Baekhyun's POV
Pagkagising ko may naririnig akong umuungol sa tabi ko.Oo nga pala magkatabi kami ni Jennie natulog.Tinignan ko muna yung relo at napagtanto ko na maaga pa mga 6:30.Sh*t ang init naman.Hindi nakabukas yung aircon eh.Tinanggal ko na lang yung t-shirt ko.Bigla naman ako napatingin kay Jennie pawis na pawis din siya.Tsss....Nakakumot pa kasi kala naman niya gagalawin ko siya.tsk.tsk.
Tinanggal ko na lang yung kumot.Nagsisi ako sa huli kung bakit ko tinanggal yung kumot.Tukso layuan mo ako.Ang sexy naman kasi ng babaeng to.Nakashorts lang naman siya at nakat-shirt.
Bumaba na lang ako at baka magkasala pa ako.Marunong kasi ako magluto.Tinignan ko yung laman ng Ref kung may pwedeng lutuin.May nakita naman ako na ingredients ng Lasagna kaya yun na lang ang niluto ko.Pagkatapos ko mag-luto nakita ko na si Jennie na nakaupo sa sofa at kinukusot pa yung mga mata niya.
Tinanggal ko na ang apron at napatingin ako sa kaniya.Tinatakpan niya yung mga mata niya kasi nga shirtless ako.Napaka-inosente ng babaeng to."Oh kumain ka na.May meeting pa tayo tungkol sa wedding."
"........"hindi siya sumasagot tinatakpan niya lang yung mata niya.
"Masanay ka na din sa akin ganito talaga ako kapag naiinitan."sabi ko habang naka-smirk dahil hindi siya makatingin sa katawan ko.Nakatingin lang siya sa angelic face ko.
"O-ok."
At kumain na siya ng napakabilis.
Favorite niya ata yun.Siguro nga."Ako muna mauuna maligo ha.Init na init na ako eh."sabi ko.
"Ok..."bakit ok lang ng ok to hindi niya ata trip magbunganga ngayon.
Pagpunta ko sa CR naligo na ako agad at pumunta sa kwarto para doon magbihis.
Nakita ko naman siya doon na nakaligo na.Oo nga pala may CR sa kwarto ang tanga ko rin eh no.
"Pwede ka na lumabas."sabi ko at tumingin ng diretso sa akin.Aba!Hindi na siya naiilang ah!
"Maghintay ka okay."sabi niya at ibinalin na niya ang tingin niya sa ginagawa niya.
"Hindi ka na ata naiirita ngayon ah."
Bakit ko ba natanong yun.Eh ano ba kung mairita siya.Why is it a big deal for me?Where is the true Byun Baekhyun?This is not me.I change because of this girl."Sabi mo masanay na ako diba.Kaya ito sinasanay ko na sarili ko."
Sabi niya habang naka-poker face.Sabi ko nga sanay na siya.Kakaiba talaga siya sa mga babaeng nakilala ko.Hindi siya katulad nang iba na naglalaway tuwing nakikita tong abs ko.Siya hindi eh,Wa epek,tatakpan niya lang yung mata niya.Sobrang inosente niya.
"Sabi ko nga sanay ka na."
"Bakit ba kasi kailangan ito eh.Hindi nga naging tayo.Hindi pa natin kilala masyado ang isat-isa.Hindi pa nga tayo engage eh kasal agad.Hindi ba pwedeng 'Know each other muna'"
Sabi niya.Oo nga naman."Wala tayong magagawa para sa atin din to eh...Malay mo mag-set ng date si daddy para makilala natin ang
isat-isa diba."Sabi ko at tumango-tango naman siya.
"O siya tara na at baka mabungangaan pa tayo dun."
Sabi ko at sumakay na kami sa kotse papunta dun sa malayo.Joke.Hindi ko alam kung saan eh.Jennie's POV
Andito na kami sa kotse at nagpapalitan lang kami ng ngiti.Nakakairita kaya kasi natutunaw ako sa mga ngiti niya.Ilang minuto pa ang lumipas nakadating na kami.Hay salamat nakarating din!Kala ko kasing layo ng Mercury sa Earth ang layo ng pupuntahan namin eh.
"Pwede ka nang bumaba."
BINABASA MO ANG
ARRANGE MARRIAGE WITH BYUN BAEKHYUN
FanfictionSi Jennie ay isang simpleng babae lamang ngunit hindi simple ang kaniyang pamilya dahil sila ay mayaman. Ngunit isang araw namatay ang kaniyang ama at matanda na ang kaniyang ina at ipapamana sa kaniya lahat ng kayamanan at ang kompanya ng kaniyang...