1

6 0 0
                                    


naalala ko pa nung first day of school .


1st year highschool , wala akong makausap .
wala ding masyadong kilala 

kukunti lang kami sa class namin 
9 na boys at 21 girls


yung 9 na boys 4 sakanila BAKLA , so may 5 natira

yung 2 sabihin na nating bata magisip or childish

so may 3 natira yung isa medyo may pagka bisex.

so may dalawang natira medyo matino naman 

magaling kumanta at mag guitar .

nasa SPA CLASS kasi ako .

sa School namin may 3 academics ang Special Science , special arts at regular.

performing arts ang pinili ko , major in music 
hindi ko alam pero gusto ko kasi magaling naman akong kumanta .

walang masama kung itry ko.


lumipas ang mga araw nagiging close ko na sila

nagiging barkada 

nagkwekwentuhan pag wala si maam

nagkakantahan tuwing major time

nagsasabay umuwi pag 5 oclock


alam ko na yung mga panong yun masaya ako dahil 

madami sila na kaibigan ko , suporta lang kelangan namin sa isa't isa

grade 7 din ako nung malaman ko kung ano ang meaning ng MU.

mutual understanding , may nakilala kasi ako mula sa isang regular class

pag nadadaanan ko kasi siya nagssmile siya sakin.

inadd niya ako sa facebook.

yun lagi kaming magkachat

hindi ko rin alam kung paano kami naging MU

sa araw araw kasi na magkachat kami 

hindi ako nabobored .

alam ko na kahit wala kang feelings sakanya masaya ka


siya kasi lagi yung nauunang magchat

kaya ginaganahan din ako

hanggang sa isang araw umamin siya na may gusto nga siya sakin

sinabi ko na , bakit hindi niya kayang sabihin sa personal yun

kaya kinabukasan nung lunch sabay kami at sinabi niya sakin 

kung pwede ba kaming maging MU , tinanong ko kung anong meaning nun

sabi niya "crush kita , pwede bang maging crush mo rin ako?"

napaisip ako bigla kung anong gagawin ko or sasabihin ko

kaya OO na lang sagot ko , crush lang naman e , hindi yung boyfriend .

in short PUPPYLOVE.


tuwing recess dinadalahan niya ako ng pagkain 

oo masarap sa feeling na ganun pero nakakahiya rin .

kasi alam ko na pinaguusapan na kami sa kabilang section

natatakot din ako na malaman ng parents ko.


dahil sa katangahan ko

nung na ka chat ko siya hindi ko nadelete yung mga message namin

pinapakealaman na pala ni mama yung convo namin.

kinausap niya ako na tigilan ko na siya , dahil sa takot ko di ako umiimik

pero nagulat ako nung sinabi ni mama na kung hindii ko siya titigilan , pupunta siya sa school

kakausapin niya at ipapahiya hindi lang yan , sinabi pa ni mama na ililipat niya ako ng school.

kaya wala akong nagawa kung hindi iblock siya at hindi na pinapansin sa personal

madami ring nagulat na classmate ko nung hindi na siya nakikita na dinadalhan ako ng pagkain tuwing recess , oo inaamin ko na kahit puppy love lang yun nakakamiss at nakakahurt


nasanay ka kasi na lagi siyang andyan tapos mawawala na siya .


so nagfocus na lang ako sa pagaaral ko .

pag nagkikita kami akward , 

minsan nagpapansinan minsan hindi

pansin ko sa mga mata niya na nasaktan siya ng sobra

hindi ko lang sinabi kung bakit kami naghiwalay

 

at walang nakakaalam kung hindi ako lang.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

highschool diaryWhere stories live. Discover now