One Shot.

19 2 0
                                    


"Yel, recess na!" Nakita kong papalapit na sakin ang mga kaibigan ko, sabay sabay kasi kaming bababa sa canteen para bumili ng pagkain.

At para makasilay sa crush kong si *ehem* Jeffrey! Kinikilig na ko pangalan pa lang.

Lingon dito, lingon doon pero wala! Nada! Zero! Bokya. No sight ang gwapong nilalang. Nakabili na kami lahat pero di ko pa din sya makita. Pumwesto na kami sa bakanteng mesa sa tabi ng bintana ng canteen. Nakasimangot na ko dito sa upuan ko.



"Bat ka nakasimangot Yel?" Narinig kong tanong sakin ni Elvin, nasa labas sya at nakasilip lang sa bintana.


Kaklase ko sya, Mabait naman sya saka ka close nya lahat. Magaling mag gitara, kumanta at matalino din, pero higit sa lahat tall, dark and handsome ang peg nya. Lalaking lalaki ang kulay at kilos. Gentleman din kahit minsan ang lakas mangtrip.


"Wala!" Maktol ko.



"Di mo pa sya nakikita, no?"





Di lingid sa kaalaman ng lahat ang pagkahumaling ko sa gwapong dancer ng school namin. Kaibigan din kasi sya ng isa naming kaklase kaya madalas din syang napunta sa room namin, at naging kaibigan na rin ng iba pa.


"Wala pa nga e. Pasilay na nga lang sayo, Elvin." Hirit ko at tumawa.



Pero laking gulat ko ng umalis sya sa bintana, at pumasok sa loob ng canteen sabay sampa ng dalawang kamay nya sa mesa namin at tumitig sakin.


Namula naman ako dun, at napangiti. Bigla kong kinabahan.


Shet! Kinilig ang mga cells ko! Hahaha!







After ng recess, English class na namin. Isa to sa mga paborito ko magaling kasing magturo ang subject teacher namin dito.






"I want all of you to memorize and feel the poem. There will be a recitation for that, Next week. So better prepare yourself and it'll be a pair presentation. Alright?"

"Yes ma'am!" Chorus na sagot ng klase.


Maya maya lang ay nagkatuksuhan na kung sino sino ang magiging magkapareha. Nakisali na si Maam sa pagpapares pares na ginagawa ng iba. Tukso dito, tukso doon ang nangyayari.



At dahil marami ang may gusto kay Elvin sa room namin, tatlong babae ang binigay sa kanyang pagpipilian nya: si Cora, Zoey at Nikka. Pero natahimik ang buong klase ng sumagot ito.



"Si Yel ang partner ko, Ma'am!"

Napalingon ako bigla sa pwesto nya, nakatingin din sya sakin at nginitian ako.

Partner Tayo! (Short Story)Where stories live. Discover now