Prologue:

4 0 0
                                    

"Bakit ganyan ka kung makaasta ha? Bakit ba parang mas nasaktan ka pa kesa sakin? Bakit parang ako pa yung mali? Ikaw naman yung nang-iwan diba? Ikaw naman yung nanakit... pero bakit parang ako pa yung nagmumukhang masama dito?" Sigaw niya sa akin habang hawak niya ang balikat ko ng mahigpit. Kita ko ang galit sa kanyang mga mata.

"Kiel... nasasaktan ako." Sabi ko habang wala paring tigil ang paghikbi ko.

He smirked pero kita ko parin ang galit sa mga mata niya. "Mas masakit pa diyan ang naramdaman ko noon!" Gigil niyang sabi, kita ko ang pagtagis ng bagang niya habang sinasabi iyon.

"I'm sorry, Kiel. I'm sorry..."

"Sorry din, but you're 5 years late Noela. I'm okay now." Sabi niya sabay bitaw sakin dahilan para mapaupo ako sa sahig at patuloy parin ang pag iyak. "Manang Rita, pagtawag mo ng taxi si Noela ng makaalis na siya sa pamamahay ko." Malamig niyang sabi at narinig ko ang papalayong hakbang niya, lalo akong napahagulgol.

"Ela, iha. Tahan na."

"Manang, ang sakit. Sobrang sakit." Niyakap ako ni Manang.

"Mahal ka non, hayaan mo munang lumamig ang ulo." Patuloy parin sa pagtahan si Manang at hindi ko parin mapigilan ang pag agos ng mga luha sa mga mata ko. Ang sakit talaga.

Kiel, mahal na mahal parin kita. Ikaw lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HAPPIERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon