lendeukie_1

0 2 2
                                    

Manila

Aish!! Ang init masyado!!.. Andaming Tao.. Andami ring sasakyan kaya ang haba-haba ng traffic.. ang hangin??.. hay naku!! Ndi ko Lang alam.. Walang wala ito sa probinsya.. kaya kailangan ko ng masanay dito.

Ayt.. nandito pala ako sa maynila para maghanap ng trabaho. Actually kaka-graduate ko Lang few months ago. Nagdecide ako agad na pumunta dito sa maynila para naman makatulong sa family ko tsaka gusto ko ring maging independent, yung ako Lang.. kumbaga kaya Kong mabuhay kahit wala ang tulong nila.

Maghahanap agad ako ng trabaho bukas. Hay!! Nakakapagod masyado. Ilang oras na byahe mula probinsya hanggang dito. Bago pala ako magpunta dito naghanap muna ako ng matutuluyan, naghanap muna KAMI rather. Yeah Hindi Lang ako nag-iisa sa pagluwas dito sa maynila. Kasama ko yung friends ko since high school days.. Walang iwanan eh kaya ganun, kami pa rin ang magkakasama hanggang ngayon.

Speaking of friends, may friend din pala akong  gustong makita ngayon. Hmm, never pa kasi kaming nagkita eh. Social friend ko Lang kasi sya, sa fb ko Lang  nakilala pero naging totoo sya sakin kasi hanggang ngayon close parin kami. Tsaka nagpromise din ako sa kanya na pag nakapagtapos na ko ng pag-aaral, pupunta ako dito sa maynila para makita sya kaya can't wait na to meet her finally.

Ahh muntik ko ng makalimutan, ako nga pala si April Lyn Leones from ilocos .. hehehe anlayo dba.. Hmm, 22 years of age. Graduate of BS Management at higit sa lahat isang dakilang kpop addict since birth haha joke Lang since high school Lang pala Tsaka Hindi Lang ako sa kpop addict, pati na rin sa drama at wattpad pero ang nakakalungkot Lang baka Hindi nako madyadong updated pag may trabaho na ako -_-. Pero okay Lang para naman ko sakin Tsaka sa family ko eh..

∞♡∞♥∞♡∞

Pagdating namin dito sa apartment para kaming bugbog sarado na mga tambay sa labas sa pagod. Pagkapasok namin na boarding house nakita namin agad Ung nagpapa-upa dito.

"Hello po. Sorry po ngayon Lang kami nakarating kasi traffic po eh. Pasensya na po kayo." Sabi ko sa kanya. Sa totoo Lang 35 mins. late na kami dumating dito eh.

"Okay Lang. Naiintindihan ko. Tumuloy kayo " nakangiting sabi nya. Ang bait naman nya buti Hindi na kami napagalitan pa. hassle masyado pag ganon, pagod na pagod ka na nga mapapagalitan ka pa naku Lang!! "Teka tatawagin ko Lang yung dalawa na makakasama nyo dito sa bahay. Actually kakarating nga Lang din nila. Cge Teka Lang" Sabi niya ulit. Hindi ko alam Kung ano itatawag sa kanya Kung tita ba o aunti parehas Lang naman un dba haha. Aish tatanungin ko na Lang sya.

Umupo muna kaming apat sa sofa. Yeah, speaking sa apat parang ako Lang mag-isa ang nandito halatang pagod tong tatlo eh. Hay!!

" Uyy okay Lang kayo?? " tanong ko sa kanila kahit halata naman na Hindi sila okay.

" Hindi ba halata? -_-"halatang naiinis na sagot ni Xanne.  ayy bad mood sya haha.. okay

" Mga ija nandito na sila. Gellie at Angelica nga pala" sabay turo sa dalawa naming house mate " Ahh, ano pala Mga pangalan nyo Mga ija?" Tanong nya. Ako na ang sumagot. Bad mood cla eh

" April Lyn nga po pala. Eto po sina Reymarizze, Roxanne and Janice po"

"Ahh nice meeting you Mga ija. Kayo na bahala sa bahay ah. May ibinigay na akong number sa kanilang dalawa" sabay tingin kina Gellie at Angelica. " In case na may kaylangan o problems kayo tumawag Lang kayo okay?" Nag nod naman clang lahat.

" Cge po??" D ko Lang talaga alam Kung ano itatawag ko sa kanya eh. Buti naman napansin nya Kung ano ibig Kong sabihin sa kanya.

" Ahh Hindi pa pala ako nagpapakilala sa inyong apat. Beatrice Mendoza nga pala.. Tita Bea or Tita na Lang" sabay ngiti.

" Cge po Tita" Sabi ko. Aish!! Pagtingin ko sa side ko wala na sila.. grabe ah mang-iwan ba naman

" Cge alis na ako."- Tita

"Ihatid ko na po kayo sa baba" Sabi ko sa kanya. Nasa third floor kasi kami eh.

"Ehh, okay Lang ba haha.. "alangan na tanong nya

"Sure po, tsaka pagpasensyahan nyo na po mga kaibigan ko ah pagod na kasi eh kaya nang-iiwan na lang haha" pabirong sabi ko kay tita baka kasi alam nyo na.. haha baka magalit.

" Okay lang yun ija. Tayo na para makapagpahinga ka na rin"

Pagkahatid ko kay Tita Bea sa baba ,umakyat na ako sa taas para makapagpahinga narin. Sobrang pagod na ko eh tsaka hindi pa ako sanay dito kaya konting adjustment na lang.

Humiga agad ako sa kama ko. Actually double bed ang nasa bawat kwarto. Three rooms ang nandito kaya sakto lang kami. Karoom ko si Marizze since sya naman ang pinaka close ko sa kanilang apat. Gusto ko ring makaclose ung dalawang housemate namin . I'm looking forward for it na.

Sa room namin ni Marizze ako yung nasa taas kaya sya naman yung nasa baba haha. Aish anong oras na din ngayon hmm, 8:50 narin pala ng gabi kaya matutulog na rin ako since ung mga ka housemates ko tulog na lahat.. Bukas na lang ako magliligpit ng gamit ko...

ZZzzzzzzzZzzZzzzZzzzzzZzzzzzZzzzzzzzZZZzzzzz

DreamWhere stories live. Discover now