PSG-3

12 1 0
                                    

First Love, First Boyfriend, First Heartbreak

Fast forward. That's the start of our love story ni Xian. Akala ko noon walang magkakagusto sa akin dahil sa itsura, sa weight at size ko. Hindi ko nga alam e, noong una nagtaka ako kasi sa dami ng babaeng pwede niyang magustuhan bakit ako pa?  

Hindi naman ako kagandahan at kaseksihan pero nagkataong ako pa ang nagustuhan niya. Nakakamangha. Hanggang ngayon nga e hindi rin ako makapaniwala na sa akin na siya.

Akalain mo nga naman. Ako na ata ang pinakaswerteng babae sa balat ng lupa kasi si Xian Pineda na iyan eh. Isang buwan niya akong niligawan at kalaunan ay sinagot ko na rin siya. Sobrang saya namin ng araw na yun. Pati si Moira ay galak na galak dahil sa wakas ay nagkaroon na ako ng lovelife.

"Ang swerte mo bes! Si Xian na yan ha. Maraming babae ang naiinggit sayo kasi ikaw na ang girlfriend niya. Kaya kung ako sayo, wag mo na siyang pakawalan." Mahabang litanya ni Moira.

Nginitian ko siya. Oo naman no! Tanga na lang ako kung papakawalan ko pa si Xian. Mahal na mahal ko kaya iyon.

"Well, well, well, look who's here! The pig and her poor friend! Hahahaha!" Litanya ni Kendra. Humalikipkip pa ito na tila nanghahamon. Nakataas ang kilay habang nakangisi. Kasama niya yung dalawang alipores niya na sina Karla at Kyla.

"Anong sabi mo, payaso?!" Galit na galit na sabi ni Moira at akmang susugod na kila Kendra.

"Mahirap na nga bingi pa. Right, girls? Hahaha!" Sabay sabay silang nagtawanan sa sinabi ni Kendra. Wala talagang magawa sa buhay itong babaeng to kundi awayin kami ni Moira.

"Ano bang problema mo sa amin ha, Kendra?" Lakas loob kong sabi.

Umirap siya bigla at sabing, "Hoy baboy, hindi porket boyfriend mo na si Xian na EX boyfriend KO! Ang lakas na ng loob mong sumagot sagot sa akin!"

"Inggit ka lang kasi kay Rylie kasi siya na ang mahal ni Xian at hindi ikaw!" Sigaw ni Moira na nang uuyam.

Mukhang naiinis na si Kendra kay Moira dahil sa mga pinagsasabi niya dito. "Alam mo, pakialamera ka talaga no? Itikom mo yang bibig mo kung ayaw mong matikman ang galit ko!"

"Ows talaga? Panget mo! Payaso!"  Nagtitigan sila Moira at Kendra na parang magkakaroon ng World War sakanila.

"Hey baby! What's happening here?" Pagkarinig ko sa boses ng taong iyon ay agad akong lumingon.

Xian. Umakbay sa akin si Xian at tinignan kaming lahat.

"A-ah wala yun. Nagu-usap lang ka---"

Hindi kona natapos ang sasabihin ko ng magsalita si Kendra, "Xian babe! Yan kasing baboy na yan at itong bungangerang mahirap na ito inaaway ako." Nagsad face pa nga siya na parang nagmamakaawa.

Pumapalakpak si Moira habang umiiling, "Grabe payaso! Hahaha ang galing mo umarte promise! Pwede kana sa theater. In fairness ha!"

"Xian babe please help me. Inaapi nila ako oh." Paawa effect ni Kendra. Napailing ako sa tinuran niya.

"Please lang Kendra. Kilala ko ang baby ko. Hindi siya nananakit. Baka nga ikaw ang may pasimuno neto eh. Tsaka please stop calling me 'babe'. Matagal na tayong tapos. We're done. Let's go baby." Nginitian niya ako sabay akbay paalis doon.

Pero napatigil ulit kami at bumalik ulit, "At nga pala Kendra, don't call my girlfriend 'baboy' kasi kahit plus size siya, i love her with all my heart. Don't you dare insult her in front of me. You don't know what I can do to you. Okay?" Dagdag pa niya at tuluyan na kaming umalis doon. Narinig pa naming napapadyak sa inis si Kendra at inaasar pa rin siya ni Moira. Napangiti ako sa ginawa niya. Ipinagtanggol niya ako!

Oh Xian baby. You're really my knight in shining armor.

Kendra's POV

ARGHHHHHHHHH! Nakakagigil talaga yang poorita at baboy na yan! May araw rin sila saakin. Ano bang pinakain nila kay Xian at ganun nalang sila nito ipagtanggol? Hindi kaya ginayuma siya ng baboy na yon? Oh my God!

Tsaka 'baby' raw. Ewwww lang no. Pero sabagay, bagay kay Rylie ang baby. Kasi kulang nalang ng letter O, baboy na ang ibig sabihin. Hahahaha! Natawa ako sa naisip kong iyon.

Pero gagawin ko ang lahat para mabawi ko si Xian sa baboy na Rylie na yun. Hindi sila bagay! Eww parang yaya lang siya ni Xian. Buti naaatim ni Xian na kasama yung babaeng yon. Kadiri kaya. Madikit lang ako sa mamantika niyang katawan parang gusto ko na maligo ulit.

Kadiri siya. Promise! Ugh!

Pero oo na, panalo pa rin siya. Kasi na sakanya si Xian.

Pero ito ang tatandaan mo taba.

Iiyak ka ng sebo.

Maaagaw ko rin sayo si Xian.

Kaya humanda ka!

WAHAHAHAHAHAHAHAHA!

PLUS SIZE GIRL written by gelaymm
Copyright©2017

Plus Size GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon