Buseeeet!

“I’m sorry to have startled you, Miss. Here,” he offered his hand. “let me help you.”

 (º﹃º)

*Kung ako’y isang niyebe, ako’y lusaw na ng grabe!*

つづく・・・

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

•ᴥ• Puppy ♥ Love •ᴥ•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon