1. Basahin ang 'Prologue' at ang unang tatlong kapitolo ng storya ng magiging partner mo.
- Ayaw natin ng stress 'di ba? Kaya tatlong chapters lang ang required repa. At nasasayo na kaibigan kung itutuloy mo ang pagbabasa. Kung nagustuhan mo ng lubos ang story n'ya, hindi kita binabawalan na basahin pa ang mga susunod na kabanata. It's up to you. No stress.
(PS. Read as a reader, hindi bilang isang striktong critic o ano man. Nakaka-stress 'yon repa. Hindi mo masyadong mae-enjoy 'yong story kung palagi kang nakatutok sa mga mali.)
2. Votes
- Pagdating sa pagbibigay ng boto repa, hindi ako strikto d'yan. Hindi ako namimilit. Kung para sa'yo, karapatdapat na bigyan ng boto ang chapter na 'yon, mag-vote ka. Pero kung sa tingin mo naman ay marami pa na dapat ayusin sa storya o tipong hindi mo gaanong nagustuhan ang kabanata na 'yon, okay lang na hindi ka mag-vote. Sabi ko nga...hindi ako namimilit. No stress.3. Comments
-Dito ako strikto repa. Ang comments ay MUST. Sa bawat chapter na babasahin mo ay mayroon dapat na makabuluhan na komento. 'Pag sinabing makabuluhan repa, ayokong may mababasang comment na:
"Haha ang ganda."
"UD po."
"Author ang galing mo."
Repa halatang hindi binasa ang storya! Lol! Nakaka-stress makabasa ng mga gano'n sa storya mo, 'di ba? Kaya repa, kung makakatanggap ka ng mga comments na walang saysay galing sa partner mo, isumbong mo sakin agad 'yan. Kukulutin ko buhok n'yan. :)(Ps. Comment as a reader. Kung ano 'yong naramdaman mo sa storya, sa characters ng storya, o kung ano 'yung nasa isip mo na pwedeng mangyari sa story na binabasa mo. Enjoy mo lang. No stress.)
4. Friendly advice
-Sa comment section ito ng pairings mangyayari repa. It's also a MUST. Pagkatapos mong mabasa ang storya n'ya kailangan mong mag-comment ng friendly advice. Payuhan mo s'ya ng mga dapat n'yang i-improve. Pero sabi ko nga...friendly advice po ano? 'Wag tayong rude kapag nagpapayo. Nakaka-stress 'yon. 'Yong matatanggap mo naman na advice repa, it will help you grow para maging mas magaling na writer. At kapag nagbibigay ka naman ng advice, okay na gamitin mo ang point of view mo as a writer. Help each other to grow. No stress.5. Be responsible.
'Yan lang ang mga kailangan mong gawin repa kapag nandito ka sa book club ko. Walang hassle, walang stress. Interesado ka pa rin ba?
Tara...fill up tayo ng form.