01

2 0 0
                                    

Chapter 1

     "Alpha it's 10 am. You have to wake up ma'am". Nagising ako sa pagyugyog ni aling kaye sa noo ko, tumayo ako at umupo sa kama. Wala paring pinagbago, isang malaking silid, mamahaling gamit at mga katulong na nagbabantay sakin sa pagtulog. "Labas po muna kayo, magbibihis lang ako". Maayos na pakikiusap ko sa mga kasambahay ng mansion. Hinintay kong lumabas silang lahat saka ako tumakbo papunta sa cr, kinuha ako t-shirt na white at black jeans. Sinuot ang itim na sapatos at tinali ang buhok pataas. Tumingin ako sa salamin, isa na akong normal na babaeng makikita mo sa daan na naglalakad. Napangiti ako.

     Pumunta ako sa malaking bintana sa aking silid, makikita dito ang malaking sanga ng puno, inakyat ko iyon upang makalabas ng aking silid. Abot parin ang sanga hanggang sa kabila ng matataas na pader na pumoprotekta sa pader. Nahirapan ako ng kaoonti sa paglambitin dahil alam kong umulan kagabi, madulas ang mga sanga kaya maari akong mahulog.  Malapit na akong makatawid sa pader ng mahuli ng mga mata ko si lolo na may kausap na limang lalaki. Napatigil ako sandali at napagdesisyunan na makinig sa kanila.

     Lumapit si lolo sa isa sa mga lalaki, maliit ito at mataba, may mga tattoo at maiitim. Napatingin ako sa orasan ko, 10:15 am kailangan ko nang magmadali, hahakbang pa sana ako papunta sa isang sanga ngunit nakarinig ako ng malakas na putok ng baril galing sa ibaba. Napatingin ako kila lolo at pinagsisihan ko iyon, nakahilata na sa sahig ang lalaking kanina lang ay kausap niya, at si lolo.. ay may hawak na baril. Minadali ko ang paglipat lipat ng sanga na halos mahulog na ako sa dulas.

     Tinapon ko ang bag ko sa ibaba. Nagdadalawang isip kung tatalon pa ba ako o hindi, masyado 'tong mataas at isang maling galaw ko lang ay katapusan ko na.

      1.. 2.. 3.. tumalon ako mula sa sanga ng puno hanggang sa sementadong sahig, napangiti ako. Maraming sasakyan ang dumadaan at mga taong naglalakad. Sinubukan kong umakto ng tulad nila, at hindi naman ako nabigo doon. Masaya sa labas, sa labas ng mansion, walang ingay, walang patayan, walang lolo, walang katulong. Masaya lang.


      Naglakad ako ng masaya papunta sa school, na mahigpit na pinagbabawal ni lolo, Hindi niya alam na pumapasok ako, wala naman siyang oras para tignan kung ano ang ginagawa ko, sila aling kaye at iba pang piling kasambahay ang sumosoporta sakin, alam nilang gusto kong mag karoon ng normal na buhay tulad ng iba. Si lolo ba? Hindi ko lang siya gusto, yung mga ginagawa niya, mali lang talaga lahat. At Hindi ko na kayang tiisin ang lugar na 'yon. 17 na ako pero wala parin akong kalayaan, at hanggang ngayon, umaasa parin akong 'yan ang ibibigay sakin ni lolo sa debut ko sa makalawa.

         Naglalakad ako papasok ng gate nang may humakbay sa akin, "camiya! Tara canteen tayo!" Sumakit ang tainga ko sa lakas ng sigaw niya kaya napatakip ako. "Ang aga aga naman?" Sabi ko sa kaniya, natatawa. "Hindi ka nag breakfast diba? Sabay na tayo! Libre mo.". Tumawa lang ako sa kaniya. Si rea ang nagiisang kaibigan ko dito, alam niya ang sitwasyon ko sa buhay. Mahilig rin akong mag kuwento sa kaniya. Sinasabi ko lahat ng nangyayari sa araw ko.

        Kinuha ko ang cellphone niya na nasa kanang kamay niya at nasa kanang balikat ko tsaka ko ito tinakbo papuntang canteen, alam kong hahabulin ako nun, dahil ayaw niyang pinapakealaman ang phone niya. Tumatakbo ako paikot sa school groud, siya naman ay humahabol. May mga estudyanteng napapatingin samin, o sa akin. Nalagpasan ko na ang cr, canteen, office, classroom, music club, at ang bulletin board. Pero napabalik ako upang tignan ang bulletin board.

December Celebrants

-camiya alpha aranas(g11)      -december 5
-james ivan gonzaga(g7)           -december 18
-james encho(2ndyearcollege) -december 29

           Today is december 3. Debut ko na sa makalawa, at alam kong maraming mangyayari sa araw na 'yon. Sobra. Dumating na rin si rea at kumain na kami sa canteen, mabilis natapos ang araw.

     

   

The tale of AlphaWhere stories live. Discover now