Ako nga pala si Mike. Gwapo, habulin ng mga babae at higit sa lahat matalino. Yung tipong may maipagmamayabang.
Ngunit ako ay isang patapon dahil sa lahat ng bisyo ay pinasok ko. Hithit dito, inuman doon, at gala kung saan saan.
Hindi lang yan, ako ay isang miyembro ng sirang pamilya. Tanging si Inay lang ang meron ako. Ang aking Inay na di alam ang salitang 'pagsuko'.
--------------------
Ako ngayon ay 4th year High School na nag aaral sa isang pribadong paaralan dahil sa yun ang kagustuhan ni Inay. Nag aaral sa mamahaling paaralan na kailanman ay di ko binigyang pansin.
Sa tuwing pasukan, di ako pumapasok kundi diretso sa tambayan at doon nag iinuman kasama ang barkada. Yung baon ko yung ginagamit pambili ng pulutan habang yung tuition fee ko ay para sa pambili ng druga.
Aking Inay na walang ka malay malay, minsa'y taga punas sakin sa tuwing ako ay nalalasing. Tagalinis ng damit kong puno ng suka. Tagaalaga sakin sa tuwing ako ay may sakit.
Isang beses, umuwi ako alas tres ng umaga at ako ay napakahigh nung panahong yun. Nagulat ako dahil nakabukas pa yung ilaw. Pumasok ako at sumalubong sakin si Inay.
"Saan ka ba galing at umaga ka na nakauwi?" Tanong nya sakin na sobrang nag alala.
Hindi ako kumibo, dumiretso ako sa aking kwarto. Pero sumunod ito.
"Pinalaki kita ng maayos, binigay ko lahat ng gusto mo. Bakit ka ba nagkaganyan?" Dagdag pa nito.
Nakita kong tumulo ang kanyang mga luha.
"Nay, buhay ko to. Okay? Kaya wala kang pake!" Sigaw ko.
Sinirado ko yung pinto ng napakalakas.
Kinabukasan, nakita ko si Inay na umiyak sa sulok dahil nalaman nyang hindi ako pumapasok. Dahil dun tumigil ako sa pag aaral, wala na rin akong baon. Walang pera pang inom, droga at gala.
Unti unti akong nagising sa katotohanan. Unti unti rin akong nagbago.
Sa sunod na pasukan, nag enroll ulit ako pero sa publikong paaralan na. Ang dating patapon ay naging matino na. Tinuon ko yung oras ko sa pag aaral.
Pero minsa'y salbahe akong anak. Hindi sa bisyo kundi sa mga kilos ko.
"Anong klaseng ulam to? Makakain pa ba to Nay?!" Padabog kong sabi.
"Pasenya na, alam mo namang maliit lang sweldo ko. Dalawa lang tayo pero hindi nga magkasya e. Nangungutang pa ako nyan dahil malayo pa yung sweldo ko." Malumay nyang sagot.
"De maghanap ka ng maayos na trabaho. Ano ba yan, ka letseng buhay to oo." Sabay alis ko sa bahay.
Gusto ko yung nakukuha lahat ng gusto ko.
--------------------
Araw ng Graduation Day
Ako nga pala ay isang Valedictorian.
Ito yung araw na unang beses kong nakitang masaya si Inay. Kitang kita sa mata nya yung sigla at saya.
"Malaki ang tiwala ko sayo anak. Alam kong di mo ko bibiguin. At alam kong ikaw yung tutupad sa mga pangarap ko." Sabi nya habang niyayakap nya ako.
Inalis ko yung pagkayakap nya.
"Tss. Ano ba yan Nay. Ang drama mo. Hahahaha" Natatawa kong sabi.
Hindi ko hilig yung ganito. Wala naman kasi kami sa eksena para magdrama.
Pagkatapos ng graduation, dumiretso ako sa bahay ng mga kaklase ko at doon talagang sinulit namin yung inuman.
BINABASA MO ANG
O, aking Ina (One Shot)
Short StoryPag aalagang walang kapantay.. Pagmamahal na walang hinintay na kapalit.. Pag uunawang hindi masusukat.. Maraming Salamat sayo, Mama.