His side.

617 25 1
                                    

His Side

May dahilan ang lahat ng ginagawa ng tao. Why do we do it? Who do we do it for? Is it worth it? Ngunit minsan, ipilit man nating tama ang ginagawa natin, mayroon pa rin tayong pagkaka-mali. May pagkukulang pa rin tayo. Hindi dapat lahat isinisisi sa iba. Malay mo, may mali ka rin pala.

Hindi ba niya nakikita?

Hindi ba niya napapansin?

Hindi na rin ba niya maramdaman? Na nasasaktan rin ako; na nahihirapan na rin ako?

Mahirap mag-panggap. Mahirap lokohin ang sarili dahil alam kong mahal pa rin kita.

Elle, sana maramdaman mo, mahal pa rin kita.

✧✧

Noong unang beses ko siyang makita, nagandahan na ako sa kanya. Nabighani na ako sa mala-anghel na kagandahang taglay niya.

Pretty Elf.

Elf, dahil 'yon ang tawag sa kanya ng mga kaklase namin. Hindi ko alam kung tawagan nila 'yon o pang-asar lang dahil may pagka-maliit ang dalaga.

Pala-biro si Elle. Magaling siyang maki-sama. Sumasakay siya sa trip ng tropa.

Mabait, matalino, pala-kaibigan. Kinulang man sa height, bumawi naman sa ganda. Simple pa. How can someone be that beautiful? Both inside and out? That was the first thing that popped in my mind after seeing her.

That's why I can't stop myself from falling for her.

Noong una'y nahirapan akong kausapin siya. I didn't know how to approach Elle, let alone talk to her. Buti na lang at pareho kami ng circle of friends, kaya mas nadalian akong lapitan siya.

In a span of months, naging kaibigan ko siya, best friend pa. At mas na-inlove ako sa kanya nang makilala pa siya ng husto.

Sinubukan kong iparamdam sa kanya ang nararamdaman ko. Binibigyan ko siya ng mga bulaklak at chocolate. Hinarana, binigyan ng mga liham. Lahat lahat na. Old school kung old school, ngunit mas napaparamdam kong mahal ko siya sa mga paraang gano'n.

Lumipas ang dalawang taon at mas naging malapit kami sa isa't isa. To the point na nagka-mutual understanding na kami.

On a Tuesday, two hours before dawn, at a park near Elle's house, under a tree; we stood there, smiling at each other. Her lips were quivering, looking for the exact words she wanted to deliver. Eyes staring at my own, searching for what she wanted to see. Until she uttered the word which made me the happiest man alive. The one word that made everything worth it. The one word that made everything official— magical. A single yes made me happy, what more having this girl as my partner?

The days after that were probably the happiest days in my entire life. Maayos na ang lahat. Masaya akong kasama si Elle. Masayang masaya. I could not imagine myself falling for another girl. May mga araw mang nagkakatampuhan kami, ngunit hindi 'yon tatagal ng isang araw. Everything was going smoothly. Maayos na sana ang lahat. Sana.

Dumating si Flaire. Maganda siya, matalino pa. Bagong salta man, crush na agad ng bayan. Ikaw ba namang ilang beses nang lumabas sa TV, hindi ka pa ba mapapansin?

She had the IQ close to Einstein's. Now, that's exaggerating. She had the beauty similar to a beauty queen's.

Ngunit hindi siya si Elle.

Minahal ako ni Flaire. Ilang beses ko na siyang iniwasan. Alam niyang si Elle ang mahal ko, at kaibigan lang ang tingin ko sa kanya.

Inamin kong hindi na hihigit pa sa kaibigan ang pag-tingin ko sa kanya, at si Elle lamang ang nagma-may ari ng aking puso. Alam kong nasaktan ko si Flaire sa paraang 'yon, pero mas masasaktan siya kung pinaasa ko pa siya at pinatagal ang nararamdaman niya para sa akin.

Pero hindi niya ako tinantanan.

Kinalat niya sa buong campus na kami na, na niligawan ko siya at sinagot na niya 'ko.

I denied all accusations and rumors.

Naniwala si Elle sa akin. And I thank her for trusting me.

Hanggang sa nag-iba ang intensyon ni Flaire. Nang-blackmail siya. Sasaktan ko si Elle, Chris. Kung ayaw mo siyang mapa-hiya, iwan mo na siya. Sabi niya.

Nung una'y hindi ako naniwalang kaya niyang gawin yun.

Ngunit isang araw, nadisgrasya si Elle. Sa kadahilanang tinulak siya ni Flaire sa hagdan. Flaire was supposed to be kicked out for that. Kaso malakas ang kapit ng pamilya nila. Mga walang hiya. Nag-simula na rin ang pangbu-bully kay Elle. Araw-araw na siyang umiiyak. She was already hurting.

Kaya simula no'n, humiwalay na ako sa kanya. Itinigil ko ang pagkikita ko sa kanya, hindi ko na siya kina-usap.

Alam kong mas nahirapan siya sa ginawa ko. Pero kailangan kong gawin 'yon. Para lubayan na siya Flaire.

And that was the worst decision I had ever made. I should've stayed by her side. I should've been with her when she needed me.

Elle, nasasaktan rin ako.

Alam kong nasasaktan siya.

Alam kong nahihirapan na rin siya.

Ngunit sana malaman niyang mas nasasaktan ako. Mas nahihirapan ako para sa kanya.

Ayaw kong makitang malungkot siya dahil sakin. Ayaw kong makita siyang umiiyak dahil sakin.

Sana maramdaman niyang mahal ko pa siya. I never stopped loving her in the first place. Kahit kailan, hindi nag-bago ang nararamdaman ko para kay Elle.

I still love her.

I still love Elle.

Hanggang sa makakaya ko, ang pagma-mahal ko sa kanya'y hinding hindi magbabago.

I'm half a heart without Elle.

Sa pagkakataong ito, ipaglalaban ko na siya.

Ipaglalaban na kita, Elle.

Hanggang sa kaya ko, gagawin ko na ang lahat para hindi ka na masaktan.

Mahal kita, Elle. Mahal na mahal.

So, please Elle, don't let go just yet.

☽   ☽  END  ☾   ☾

Hanggang dyan na lang po dahil nasa baba na po tayo ng balong malalim kung saan humuhogot ang mga tao. Thank you po sa pagbabasa kahit ang baseless ng storyline nito. x)

Date published : March 6, 2014
Plagiarism is a crime.

-revised, 042915

Nasasaktan Rin AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon