"Hindi pa huli ang lahat"

22 2 3
                                    

Malakas ang ulan. Basang basa yung sala namin.

Naalala ko noon si Inay na bitbit yung balde. Naalala ko yung ngiti at yakap nya.

"Mag aral ka ng mabuti para magkaroon ka ng magandang buhay at bahay."

Ito yung pahabol nyang sabi nung tinanggal ko yung pagkayakap sa kanya.

Pagtila ng ulan, inayos ko yung yero.

Mag isa akong nakatira ngayon sa bahay, ayaw kasi lumapit ng anak ko sakin. Andun sya ngayon sa pinsan kong babae.

Babawiin ko sya pag may maipagmamayabang na ako.

Ngayon araw pala yung exam ko para sa scholarship, nag apply kasi ako bilang working scholar.

Sana ako'y pumasa.

--------------------

Pagkalipas ng ilang araw, lumabas na yung resulta. At salamat panginoon dahil pinakinggan nya yung dasal ko.

Pumasok ako bilang working scholar, wala na akong problema sa entrance at tuition fee. Ang problema ko lang ay yung pambili ko ng libro at pang araw araw na allowance ko.

Kaya naisipan kong mag part time. Pumasok ako bilang waiter sa isang mamahaling restaurant at nagtututor via online.

Umaga hanggang tanghali yung trabaho ko bilang waiter. Tanghali hanggang gabi ay pumapasok ako, naka duty naman pag vacant ko as a working scholar. Gabi hanggang hatinggabi ay nakatambay ako sa computer shop, kung saan nagtututor ako ng taga ibang bansa.

Aminin ko, mahirap. Pero tiniis ko lahat dahil may isang taong nagsilbing inspirasyon ko, ang aking Inay.

Dahil alam kong mas malala pa yung sinakprisyo nya para sakin. Mas mahirap pa yung pinagdaanan nya.

Gusto ko pagbayaran lahat yung hirap at sakit na dinanas nya.

Nay, ito na yung simula ng pagbabago ko. Sayang nga lang dahil wala ka sa tabi ko.

Napabuntong hininga ako.

--------------------

After 5 years

Sa limang taon, ganun lang ang naging mundo ko. Apat yung naging tahanan ko; bahay, skwelahan, restaurant at computer shop.

Sa limang taon, wala akong ibang kaharap kundi si Sev, computer at libro.

At ngayon, nakamit ko na ang isang bagay na alam kong matagal nang pinapangarap ni Inay.

Nay, mamaya makikita mo na yung diploma ko. Ang anak mong pasaway noon, ngayon ay Cum Laude na. Sayang nga lang dahil wala ka para umakyat sa stage. Wala ka para isuot sakin yung medalya. 

Pagkatapos ng graduation ceremony, umuwi agad kami sa bahay.

Pagkauwi ko, nakita ko yung napakalaking tarpaulin "Congratulation to our Future Architect"

Sumalubong sakin ang napakaraming tao. Pinaghandaan pala ako ni Tita.

Naalala ko na naman si Inay dati nung 4th year High School ako, pinaghandaan nya ako pero nasa kaklase ako nakipag inuman habang sya'y mag isa lang nagcecelebrate.

Ganun ako ka walang kwentang anak dati.

Nay simula pa lang to.

"Akala ko dati, wala kang patutunguhan kaya laking galit ko sayo. Pero salamat dahil iniba mo yung paniniwala ko. Salamat dahil hindi ka sumuko. Nasisiguro akong masaya ngayon yung Nanay mo." Saad ni Tita habang niyayakap ako.

Masaya ako ngayon sa nakamit ko. 

--------------------

Nagtake ako board exam at salamat sa Diyos dahil nung lumabas na yung resulta, isa ako sa nakapasa.

Nay, isa na ako ngayong Arch. Mike Perez.

Natupad ko na yung pangarap ko na pangarap din ni Inay.

Sa ilang taon na pagtatrabaho ko bilang Architect, nakapagpatayo na ako ng sarili kong bahay, pinatayuan ko rin ng bahay sila Tita.

Single Dad ako ngayon pero masaya na ako  kasama ang nag iisang kong anak na si Sev.

Isa lang natutunan ko sa buong buhay ko at yun ay ang "wag sumuko". Maaaring nagkamali tayo ng isang beses pero kaakibat mo naman si second chance. Si second chance na binigay para magbago, hindi para umabuso.

'The only way to succeed is to never give up'






O, aking Ina (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon