Gustong gusto ko tumugtog ng piano. Kasi tuwing nasa music room ako, lagi ko siyang nakikitang sumisilip at ngumingiti.
Hindi ako tumutugtog dahil passion ko ang pagpapiano. Pero dahil mahal na mahal niya ang music.
Naalala ko pa nun, narinig ko kayo magusap ng mga kabarkada mo. "Ang tipo kong babae? Yun yung marunong din tumugtog ng music instruments para hindi siya magalit if ever na nagiingay ako." sabay tawa.
Corny man pakinggan pero parang musika sa tenga ko yung halhak mo nun kaya nagsikap akong magaral. Tutal naman matagal ko ng gusto matutong magpiano. Kaso iniisip ko waste of time lang naman yun.
--
"Woah, ang galing mo naman tumugtog! Minsan jamming tayo!" Nakangiti mong pambungad sa akin. Agad akong napangiti rin kasi nakakahawa yung iyo.
Naiiyak akong tumango, sa wakas, napansin mo na din ako. "Oo, sige."
"Ayos ka lang ba? " Nacucurious niyang tanong dahil garalgal din yung boses ko.
Kayat umiling na lang ako. Natatako tako magsalita baa hindi ko na mapigilan ang sarili ko at masabi kong gusto kita.
"Sigurado ka dyan ha? Pupunta din yung mga kaibigan ko tapos practice tayo bukas mga 5 pm. Bye Rin!"
Nanlaki yung mga mata ko at napakaway na lang ako pero huli na dahil wala na siya. Nakakabaliw. Dahil tinawag niya ako sa pangalan ko.
Lumipas ang ilang araw at wala kayong ginawa nang mga kaibigan mo kundi tumugtog kasama ko. Nagkakatuwaan na rin tayo. Nakakatuwa rin na nabubuo ko na ang pagkakaibigan sa pagitan nating lahat.
Wala silang ibang maririnig sa loob nang music room kundi ang mga tawanan, biruan at pati yung musika na ginagawa namin.
'"Psst. Rin, bukas di kami makakapunta dito eh. Pahinga ka muna. maaga kang umuwi ah?" Nakangiting sabi ng isa sa mga kaibigan niya.
"Jay," Tawag pansin ko sa kanya. Lalong bumilis yung tibok ng puso ko habang tinatawag ko siya sa nickname niya."Thank you sa araw na 'to!"
Masaya akong tumakbo palabas saka nagwave sa kanilang lahat.
--
"Bee! Mahal na mahal kita!"
Limang salita na dumurog sa puso ko. Nandito kami ngayon sa court. Kakatapos lang nila tumugtog. Kaya pala pinapauwi nila ako ng maaga dahil magtatapat siya ngayon. Nagkaroon na sila ng rumor dati. Sikat kasi si Jay dahil marunong siya mag gitara. At kasali pa siya sa isang bana. Kaya nung parati silang nakikitang magkasama, ayun.
Agad akong napaluhod lalo na hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Kasi akala ko hindi niya talaga gusto yung babaeng nasa harapan niya ngayon. Yung babaeng niluluhuran niya.
"Masakit. Ang manhid mo. Ang manhid manhid mo."
Tumakbo ako tungong music room kung saan kami laging tumugtog at dumiretso na ako sa pagtugtog ng piano ng walang humpay.
Padabog kong tinipa ang piano habang tumutogtog. Pabilis ng pabilis.
Walang humpay hanggang sa maramdaman ko na lang na basa na pala yung piano keys dahil sa luha ko.
Hanggang sa nanlabo na yung paningin ko dahil sa mga luha.
"Kasi gusto kita. kasi gusto kita. Kasi gusto kita kaya lumalaban ako sa pesteng sakit na 'to."
Wala akong pakielam habang naghahalo yung dugo at sipon na lumalabas sa ilong ko.
Dumagundong ang paghampas ng braso ko sa piano at sumunod ang ulo ko. Patuloy pa rin ang hagulgol ko ng marinig ko ang boses niya. na tinawatag ako.
"RIN?! RIN! Tulungan niyo ko! Si Rin! Rin wag ka munang mamatay! Para saan pa yung pagpaparactice ko para magtapat sayo?! Rin! RIn dumilat ka Rin! Mahal na mahal kita!"
Mahal kita. Mahal na mahal kita Jay.
AT biglang nagdilim ang lahat.
------------------------------------
Isang another random. shems ang panget. At least kinaya ko! Omg. First ever one shot na waley ko dito sa wattpad acc. na to.
All rights reserved 2014
(c) xoxomissingyou
Plagiarism is a crime!