14 - Fieldtrip

12 4 0
                                    

Yes! Fieldtrip na! Woohoo! Time is 4:30 am, 6:00 am pa naman ang departure. Sa School ang meeting place kaya susunduin ako ni V gamit yung family car nila. Yung driver nila yung mag dadrive para maiuwi yung car.

Binaba ko ang Backpack ko sa Sala at umupo sa sofa. I tie my rubber shoes. Lumabas si mommy mula sa kitchen na may dala dalang tupperware.

" Hi 'My" sabi ko.

Nakasuot ako ng Hanging Top at High Button Shorts. And rubber shoes naka tie into a bun na din ang hair ko at may konting laglag

" Here.. I baked you brownies" sabi ni mommy at inabot sa akin ang Tupperware

" Kamsa Mommy!/" sabi ko.

*BEEP BEEP BEEP*

Nadinig ko ang busina ng kotse nila V.

" Mommy Aalis na po kami" sabi ko.

Hinalikan ako ni eomma sa forehead.

" Ingat ka don anak ha always update me every day at kung may time ka video call with me aryt? Grabe 5 days ka mawawala" sabi ni mommy.

Tapos ayun hinalikan ako ni mommy tapos kinuha ko na yung backpack and yung Tupperware na bigay ni mommy.

Nakita ko yung Porsche Nila V. Yun yung family car nila eh.

Pagbukas ko ng pinto ng backseat ay nakita ko si V na nakaupo na din at nakangiti sa akin habang may nakawrap sa leeg nya na travel pillow.

At yung isa pang travel pillow is inabot nya sa akin. Ayy.. Thankful ako kay Lord na sobra na thoughtful ang bespren ko. Dahil baka magkastiff neck ako dahil nakalimutan ko yung travel pillow ko sa bahay.

" Kamsa " sabi ko

Ngayon na lang ulet kami nagkita ni V after nilang makaalis papuntang japan.

Tapos may inabot sya sa akin na wallet na floral na may nakalagay
Na I LOVE OSAKA. Ang cutee

"Waaah thank you bespren"

"Buksan mo may laman yan" sabi nya na may ngiting aso.

I know that smile! His very Infamous smile.. :/

Pagbukas ko may wallet size picture sya na nakatayo tapos yung likod is cherry blossoms.

" Ohh bakit may pic ka dito?"

" HAHAHAHA! Para may panlagay ka sa wallet mo para makikita mo ako araw araw ayiiieee" sabi nya. Psh Bwiset!

Kaya Hinampas ko sya sa braso ng malakas

" JERK!!!!" sigaw ko.

Tapos nakita ko yung cherry blossom na naka laminate. As he promise.. Hihihi atleast parang nakapunta na den ako sa Japan =)

Tapos tawa lang sya ng tawa. Tapos kinwento nya sa akin yung experience nya sa Japan. Yung mga pagkain at kung ano ano pa tapos pinakita nya din sa akin yung pictures. Ang ganda pala dun! Kainggit.. Dapat pala sa Japan ko inaya si mommy kesa sa hongkong nung birthday ko.

Tapos di namin namalayan na nasa school na pala. 5:30 na nung dumating kami sa school. Medyo marami na rin yung mga class mates namin na nandito na.

Medyo traffic kasi kaya 5:30 na kami nakadating. Kaya medyo may araw na.

By 5:40 kumpleto na kami kaya pinasakay na kami sa parang mini bus, isang classroom lang naman kami kaya mini bus lang.

Oo nga pala Yung classmate ko na nerd at tahimik yung katabi ko, Aika yata yung name nya?

Ok na na may katabi akong tahimik kaysa naman sa madaldal dahil hindi ako makakapag soundtrip at hindi din ako makakatulog

" OKAY CLASS! LISTEN EXACTLY AT 6AM TAYO AALIS OKAY!? SO EXPECTED TIME NA MAKAKA DATING TAYO SA BAGUIO IS 2PM NG HAPON SINCE BAGUIO IS 8 HOURS AWAY! PERO WE EXPECT OF 3 OR 4 PM BECAUSE OF STOP OVERS, TRAFFICS AND STOP LIGHTS! SO PLEASE PREPARE SINCE IT'S 5:50 AND 10 MINUTES MAKAKAALIS NA TAYO!"  Sabi ni mrs.geronimo,

Nilagay ko na lang yung earphones ko at nakinig sa total eclipse of the heart by bonnie tyler. yung katabi ko naman is nakikinig lang din sa earphones nya.

Nilagay ko sa leeg ko yung travel pillow ko. I think iidlip ako saglit. Tumingin ako saglit sa direksyon ni V na halatang iritang irita sa katabi nya.

Ikaw ba naman makatabi mo si Jimson? Eh si Jimson is the Mr Joker kahit sobrang corny at paulit ulit na yung jokes nya. Hahaha. Insert na madaldal pa sya. Hahahah kawawang V.
Si troy? Ayun, TULOG! yung katabi naman nya is tahimik lanh den kaya walang problema.

Makatulog nga....

Nagising na lang ako ng huminto yung bus. Nasa Baguio na ba kami agad!?

Tumingin ako sa bintana. Nasa gas station kami so i think stop over na ito? Tumingin ako sa tabi ko pero nandun lang si aika at nanonood ng movie na pinlay nung driver.

Kinuha ko yung wallet and phone ko. Sana naman may loading station sa ministop?

Nadaanan ko si V na tulog na tulog. Wala naman yung katabi nya so ginising ko na sya.

"Huy V! Huy! Huy huy"

" Uiii bespren.." Sabi nya tapos kinusot nya yung mata nya.

" Tara Ministop tayo!"

Hinatak ko na sya tapos nakita namin si troy na nagcecellphone lang kaya sumama na din sya sa amin. Bumili ako ng Footlong , Mister Donut and Hot Choco. Sila naman ay burger at black coffee.

Tapos nagpaload ako ng unli tapos nag cr ako. Si V at troy naman naghihintay sa labas nagpapaload rin.

Paglabas ko umupo ulit kami sa table sa ministop since may twenty minutes pa before departure.

" Uii pagdating sa Baguio tikman natin yung strawberry taho ha. Tapos magpapic tayo dun sa malaking aso na saint bernard ata? Tapos picturan nyoko dun sa kabayo na pink na buhok ha. Tapos punta tayo sa burnham at minesview park! Tapos mag bangka tayo dun sa swan! Tapos bili tayo ng strawberry jams, strawberries pero alam nyo ba as masarap kung fresh at ikaw ang pipitas ng strawberries! Uy sarap! Tapos alam nyo ba dadaan tayo dun sa lion's head? Haha! Tapos akyat tayo dun sa groto! Tapos alam nyo ba na madami talaga ang ukay ukay dun sa baguio! Tapos may view dun na extra ordinary! Tapos mag bike tayo dun kasi may rents ng bike dun! Tapos ala-" napatigil ako sa pagkwento kasi nakita ko silang nagpipigil ng tawa.

"Pffft! Hahahah! Sige lang tuloy mo pa! Ahahahahaha" sabi ni V na nakahawak pa sa tiyan

May masama ba?

" Uii baket? May dumi ba ako sa mukha? Or kulangot? Or sipon? Or laway? Tuyong laway? Or may tumubo na namang pimples?" 

Hinawakan ko yung mukha ko.

" Eh kasi naman bespren parang first time mo makapuntang baguio" sabi ni V na natatawa paden

Tapos may pumuntang student na sabi pasok na daw sa mini bus dahil aalis na raw. Bago umalis ay bumili muna ako ng softdrink and chips.

Pagdating sa mini bus is sinak-sak ko na yung earphones ko and nakinig sa Little Mix Songs

Matutulog na nga ako

~ End of Chapter Fourteen~

+ Bestfriends + (Kim Taehyung) [ ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon