Chapter 1: Party

1 1 0
                                    

Gabriella's Pov

Sheyt late na late na talaga ako, Nakakainis kasi 'tong si Manong eh! Sarap ihampas.

Pasalamat sya at malapit lang din ang University na 'to sa'amin kung'hindi baka kanina pa sya pinag-lalama
yan.

Nasa may harap na ako ngayon ng main gate ng buksan ni Mamang Guard 'tong main gate ng school.

"Oh ija late ka na naman, bilisan mo na at baka mahuli ka pa sa klase" nakangiting sabi sa'akin ni Mamang Guard.

Oo na po! Late na lang ako lagi eh, Letcheng tulog kasi 'to eh tulog mantika ang putek!

"Opo mauna na po ako" nag sign naman ako kay Manong na aalis na ako. Kaya naman tumango lang sya.

Buti nalang at napaka-bait ni Mamang Guard! Yah sana hindi sya maalis. Para kahit late ako ayos lang hehe.

Pagpasok ko palang sa may Classroom narinig ko na agd ang mga hiyawan ng mga abnormal kong kaklase! Psh para silang nakawala sa kural.

Pumasok na ako at naabutan ko ang magulong classroom at mga babaeng nagtsisimisan tungkol sa mga asawa nilang Bampira kuno. Nu ba naman agang tsismis yan ah! Naiininis ako letche

Lalo lang akong nainis ng marinig ko ang mga pinagkukwentuhan nila.

"Ella ang gwapo nung bida dun sa Vampire diary! Yiee! Sana totoo syang Bampira at magpapakagat nalang ako!" -Jade

"Sinabi mo pa, asawa ko kaya yun" -Ella

"Ewan sa inyo, Basta't ako asawa ko silang dalawa! Hahah" -Jash

"Guys pag ako nakakita ng Vampire mag papakagat ako lalo na kung pogiii yiiee" -Lea

Putcha naman oh! Bakit ba sa araw araw na ginawa ng dyos puro nalang Bampira ang naririnig ko dito sa letcheng room na 'to? Puta nakakaimbyerna lang!

"Oh, Gab sama ng tingin mo ah"

letche ka kasi Ella obvious na obvious naman nagtatanong ka pa.

binigyan ko lang sya ng isang matamis na irap. Nakakainis kasi sya eh.

"Oo na! Oo na! Hoy Gab kanina ka pa pinapatawag dun sa music club ikaw daw ang mag-aasists sa mga nag-aaudition"

Alam nyo ba 'yung salitang Nganga? Ako yun ngayon eh, Nga nga lang! Yah gab! Nakalimutan mo 'yun? Jsqko patay!

Mabilis kong tinahak ang lugar na 'yun, padaan ako ngayon sa may creepy hallway na sinasabi nila. Pashnea lang nakakatakot pala talaga dito! bwisit lang!

*Hash*

Tumaas lahat ng balahibo ko maliban sa Ano! Sa ngalan ng mga brilyante may sumusunod sa'akin! Yah help me!

Mas binilisan ko pa ang takbo ko pero hindi eh

*Hash*

Talagang may sumusunod sa'kin, Yah! Baka yung mga abnormal na classmates ko lang 'to. okey okey sila nga lang 'yan. Gab relax, inhale, exhale.

*Hash*

"Yah!" napatili nalang ako sa takot ng may biglang humawak sa may balikat ko.

Dahan-dahan ko namang nilingon 'to, Laking gulat ko ng wala...wa..la na..man ah..yah!

Jusqko po may mumu ata dito! Yah! Tumakbo ako ng mabilis atska ipinikit ang mga mata ko! Natatakot ako huhuuh!

Narating ko na rin agad ang labas, salamat po! Ayoko na talagang pumasok dun putek lang! bwisit na shortcut 'to! Ayoko ng pumasok sa mga shortcuts! Promise.

Pinihit ko naman agad ang doornob nitong room, agad namang bumungad sa'akin ang napakaraming estudyanteng gustong sumali. Hays nakakawala naman ng stress, na-eexcite tuloy ako,gusto kong marinig yung mga golden voice nila yihiii!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 11, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Thousand Years Where stories live. Discover now