CHAPTER 2:Section A

21 2 3
                                    

Napapaisip pa rin ako bakit kung makatingin sila sa akin ay kakaiba? Bakit walang tao kanina sa buong school ground?Ano talaga ang mga ginagawa nila kanina?Bakit di man lang nabigla si pauleen ng nakita niya ako?

Kasalukuyan akong nag-iisip ng may narinig akong tunog galing sa ibaba sabi naman ni pauleen bukod sa akin wala ng ibang tao rito.Bumaba na lang ako ng dahan-dahan.Pagkarating ko sa ibaba nagutom na lang ako sa naaamoy ko.Hindi pa nga pala ako nagtatanghalian.Hindi ko na napansin na nakatayo na pala ako sa harap ng lalaki at nakatitig na siya sa akin.

"Who are you?"tanong niya sa akin."I'm the one should ask you that,who are you?"tanong ko naman pabalik sa kanya.

Sinagot niya naman agad ako."Rickneil Peters,the one who owns this house,and you, again for the second time who are you?."sagot niya naman.

"Well I'm Thalia Rheevana Elis, one of your housemate"sagot ko naman.

"Ah so you're the new one ,GOODLUCK"talagang ponagkadiinan niya iyong salitang goodluck.

Pagkatapos niyang sabihin iyon di ko na siya kinausap pa.Dumiretso na lang ako sa kwarto ko at natulog.

8:30pm na ng magising ako.Bumaba na ako di pa nga pala ako kumakain ng tanghalian kaya kumukulo na ang tiyan ko.Bibili na lang siguro ako sa cafeteria kung bukas pa ba iyon nakakahiya naman kasi sa apat kung basta na lang ako kukuha sa ref.Lalabas na sana ako ng makasalubong ko naman si Pauleen.

"Oh Thalia san punta mo?"Pauleen."Bibili lang sana ako ng makakain ko diyan sa labas."ako."Naku huwag ka nang bumili ,binili na talaga kita ng sabay na tayong kumain "Pauleen.

Magpupumilit pa sana ako kaso nakita ko nga ang mga pinamili niya hindi nga iyon mukhang para sa kanya lang parang hanggang 5 katao pa at saka nagugutom na rin talaga ako.

Sumunod na ako sa kaniya sa loob.Kumain kami tapos sinabihan na rin niya ako na pwede akong kumuha ng kahit na anong gusto kong kainin sa ref.Ang university na mismo ang nagsusuply rito.Hindi ko na rin siya natanong dahil maggagabi na at maaga pa ang pasok niya bukas.

Kasalukuyan lang akong nanonood sa TV dahil hindi pa talaga ako inaantok.Hindi ko rin alam kung nandito na ba silang lahat sa kwarto.

Tok tok tok ,may nakatok sa pinto.Ano bang oras na mag 11pm na ah.Since ako na lang ang tao rito binuksan ko na ang pinto.Pagbukas ko wala naman akong nakitang tao isasara ko na sana ng may makita akong box sa ibaba ,pinulot ko iyon at binasa ang nakasulat.

To: Ms.Elis

This is your uniform.

Fr: Sir.Reyes

Pagkatapos kong basahin ang sulat pumasok na ako agad sa loob.

"Hindi mo dapat basta-basta binubuksan ang pinto"sabi ng lalaking nakatayo sa harapan ko.Mukha siyang nerd."Sino ka nga pala?Bakit ka nakapasok dito?"sunod-sunod niyang tanong.

Ilang beses ba akong magpapakilala sa araw na ito."Thalia Rheevana Elis, ikaw sino ka?"tanong ko sa kanya."Samuel Dela Fuente"sabi niya at bigla na lang umalis.

Aba bastos.Tinalikuran ba naman ako.Dumiretso na lang ako sa room ko.Binuksan ko iyong pinadalang uniform ni sir,long sleeve siya na may vest at sobrang liit pa ng palda.Pinaghalong black at blue pa ang kulay.

Kinabukasan.Inagahan ko talaga ang gising para maipaghanda ko na ng pagkain sila pauleen pati na rin iyong dalawang lalaki .Di ko pa rin kasi talaga nakikita iyong isa pang lalaki.

"Oh,Thalia ang aga mo yata,good morning "sabi ni pauleen."Good morning din,maaga kasi ang pasok ko,pinaghanda na kita ng almusal at iyong dalawa pa "ako.Kahit naman hindi ako laki sa hirap maalam naman ako sa mga gawaing bahay.



"Salamat ang dami naman niyan, dapat hindi mo na pinaghanda ang dalawa hindi naman sila nasabay sa pagkain "Pauleen.



"Ah ,ganoon ba edi sa atin na lang iyan" ako.Nagsimula na kami ng pagkain.Papatapos na kami ng magsalita siya.



"Thalia anong grade mo na nga pala?"Pauleen."Mag g-grade 10 na"ako.




"Parehas pala tayo sana maging kaklase kita sure na naman iyon lahat kasi ng transfer dito sa section B napupunta.Patingin nga ng schedule mo? "Pauleen




Binigay ko naman sa kanya ang schedule ko ,kasama rin kasi iyon doon sa ibinigay na uniform ni sir."Ito ba talaga ang schedule mo?"tanong niya ulit sa akin.Tumango naman ako.Parang hindi siya makapaniwala na iyon talaga ang schedule ko.




"Section A ka Thalia" Pauleen.




Ano naman kung section A ako.Teka lang ibig sabihin hindi ko siya kaklase pero transferee naman ako bakit sa section A ako napunta.





~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


~ladyinblue_violet

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Apr 11, 2020 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

Eerie UniversityWo Geschichten leben. Entdecke jetzt