Ouch!
Tigil na!
Hinto na!
Tama na!
Nakakasakit na
tagos sa puso
Lalo na kapag alam mong wala kang magawa
para maghilom ang sugat ng nakaraan
Na pilit mong sinusubukang kalimutan
Pero kahit anong gawin mo bumabalik pa rin ang sakit at pait hanggang sa kasalukuyan
Kelan ba ko makakawala sa kulungang aking kinasasadlakan?
Kelan ba ako makakaalis sa dati na minsan akong nagkamali?
Pero teka lang
Bakit nga ba Ako nananatili sa loob ng kulungan kung bukas naman ang pintuan?
Bakit nandito pa rin ako kahit matagal mo na kong pinakawalan?
Ang daming tanong na naglalaro sa aking isipan
Ang tanong mahahanap ko ba ang mga sagot
Oo minsan lang Ako naging ganito sa isang tao
Araw-araw Ikaw ang nasa Isip ko
Pero isang araw inamin mo na gusto mo rin ako
Kaso nga lang napaniwala mo ko
Ngayun
Akala ko nawala na yung pakiramdam
Yung pakiramdam na gusto kitang makita bawat oras at bawat minuto at segundo na ikaw lang ang iniisip ko
Pero Hindi eh
Hindi nawala yung paghanga ko sayo
Sadyang mapaglaro Nga ang tadhana dahil kahit anong gawin kong paglayo sayo
Pilit pa rin tayong pinagtatagpo
Ayokong umasa
Na may ibig sabihin ang mga aksidente nating pagkikita
Ayoko ng gustuhin ka pa
Ayoko na!
.
.
.
.
Kung mababalikan lang ang nakaraang nagdaanSana di na lng kita nagustuhan
Sana wala na yung mga masasayang ala-ala
Kasama ka
Kasi kung ano pa yung masaya yun pa yung mahirap at masasakit kalimutan
Sa totoo lang
Isa ito sa mga aral na aking natutunan
Na hindi naman nating kailangang malimutan
Ang mga ala-alang iyon
Ang dapat lang natin gawin ay mangibabaw ang kasiyahan
Sa ating puso't isipan dahil..
Sa kabila ng isangdaang luhang iniyak mo
Merong isanglibong dahilan para ngumiti ka at maging masaya
Hanggang dito na lang salamat Sa mga nagbasa
Abangan niyo na lang ang susunod na istorya.
- DKnight Roxoao 08
YOU ARE READING
DJ Rissey on air
Randomit's just inspired by the story "my BESTfriend SLASH my X" content: hugots quotes spoken poetry and inspirational message