OO alam ko masyado maiksi yung chapter 3..
kaya eto na pambawi.. colorful ang high school life eh..
--CHAPTER 4--
HIGH SCHOOL LIFE
Sabi nila high school life is the best. Dito kasi lahat mararanasan mo daw, maglakwatsa, cutting class, magBF/GF, broken hearted at kung ano-ano pa.
1 lng nmn di ko nagawa dun eh magBF. High school days nga ko mabenta eh,dami admirers. hahaha.. yung feeling na every valentines di pede wala love letters, chocolates at flower na matatangap. kung iisa-isahin ko mga nanligaw sakin nung high school naku po mananawa kayo. Di naman ako mayabang justsaying the truth, pangaliw din to senyu. hahaha.
Alam ko may ganda ko pero di ako yung typical na maganda na magugustuhan ng isang gwapong lalake. yung typical na maganda as in maputi, makinis at nanalo sa pageant. Pageant talaga ang di ko linya, wrestling pwede pa. hahaha.
ang buong first year life ko masaya at magulo. Dami ko natutunan, nameet ko yung bff ko nun si Pamela. Sabi ng guard sa school mukha kami kambal, lagi pa kami magkasama at sabay. Cute nga daw kami tignan kasi same height, parehas kami mejo chubby lalo na face namin. haha. Hindi kami popular sa school kasi sa loob ng room umiikot ang mundo namin, maliban na lang pag anjan mga elem. friends ni Pamela na schoolmates.
MAy time na lng na bigla ako naging popular sa iba section, ewa ko bakit? Dahil sa maganda ko?
hahaha.. charot lang po.
i have my sister JM, same level kami that time, but we are not so twin. She's my older sister, opposite nga daw kami, pero di nmn siguro 100%. Physically? yeah right. kung maliit ako, sya naman malaki bulas, she's sexy, morena sya ako mejo maputi. Well look a-like daw kami sabi nila eh. Lapitin ng boys ang ate ko, kasi hindi sya masunget at suplada very unlike me. Mabait lang ako sa taong close ko, ayaw ko sa mga feeling close. Pero ewan ko ba bat kahit suplada at masungit ako sa kanila sige pa din sila papansin. Tapos yung taong crush ko suplado sakin si Mond Ryan, kala naman nya tipikal na gwapo sya... Pandak kaya nya,uso lang kasi long hair nun, yung bangs. Lakasmaka-A1..
My first year was a blast, full of exciting, madami nakilala new friends. Sila Eca, Melou, Judy, Trixie, John David, Philip. Ilan lang sila sa nagpagulo ng buhay ko. Second year? I can say it's kinda boring kasi naspread yung group of friends ko. May nagtransfer, different section kami.Ako naman kasi loob lang talga ng room, mag antay may dumalaw sakin. preso lang ang peg.hahaha.. Boring talaga wala yung magugulo sa buhay ko. Sa room kasi namin puro patalinuhan. Full of pressure, wala pa si Pamela pero ding-ding lang pagitan namin pero less time pa din kasi re-united sila ng mga old frieds nya.
hhhmmmmm..
I was thinking when was actually the time that i really feeling that i want to have a boy friend.......
I think nung 3rd yr. ako. Eto kasi yung time na I really feel special talaga.Effort kung effort teh. Re-united kami ni Pam, pero not as before kasi nga dami na namin, friends ko na din mga friends nya mas masaya. Sa grupo na togumulo buhay ko eh, sila nagturo sakin uminom. Uso pa nun yung GIn tas hahaluan ng juice. Kahit sa school nakakapag-inom kami kasi uso baon-baon eh, kanya-kanya Jag. Night shift kami nun eh, pioneer kasi kami ng school, So pioneer din sa kalokohan.
Third ako yung may mga taong sadyang tumatak o nagmarka sakin. OK fine sa PUSO ko.
First was Allen, hindi ko sya agadnarecognize kasi sobrang tahimik nya. Man with few words. Well physically? Ok naman sya, moreno eh gusto ko maputi. Mabait talaga sya, as in sobra..Gentleman, masipag at matalino. Di nga lang matangkad. He could be an ideal BF, super sweet always updated. Wala mintis ng tawag every night. I gave him the chance to court me. Medyo mahiyain talaga sya kaya mga classmates/tropa nya nagsabi sakin. Sila din mga taga-Lakad nya. So lumaki yung circle of friends ko.
