Bestfriend, sila yung kasama mo kahit saan, karamay mo sa kahit ano man, hindi mo sya kadugo pero parang kapamilya na ang inyong turingan at hinding-hindi ka nya iiwan kahit hanggang sa kabilang buhay pa yan.
Laga's POV
*Hoooy Kyot! May tumatawag*
*Hoooy Kyot! May tumatawag*
Lecheng ringtone toh -.-
*Hoooy Kyot! May tumata--.."Oo na! Cute na ako! Anong kailangan mo?" Irita kong pagkasabi. Abaugh! Ginising nya ako nuh! Sayang beauty rest ko.
"Hoy bruha! FYI hindi ka cute at ikaw ang kailangan ko!" Sagot ni Zisa(bestfriend ko)
"Anong kailangan mo sakin?"
"Yung project ko nasayo! Nakasalalay dun ang buhay ko! Nasan kana ba?"
"OA mo naman! Nandito lang ako sa bahay bakit?"
"TAENA! Punta kana dito sa school at late na late kana!"
"Ahhh... School lang pala" antok kung sabi
"Wait? SCHOOL? HUTA! ANONG ORAS NA?""Alas 8 na, yung project ko uy! Patay ako kay ma'am Freyja nito!" Sigaw ni Zisa
"Oh sige na, sige na. Babye lamyooou mwuah"
*toooot...toooot...*Zisa's POV
"So Akane, Hrist, Moo, Snot, Thrud, Zisa and Laga, kayo ang magiging group for this week's activity. Btw, nasaan nga pala si Laga?" Tanong ni Ma'am Freyja."Di po namin alam ma'am" sagot nila Moo at Hrist
"Itanong nyo kay Zisa baka alam nya yon" dagdag naman ni Akane
"Ayy ma'am baka papunta na yun! Tinawagan ko yun kanina eh"
"Oh sige aalis muna ako at may next class pa ako"
"May date ka lang ngayon ma'am eh kaya ka nagmamadali". Pang-asar ni Snot
"Che! Wala, ikaw talaga snot. Ibabagsak kita."
"Hala ma'am joke lang yun di kana mabiro. Hehe. Sige alis kana ma'am." -snot
"Sige alis na ako. Bye stupidents. Hahaha"
"Hahaha sige na ma'am, bye na" sabi nila.
"Hoy Zisa tawagan mo nga yung bff mo at baka ano na ang nangyari dun" -Akane
"Baka nga namatay na yun! HAHAHAHA" sabi ni Moo. (Natahimik ang lahat) ayy sorry..."
Kinilabutan ako sa sinabi ni Moo at tumindig lahat ng balahibo ko. Anubato!
"Hoy ano ba kayo wag nga kayong magsalita ng ganyan" -Thrud
"Oo nga kahit bruha yun! Mahal ko yun!" -Hrist
Wait gals! Tatawagan ko na si Laga para matahimik na kayo jan.
*The number you are calling is busy at the moment please try your call later. Tooot...tooot...*
(Dinial ko pa ng 5 beses pero wala parin)
F*ck! Hindi ko macontact si laga. Kinakabahan na ako ha! Wait, si mimir ba yun?Tumakbo ako papalapit kay mimir at tinanong sya,
"Uy Mimir! Nasan kapatid mo?" Sabi ko"Ha? Eh? A-ano k-kasi di ko alam" nauutal nyang sabi.
"Ahh ganun ba? Sige salamat."
*Zisa Maganda may tumatawag*
*Zisa Maganda may tumatawag*
sabi nung ringtone ko. Baliw talaga kami ng bestfriend ko kaya ganyan nagiging ringtone namin.
Pagkakuha ko sa cellphone ko nakita ko yung pangalan ni laga pero tinignan ko muna yung oras at 3pm na pala.Zisa: Hello! Laga? Gaga ka talaga nasan kana?
Laga: Hi bestfriend, parating na ako
Zisa: Siguraduhin mo lang na parating kana kasi kinakabahan na ako
Laga: Opo, parating na ako. Wag kayong mag-alala kasi di ako mawawala... palagi akong nasa tabi mo.
Zisa: ano? Di ko marinig yung huling sinabi mo?
Laga: wala! Sige, labyou bye.
*toooot...toooot...*(Kinabukasan)
"Zisa!" Sigaw ni Rose at kasama nya si Mimir."May sasabihin sana si Mimir sayo" -rose
"Ano yun Mimir?" Kinakabahan ako. Ano kaya sasabihin nya?
"Ah kasi s-si a-te.. Kasi.. Naaksidente" maiyak-iyak nyang sabi.
"HA? ANO? BAKIT? KAILAN?" Sabi ko. Naiiyak narin ako. Laga naman! Huhuhu
"Kahapon ate mga alas 12, tinakbo sya sa ospital pero...*sobs*"
"PERO ANO? *sobs* MIMIR DIRETSUHIN MO NGA AKO! *sobs* ANO?"
"Wala na si ate laga! Wala na! Patay na sya! Nung alas 2 sya namatay! Ok naba?"
Parang gumuho ang mundo ko. Dahil ako yung dahilan kung bakit sya namatay, pinamadali ko kasi syang pumunta dito. Huhuhu F*ck! Umiiyak na ako ng sobrang lakas na parang maririnig sa buong hall ng school. Di ako makapaniwala. Pero wait.. Alas 2? Eh alas 3 tumawag si Laga sakin! Hindi yun totoo!
"Hindi yan totoo Mimir, *sobs* tumawag pa nga sya sa akin nung alas 3 at alam kong boses ni Laga yun" sagot ko
"H-hindi ate eh *sobs* patay na sya at nag-alala na ako sayo nung may katawag ka kahapon at narinig ko yung pangalan ni ate."
"H-ha? K-kung.. Gan-nun? Sino yung katawag ko kahapon."
*Riiiinnngggg... Riiinnngggg...*
May tumatawag.
"H-helloo..? S-sino toh?""Ako to bestfriend. Sabi ko naman sayo hindi kita iiwan eh. Palagi kitang sasamahan kahit sumakabilang buhay na ako."
*toooot...toooot...*
(THE END)
I hope you enjoy reading this kahit short story lang ito. Pinapahiwatig ng story na ito ang kahalagahan ng pagkakaibigan at ang totoong pagmamahal ng isang kaibigan na hanggang sa huli ay hindi ka iiwan. Thank you for reading this.
Lovelots💖
-Maicadorable🌸
BINABASA MO ANG
BESTFRIEND
Short StoryShort story po ito tungkol sa kaibigan na hindi ka iiwan hanggang sa kabilang buhay pa yan. Creepy right? But that's a promise from a bestfriend. Short Story lang po ito at sana mapansin nyo at mapaglaanan nyo ng kaunting oras kahit kaunti lang😊 Sa...