Tanga

5 0 0
                                    

Pag-ibig. Yan ang dahilan kung bakit lahat ng tao ay sumugal,
Pag-ibig. Yan ang dahilan kung bakit tayo nasasaktan.
Tatlong salita na nagpapasaya satin,
Tatlong salita na pwedeng makapasakit satin.

Sakit. Yan ang nararamdaman ko tuwing andyan ka,
Ligaya. Hindi ko yan nararamdaman tuwing tayo ay magkasama.
Isang salita ang naramdaman ko nuong tayo pa,
Isang salita ang mararamdaman ko kapag hiwalay na.

Matang basang-basa tuwing kausap ka,
Bibig na puro masamang salita tuwing kasama ka.
Mukha na sinasampal kapag andyan ka,
Katawan na bugbog sarado tuwing galit ka.

Tama na. Tama na dahil hindi ko na kaya,
Tama na. Tama na dahil ayoko nang umiyak gabi-gabi.
Ayoko na. Ayoko na dahil sawang sawa na ako,
Ayoko na. Ayoko na dahil ang sakit-sakit na.

TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon