Oppa Prince

22 1 0
                                    

***Sapatos nang Pangarap***
(Ang tayog nang pangarap makakamit sa tiyaga at tibay nang Paang walang tigil sa paglalakad. )

Hmmn ganda naman nang shoes"
Sabay kuha nang pitaka at nag check kung kasya ang pera."kelan naman wala pa ang sahod tsaka kapa... "
"Psy!!! "gulat at muntik ko nang masiko ang tumapik sa akin. "ayan ka na naman Tory ha! nanggugulat ka na naman., Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na wag na wag kang mag sasalita nang nakatalikod ako" reklamo ko syempre noh, feeling ba naman na malalaglag puso ko sa kaba."sorry po!nakalimutan ko po palang endorser ka nang kopiko 3n1 hahahah" lakas maka bully ni Tory sa akin lalo na alam nya na pikon ako sobra. "sige ituloy mo pa yan at naninikip na ang dibdib ko toryang" biglang sumimangot Si Tory "OK OK nah po! sorry na basta please wag na man ang Toryang bes!galing mo kayang mag imbento nang pangalan sa storya mo tapos yung sa akin eh mapanghi" umaliwalas ang ngiti ko, kasi! alam ko na nakakabawi na ako sa kaibigan."Haha I love calling you toryang coz it feels like akin ka."niyakap ko Si Tory sabay halik sa buhok. "waaah... ayoko! basta ayoko bes! please.." ngiti lang ang tugon ko sa kaibigan at balik tingin sa sapatos. "gusto mo yong shoes na black noh?" tanong ni Tory nang nahalata na nakatuon ang paningin ko sa kinaroroonan nang sapatos. "Oo sayang di ko mabili kasi di sapat pera ko ngayon"malungkot na sagot ko. "minsan kalang magkagusto bes tapos di pa tinakda sa iyo."ngiting may pag ka pilyo. "hugot ba yan bes? kasi, kung sa ganon,sana may mahugot akong sagot kung kelan ang tinakdang araw para makuha ko ang bagay na gusto ko" naging seryoso na ang mukha ko."ikaw na talaga ang Reyna nang Hugotera bes!"panunukso ni Tory sa akin,pilit na pinapangiti pero hindi na maalis ang seryosong mukha ko.

"Ma magandang Gabi po."bating matamlay ko nang kakarating ko lang galing trabaho."anak kamusta?may sakit kaba?" alalang tanong ni nanay Marta "Wala po ma!pagod lang po sa trabaho,bihis lang po ako."sunod ang tingin ni mama sa akin habang pinapanhik ko ang kwarto."anak darating na papa mo mayamaya lang at kakain na tayo nang hapunan Hah?"habol pa ni mama sa akin. "Opo ma! Magpapahinga lang ako sandali"
Bagsak at diretso na nahiga ako sa kama.bumalik ang larawan nang sapatos sa aking isip.
"may mga bagay talaga na abot tanaw mo nga,ngunit mahirap naman mapa sayo,swerte naman ang mga taong pinanganak na mayaman, nakukuha nila gusto nila."buntong-hininga at unti unting nawala ang aking diwa,
Nakaidlip ako nang sandali nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Nag text ang isa sa boss ko sa publishing company."the management is asking for a new story to published and ikaw ay isa sa mga inaasahan na pumasa nang magandang kwento. So be ready MS. Soriano. Thanks"
Pag alaala ang unang maramdaman ko at nahiga ulit sa kama hanggang sa tuluyang naka tulog.

Hinihingal ako nang humahabol sa oras para di malate sa trabaho."good morning MS. Soriano! Parang ang araw mo Ay di na aayon sa script na gusto mo. Sana naman gawan mo rin nang maayos na kwento buhay mo Kahit sa trabaho mo Lang. laging expected kasi ang scene gawan mo naman nang surprised o twist" pinangaralan na naman ako nang nang masungit kung boss na si Mr. Cruz.
Minabuti ko na lamang na tumahimik para Di na tumagal ang sermon nito.
"bes Anu ba ito? Wala pa akong may maisip na kwento. "nag aalalang sabi ko ky Tory.
"alam mo bes kaya mo yan!alam ko naman na makakaya mo yan,ikaw pa! "pagbibigay lakas loob nito sa akin
"MS. Soriano pasok napo kayo sa opisina, kayo nalang po ang hinihintay."Tawag ni mila, isa sa mga kasamahan ko sa opisina.
Kinakabahan akong pumanhik sa opisina.bigla akong Di mapakali nang lahat nang kasama ko sa akin nakatingin.
"sir Bakit po?" alanganin Kong tanong sa president ng company.
"MS. Soriano alam mo naman na di na masyadong tinatanggap ang story natin nang mga producer at mahina narin sa bookstore...nasa crisis ngaun ang IStory at Kailangan natin gumawa nang makabagong storya na papatok sa panlasa nang mga kabataan ngayon. "
"Anu po ba ang ibig nyo Mr. Marquez? "alam ko naman ang Plano nya pero gusto ko lng na klaro ang lahat. "MS. Soriano gusto ko gumawa ka nang kwentong kakaiba at patok sa panahon ngayon, sayo ko ibibigay ang pagkakataon na matulungan ang sitwasyon nang kompanya.
"Bakit po ako? Kasi po parang.. Anu po kasi Mr. President kasi po wala po talaga akong kwento ngayon."
"the more you are pressure, I know na makakagawa ka nang magandang kwento."basi sa mga sulat mo noon alam ko na di ka lng basta gagawa nang simple na basta basta malalaman nang nagbabasa "tiwalang tiwala na sabi ni Mr. Marquez sa akin. "guys alam ko na may mga gustong tumulong sa problema natin ngayon, pagpipilian natin ang mga kwento nyo pero gusto ko na bigyan nyo nang suporta si MS. Soriano sa bagay nato? Lahat Ay nagsitanguan at nagbigay nang suporta, maliban sa isang tao na makikita ang pagkadismaya sa mukha. Si Mr. Gabriel Tan. Isa rin syang writer sA aming kompanya, pero mahilig sya sa fiction and fantasy thriller.. Kaya minsan May pagkatayog ang pag uugali at thrilling ang pakikipag kaibigan namin sa kanya. Suplado at walang puso.... Mabuti pa ang saging may puso..Hehe pasensya napo naghugot na naman ako pano kasi naiinis ako sa taong ito. minsang nagkaroon kmi nang pagtatagpo eh ang Suplado Suplado... Basta ang Suplado. Ayaw nyo pong maniwala? Gusto nyo kwento ko Bakit inis na inis ako sa kanya? Cge sabihin nyo Oo Cge na para malaman nyo para Di nyo isipin na oa ko po sa isang tao na to.ah basta kwento ko sa inyo,ito po Yung simula....

Writer's Diary Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon