Chapter 1: #1 Casanova

52 0 0
                                    

Ano bang pakiramdam ng ma-inlove?

Sa buhay kasi na meron ako, talagang hindi ko pa nararamdaman yan. Pano ka naman maiinlove kung isa kang Heartthrob ng school nyo, SCT President, Basketball Captain, Valedictorian, Editor-In-Chief ng school paper AT.

No.1 Casanova ng school nyo.

Yep. Playboy ako.

Bakit? Sino bang di magkakagusto sakin? Pogi, matalino, talented, mayaman, lahat na! Kaso ang masakit lang pag narinig mong pinag-uusapan ako. Ang unang tingin sakin ng mga tao: BABAERO, MANLOLOKO, PLAYBOY, DI MAKUNTENTO SA ISA, MANG-GAGAMIT, PAASA, PAFALL. Yung mga ganyan.

Sakit diba? Pero kasalanan ko ba? Eh sila tong lapit ng lapit sakin. You can call me whatever you want, I don't give a damn about it.

Alam ng mga nagiging 'girlfriends' ko kung ano sila sakin. Fling fling lang ang gusto ko. Nothing more, nothing less. Alam nilang hindi ako seryoso sa kanila, no strings attached ba ang drama namin. Basta physical attraction lang, no emotions needed.

Kung itatanong nyo kung naguguilty ba ko or what, ang sagot ko lang lagi dyan ay HINDI.

I break hearts, and in fact. I'm happy with it.

Lagi kong nakukuha lahat ng gusto ko. Kaya nga maraming nagagalit saking lalaki, kasi nakikipagbreak mga girlfriend nila sa kanila para lang lapitan ako. Katulad nga ng sinabi ko, ano bang magagawa ko? Eh sila tong lapit ng lapit sakin.

Kapag nagsawa na ko, which is laging nangyayari. Iniiwan ko na sila agad. Alam naman nilang hindi yun seryosohan eh. Pero hindi maiwasan yun mga naghahabol pag iniiwan ko. Sanay na din akong hinahabol at iniiyakan ng mga babae. Sanay na sanay na ko.

Pero may isa akong hindi makuha-kuha na babae na gustong-gusto ko.

At panigurado, mahihirapan ako dito.

Sino sya?

Si Jessica Santos lang naman.

Sweetest GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon