Who to Expect?

4.5K 92 1
                                    

Beanca Marie Binene - transferee lang sya sa school na pagpapasukan nya. Walang kaibigan walang kahit ano. Mayaman, matalino, mabait pero hindi mayabang. Single? Oo naman. Wala pang naging boyfriend. Ayaw nya muna kasi atupagin ang mga love-love na yan. Gusto nya aral aral aral. Pero ano kaya mangyayari sa kanya kung makilala nya ang mga taga Holy Spirit Academy?

Jhake Angelo Vargas - ang president ng Student Council. Mysterious guy. Mabait. Matalino. Hindi ganung ka-social. Sila ang may-ari ng Holy Spirit Academy. Mayaman. Pero hindi rin mayabang. Medyo masungit kapag hindi nya kilala ang isang tao. Malaki ang responsibilidad sa pinanghahawakan nyang title na President at apo ng may-ari ng HSA. Single? Oo syempre. Wala pa ngang experience yan eh. Pero paano kung makilala nya si Bea?

Kristoffer Martin Dangculos - ang secretary ng Student Council. Ang pinaka best friend ni Jake since sila ay ipinanganak. Ang cool na boyfriend ni Joyce. Matalino, mabait, masiyahin, mayaman pero syempre hindi naman sya mayabang.

Joyce Giselle Ching - ang treasurer ng Student Council. Nanginginil nga ba? Eh mukhang hindi eh. Sobrang bait, matalino at mayaman. Ang all time girlfriend ni Kristoffer. Ang magiging best friend ni Bea pagdating nya sa HSA at maitulak nya kaya si Jake para kay Bea na parehas na wala pang experience sa love? Magtagumpay kaya ang plano nya?

Derrick Llander Monasterio - ang isa rin sa best friend ni Jake at Kris. Ang crush na crush ni Lexi. Matalino, mayaman at mabait. Ang auditor ng Student Council. Pero hindi naman masyado mayabang. May pagka mayabang lang. May pagtingin kay Lexi.

Alexa Fernandez - ang PIO ng Student Council. Crush na crush si Derrick. Isa rin sa magiging kaibigan ni Bea. Matalino, mayaman. Medyo masungit pagdating kay Derrick. Pero mabait naman sya eh. Hindi nya lang masyadong ipinapakita. Isa rin sa magtutulak at makikipagtulungan para sa Jake-Bea relationship. In short, para sa JHABEA RELATIONSHIP.

Magtagumpay kaya sila sa mga plano nila?

Magbago kaya ang buhay ni Bea?

Maging sila kaya ni Jake ?

Abangan...

Vampire Academy (JhaBea) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon