Nasasaktan rin ako.

1.1K 26 1
                                    

Caution. Another work na panay ang hugot na wala namang pinanghuhugutan. This may seem baseless to some. Thus, proceed with caution.

You have been warned.

Nasasaktan Rin Ako
by EiiBiiWizard

People should be aware that there are two sides in every story. Kadalasan kasi, yung isang panig lang ang pinakikinggan ng tao. Yung isang panig lang ang iniintindi. Paano naman yung kabila? Paano kung nasasaktan na rin pala sila?

Hindi man kita, nasasaktan rin ako.

Hindi man halata, nahihirapan rin ako!

Hindi niyo ba makita? O sadyang ayaw niyo lang bigyan ng pansin? Gano'n na ba ako kawalang halaga para sa 'yo?

Nawalan ka na lang ba ng paki sa'kin? O sa sobrang manhid mo, hindi mo lang talaga maramdaman? I wanted to believe the latter. I wanted to believe that you were just too numb. Too numb to know how I felt, too numb to notice me— just too numb. But I knew I was only fooling myself.

Nasasaktan rin ako!

Minsan, gusto ko nang umiyak. Yung tipong magwa-wala na lang ako. Yung tipong isisigaw ko na lang sa buong mundo kung ano ang nararamdaman ko.

Masakit, oo.

Ngunit ano nga bang mangyayari kung umiyak lang ako sa isang sulok? May magba-bago ba kung magwa-wala ako?

Wala, hindi diba?

Pero bakit ba gano'n?

Kahit ano pang gawin ko, nasasaktan pa rin ako. Kahit anong pilit ko, hanggang ngayo'y nahihirapan pa rin ako.

I tried.

Ilang beses kong sinubukang iwasan ka. Ilang ulit kong sinubukang kalimutan ka.

Pero walang nangyayari.

Every time I see you, bumabalik lahat ng nararamdaman ko para sa'yo.

And yet every time I see you with Flaire, nare-realize ko kung gaano ako ka-tanga at minamahal pa rin kita.

Mahal kita, mahal mo siya, at mahal ka niya.

Paano ako? Sinong magmamahal sa akin?

Alam mo ba kung gaano kasakit? Alam mo ba kung gaano kahirap, Chris?

Alam mo ba kung gaano kahirap ngumiti; kung ang puso mo, sawang sawa na?

Alam mo ba kung gaano kahirap tumawa; kung ang puso mo, sirang sira na?

Chris, nasasaktan rin ako.

Akala ko'y hindi na kita mahal, pero nando'n pa rin. Nandito ka pa rin.

Akala ko'y wala na, pero hanggang ngayon nando'n pa rin. Nandito ka pa rin. Nandito ka pa rin, walang hiya. Nandito ka pa rin sa puso ko.

Alam mo ba kung gaano kasakit ang makita ko kayong masaya ni Flaire? Alam mo ba kung gaano kahirap mag-move on? Malamang hindi. I'm just this idiotic girl who can't get over her stupid ex.

"Madali lang naman mag-move on eh. Ang mahirap lang, ang i-let go ang mga pinagsamahan niyo."

Tama naman, diba?

Chris, tao lang rin ako.

Nagmamahal lang rin ako.

Nasasaktan rin ako.

Pero napapagod rin ako.

Gusto ko nang maging malaya, maging masaya.

I want to live in the present now, Chris. I don't want to be stuck in the past anymore. I don't want to keep on reliving in our memories. And if letting you go is the only key to achieve that,

Then, I'm letting you go, Chris.

Pinapalaya na kita.

Alam kong masasaktan at masasaktan rin ako sa prosesong ito. Umpisa pa lang, nasaktan na ako. Simula pa lang, nahirapan na ako. But if setting you free means me being happy, then I'd be glad to do so.

Sana sumaya ka na ng tunay, Chris.

Sana maging masaya at malaya na kayo.

At sana, maging masaya na rin ako.

☽   ☽ END of Part One  ☾   ☾

Wait, there's more. x)) Malalim pa ang balon na 'to, guys.

Nasasaktan Rin AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon