CHAPTER THIRTY THREE: DI KO ALAM XD

8.2K 208 2
                                    

PRINCE WANG YU POV.

" Napakaganda ng inyong emperyo.
Ngunit para itong nababalutan ng kalungkutan " Pahayag ni saf. Tumango lang ako saknyang sinabi totoo naman. Lumungkot ang kapaligiran simula ng dumating ang dark user na yon.

" Yan ang epekto ng pagdating niya.
Ang pagdating ng dark user "Ang sabi naman ng crown prince habang nakasulyap sa kapaligiran. Nagkaroon ng konting katahimikan sa aming Lima. Ramdam namin ang dampi ng hangin na nakakakilabot. A-ano ito?

" Maging alerto kayo ano mang oras ay magpapakita siya " seryosong sabi ni prinsesa kaya napatingin kami sakanya. Bakas saknya ang malakas na enerhiya na parang siya lang ang litaw sa lahat ng babae ng emperyo.
Taglay niya ang kakaibang ganda at likas. Di na ko magtataka kung magustuhan siya ng crown prince na nakatulala saknya ngayon.

Inalalalayan namin siyang tumayo dahil meron daw siyang gagawin.
Naglakad siya papuntang harap tska itinias ang kamay. Nagtaka man kami sakanyang ginawa pero nanatili nalang kaming nanonood sakanya.

Pumikit siya sandali pagdilat ng kanyang mata ay naging parang ginto ang kulay ng mata nito. Nagbanggit siya ng mga salita ngunit di namin narinig. Namalayan nalang namin na binabalot na ng kapangyarihan ang buong emperyo. Ang mga punong nalalanta ay biglang nagsibuhay, Ang nga bulaklak ay nagsibalik saknilang nga kulay.

Tila lahat ay nabuhay sa kanyang ginawa. Napangiti kaming magkakapatid dahil sa ginawa niya.

" Sinisiguro ko na hindi na muling maapektuhan ng ano mang kapangyarihan niya ang palasyo ng emperyo. Ngunit sa labas ay hindi ako nakakasiguro " Seryoso niyang sabi kaya napaisip ako. Pano na lamang ang mga taong naninirahan sa labas. Mula ng dumating ang dark user na yun naghirap ang nga tiga labas. lagi silang dumadaing dahil sa kasumpa sumpang ginawa ng dark user na yon.

SAFFIRE POV.

Nilagyan ko ng matibay na barrier ang Palasyo nila gamit ang kapangyarihan ng Earth kaya agad na nagsibuhay ang mga halama't puno.

" A-ahm "rinig kong sabi sa tabi ko kaya napatingi  ako sa taong yun and i saw the crown prince na parang may gustong sabihin.

" *bow* may kailangan po ba kayo"
Tanong ko. "Po" Siya ang susunod na hari kaya kailangan ko pa ding gumalang kahit papano. Hayss :/

" W-wala naman. Nais lang kitang ayaing maglakad lakad " May hiyang sabi niya kaya nginitian ko siya at tinanguan.

Inalalayan niya ko sa pagbaba ng hagdan.

" Salamat " Ako.

Naglakad lang kami ng naglakad hanggang sa makarating kami ng kanilang garden. Napakasarap ng feeling ang gaganda ng tanawin.
Tama nga ang pagtulong ko saknila dahil kung hindi baka nawalan na sila ng pag asa na ibalik ang ganda ng paligid.

" Napakaganda diba "
Pagpuputol niya sa katahimikan  kaya napatingin ako saknya. Ngunit nabigla ako dahil sakin pala siya nakatingin.

THE GANGSTER QUEEN /POWERFUL PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon