Bloodsucker 4

13 0 0
                                    

Maaga akong bumangon para maghanda ng almusal. Para narin pigilan ang dalawa na umalis. Kailangan na namin lumipat ng matitirhan ngayon kundi baka sugurin ulit kami dito.

"Good morning bes." Bati ni Ayesha na humihikab pa. Naabutan niya akong nagluluto.

"Morning."

"Goooood morniiiiing!" Bungad din ni Jae hye. "Hmm... ang bangooo."

Mukha lang walang nangyari kagabi at balik jolly mood na siya. Good. Ayokong nag-aalala sila.

"Umupo na kayo diyan at malapit na to." Utal ko.

"Maliligo muna ako, Unni. Para daritso school na ako." Akmang aalis na si Jae hye.

"Hep hep. Wala munang papasok ngayon." Pigil ko. Curiosity plastered on their faces.

"Wae?" [Bakit?]

"Magsho-shopping tayo besh?" Excited na tanong ni Ayesha.

"Nope!"

"Strolling?" Excited din na tanong ni Jae hye.

"Nope."

"Picnic?" Ayesha.

"Nope."

"Skating?" Jae hye.

"Nope."

"Surfing?" Ayesha.

"Mountain climbing!?" They asked in chorus. Hindi parin nawawala ang excitement sa mga mukha nila napapalakpak pa si Jae hye.

"Definitely....." Mas lumawak ng lumawak ng lumawak ng lumawak pa ang mga ngiti nila. "No." Parang kidlat sa bilis ng pagbabago ng mga mukha nila.

"Eeii ano ba kasi?!" Naiinis na na tanong ni Ayesha.

"Lilipat na tayo." Tumalikod na ule ako sa kanila at inihanda ang pagkain. Nailapag ko na lahat ngunit nasa posesyon parin sila kanina bago ako tumalikod.

"Mahina ba WiFi niyo?" Tanong ko. At sila ganito lang --> ?_?

Mukhang malapit na mawala sa state of shock si Ayesha. Ph my gosh mukhang kailangan ko na rin maghanda.

5
.
.
.
.
4
.
.
.
.
3
.
.
.
.
2
.
.
.
.
1
Takip tenga. Pikit mata.
.
.
.
0

"LILIPAT TAYO?!" Nakalunok ba to ng megaphone si Ayesha? Ang lakas ng tinig eh. Pasalamat siya soundproof 'tong condo namin.

"Hai. Yes. Ne. Oo! Lilipat nga po tayo." Sagot ko. Si Jae hye ayon kinukulikot ang tenga dahil siguro hindi siya nakapaghanda sa sigaw ni Ayesha.

Kumuha ako ng gatas sa Ref. at naglagay sa baso ko. Umupo na rin ako at sumunod sila.

"Bes. May nakapasok 'bang maligno sa kwarto mo kagabi?" Nag-aalalang tanong ni Ayesha.

*boink* "Buset ka tinatakot mo ako eh. Anong pa maligno-maligno ka dyan?!" Hinimas-himas niya ang bahagi na binatokan ko. Kainis din 'tong babaeng to eh.

"Eh bakit nga naisipan mong lumipat tayo, Unni?" Nagsalin siya ng gatas sa baso niya at nagsimula na rin kumain.

"Para to sa siguridad niyo. Tama ka Jae hye na baka bumalik ule sila dito kaya naisipan ko bumili ng bahay kung saan hindi nila tayo matutunton.

"Paano ang pag-aaral natin bes?"

"Papasok pa rin tayo sa E.U, doble ingat lang tayon ngayon. I'm sure hindi nila tayo aatakihin kung nasa maraming tao tayo."

"Ngayon na agad tayo aalis?" Wika ni Ayesha. Tumango ako bilang tugon.

"Maghahanda na ako." Unang tumayo si Ayesha.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 11, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dr. BloodsuckerWhere stories live. Discover now