CYD'S POV
Nakahiga ako sa kama ngayon.Minamasdan lang ang isang sulok sa kwarto.Kanina ko pa tinitignan ang phone ko kung may nagreply na...pero wala..Tatayo na sana ako upang simulan na ang araw ko nang biglang nagring ang cellphone ko.
"Can we talk? Mamaya? Privately?" Text sakin ni Ricci na kagabi ko pa hinihintay magreply."Saan naman?" Text ko sakanya."Sa dati nating pinupuntahan" Text niya rin sakin."Ah sige" reply ko naman.
Pagkatapos kong itext si Ricci may nareceive nanaman akong text."Beh,gala tayo" Text ni Mika.Talaga tong babaeng to gala ang inaatupag hahaha.For sure pagkain nanaman ang bibilhin niyan.Iba talaga pag ang bestfriend mo lamon is life hahaha."Gaga,kakalabas lang natin kagabi gala nanaman??? Ibang klase ka! Hahaha." Text ko sakanya habang natatawa.
"Sige na pleeeaaassseeeeee" Reply ni Mika.Hay nako,ewan ko ba kung bakit ang hirap tanggihan itong babaeng to."Sige na nga" Text ko sakanya.
"YEEEEESSSSS SUNDUIN MO KOOOO" Sabi niya sa voice message.Tingnan mo nga oo,siya na nga nagyaya siya pa ang susuduin??? May saltik rin tong Mikang na to eh.
"Oo na oo na,sige na" Sabi ko sa voice message sabay kuha ng towel para makaligo na.
Pagkatapos kong maligo at magbihis,umalis na ko ng bahay para masundo si Mika.
Nakarating na ko sa bahay ni Mika kung saan siya ay naghihintay sa labas ng pintuan.
"CYDIE!" Tawag niya sakin sabay takbo sa kotse para makasakay na.
"San tayo pupunta?" Tanong ko kay Mika."Sa mall" Sabi niya habang nakatingin sa salamin ng kotse at naglalagay ng lipstick.
Nakapasok na kami ng mall at habang tumitingin ng mga bagay bagay nakita namin sila Ara at Thomas.
"Ara! Thomas!" Tawag ko sakanila."o,andito rin pala kayo" Sabi ni Ara."Ano ginagawa niyo dito?" Tanong ko."Wala lang date lang" Sabi ni Ara habang si Mika tumitingin-tingin sa mga shop na nakacross arms na parang walang naririnig."Gutom na ko" Sabi ni Mika.Ang bilis mag change topic ng babaeng yan.Grabe.Kaloka.hahaha."Sige sabay na tayo,tutal hindi pa naman kami kumakain ni Thomas" Pagyayaya ni Ara."Gora na! Kakainin na ng malaki kong bituka ang maliit kong bituka!" Sabi ni Mikang.Ay,nagtampo ang bata! Haha.
Pagkatapos naming kumain nila Mika,Ara at Thomas umalis na kami.Siyempre,kasama ko parin si patay gutom ay este,Mika.
Gumala gala na muna kami ni Mika sa mga stores at bumili ng rubber shoes na magkaparehas kasi sabi daw ni Mika gusto niya matchy matchy kami ng shoes and since mahilig ako sa shoes,pumayag ako na bumili kami.
After,hinatid ko na si Mika pabalik at ako naman,pumunta sa place na sinabi ni Ricci.
Umupo ako sa bench kung saan palagi kami pumupunta ni Ricci at tinext siya."Andito na ko" Text ko sakanya.Pagkalingon ko sa likod,nakita ko si Ricci na papunta na sakin."Babe!" Tawag ko sakaniya pero hindi ito sumagot at papalapit lang sakin.Ang weird kasi usually sasabihan niya ko ng "kamusta na babe?" Pero ngayon,wala,dedma.
Umupo siya sa tabi ko at mukhang medyo naiilang.
Awkward kasi di ko alam kung sino ang magsisimula ng usapan.Nang tatanungin ko siya kung kamusta na siya bigla itong nagsalita.
"Cyd...I..I have to tell you something...." Sabi niya sakin.Bat walang "babe?" isip ko sa sarili ko.
"You can tell me anything..." Sabi ko sakanya.Malakas kutob ko na hindi maganda ang balita niya.
"Pinapunta kita dito dahil gusto kong sabihin na...I fell out of love..Oo,exactly what it means...na..nawalan na ko ng feelings sayo..I'm sorry pero these past few months puro na lang tayo away at minsan we don't talk to each other anymore..besides that..palagi kang busy..wala ka nang time para sakin..para satin..kaya naisip ko na..maybe it's time to let go..wag mong isipin na napakadali kong lumet go kasi matagal ko na rin to pinagisipan..Cyd I'm sorry but...I think we should break up..kung tayo talaga..maybe we'll see each other again..pero sa palagay ko..hindi na talaga...Kung makakahanap ka man ng bago,sana by that time..marunong ka na ring mag allot ng time para sa mahal mo..na kahit busy ka you still find time to talk to him kahit ilang minutes lang..Sana wag mo siyang pabayaan katulad ng ginawa mo saakin..I'm sorry Cyd.." Hindi na ko umimik pa at napansin ko na rin na tumutulo na pala ang mga luha ko..
"Wait..what do you mean 'maybe we'll see each other again'?" Tanong ko habang pinupunas ko ang mga luha ko gamit ang sleeve ng jacket ko.
"Aalis ko for UK,dun ako magstastart ng panibagong buhay..alone..at dun na rin ako maninirahan..aalis ko for UK not because of you,but because I want an escape from all the memories..Hindi ko sinasabi ito para mangonsensya ka kundi para matuto kang pahalagahan ang mga taong kumukuha ng lakas sayo kasi pag hindi..magugulat ka na lang na one day..wala na sila.." Patuloy nang umagos ang mga luha ko galing sa mga mata at hindi ko na mapigilan..
"Don't cry,Cyd.." Sabi ni Ricci saakin pero hindi parin ako tumitigil..Hinug ako ni Ricci for the last time at nagpaalam na...
Mag isa na lang akong nakaupo at minamasdan ang kalangitan na punong puno ng mga bitwin..
Bumulong ako sa sarili ko,"Buti pa kayo..kahit sa dinami dami na ng mga taon..andyan parin kayo.."
Bumalik na ako sa kotse at nagdrive para makauwi na..Habang nagdadrive..dala dala ko parin ang mga salitang binitawan ni Ricci sakin..
"Hindi na ako magmamahal ulit." Sabi ko sa sarili ko habang naluluha parin..
[A/N:]
Hi guys! Bitin ba? Haha.Ano kaya sa tingin niyo ang gagawin ni Cyd? Tuluyan na ba niyang kakalimutan ang mga sinabi ni Ricci o dadalhin niya ito at maalala pagkalipas ng ilang taon?
Find out sa next chapter coming soon!
Make sure to vote and comment! Thank you!
YOU ARE READING
Lost In The Past
FanfictionLahat naman tayo may tinatago sa nakaraan natin... Mga ala alang nagturo satin ng mga leksyon.. Mga ala alang patuloy parin nating kinakapitan dahil sa takot harapin ang mundo.. Nagmahal,nasaktan..at tuluyan nang sinarado ang mga pinto para sa ibang...