The sad part about all the effort nya, sa sobrang bait nya parang i don't deserve him that time. Nakakatakot pumasok sa relasyon na seryoso at the very young age. Pag diniscribe ko sya he could be a perfect partner kaso he is so opposite of me, baka imbis na sya magloko eh ako pa magloko samin. Kasi naman kung showy ako sa taong mahal ko eh mas showy pa to. tahimik lang pero ramdam mo talaga yung pagmaahal nya sayo. Parang wala ka mapipintas sakanya pagdating sa pag-aalaga nya sayo bilang BF. And i find us too young lang talaga.
Sanay ako na kinokontrol ng guardians ko ang bawat kilos ko, kaya siguro ayaw ko na madagdagan yung mga taong kokontrol sakin. I see having a BF as a responsibility and obligation. So we end up being friends. Pero nahurt ako while telling Allen na lets just be friends,kasi sabi nia "if di ka pa handa, im willing to wait hangang handa ka. Lilligawan kita hangang maging handa ka na. kung inaantay mo mag18 ka mag-aantay ako sayo" habang sinasabi nya to grabe yung sadness gusto ko sya yakapin. :( super shock ako nung yumuko sya and wipe his face tas ako tahimik lang. I was staring at him and say sorry tas aalis na sana ko kasi may klase pa kami then he grab my arm, sabay sabi "please stay for 2minutes". Natameme ko sa sinabi nya then just stay sitted with him sa bench.
binalot kami ng katahimikan for 2minutes. and that whole 2minutes hawak nya lang kamay ko. Ang wierd nung sitwasyon pero thats all I can do for him eh. Nag ring ung bell, sakto sa 2minutes ni Allen. Tumayo sa habang hawak kamay ko sabay sabi na tara na pasok na tayo? nakatingin lang ako sakanya. Pagtayo ko niyakap nya ko at bumulong: "wag ka magalit dito,last naman to kasi ayaw mo sakin eh. 1st & last hug lng ha."
Alalut ako sa sinabi nya.Teka wala naman ako sinabi ayaw ko sakanya db? while hearing those lines di ko napigilan maiyak and i hug back. Kaloko lang eh, mas pinahirapan ko lang ata sya. After that hug lumakad kami papunta hagdag. Yung paghakbang ko ng 1st step, tumigil sya at binitawan hand ko, nagulat ako.
Ako: oh bakit?
Allen: ummm. thank you sa hug ha. :)
Ako: thank you din :) tara na?
Allen: Sige una ka na,, dun na ko daan sa kabila hagdan. :) see you. (sabay alis)
Ako: ha? bakit? teka!
nakakagago lang eh, 1 room lang nman kami bat kelangan pa sa kabila dumaan? Sobrang nasaktan ata eh. Bad ko ba?
but it doesn't end there, yung pgiging bad ko sa boys. Isa din sa classmates namin ni Allen and part ng tropa. Yes tropa pa din kami, nakamoveon din s mga bagay-bagay. He found love with our other classmate "Corita". They look like a perfect couple, tahimik lang sila parehas. Anyway di ko naman nature magpaasa pero parang yun yung sinasabi nila. Sa mga manliligaw ako ng high school wala ko sinagot.hahaha.. bad..
Isa na dito si Edmond, di sya typical na gwapo..di sya attracting. in short wala sya dating sakin,pero he is nice, sweet with an attitude of a bad guy..mukha gago pero sweet. I wont forget that one rainy night at wala kami lahat payong,inaantay ko yung ate ko at friend namin. Dahil umuulan lahat nakasilong eh basa pa din kami, i was surprised when he lended me his uniform, unexpected. sweet diba? Pero yung sweetness panandalian lang kasi dumating na sundo ko. Ang aming dakilang pinsan, hahaha. Dahil sa night shift kami kelangan kami sunduin pag uwian para safe. Basta ending neto tropa kami.
BINABASA MO ANG
a love that is true yet so stupid
RomanceThis is about the story of a girl name Elie, who experienced different kind of love along the way. will she find her true love? will she find prince charming? or will this just make her feel stupid? who will make her feel true love and who will make...