Her P.O.V
"Nay aalis na po ako" paalam ko sa Nanay Kong naglilinis sa harap ng bahay namin.
"Sige anak, mag-iingat ka, eto nga pala allowance mo." kinalikot niya ang bulsa ng suot niya saya at nag-abot ng isang daan.
"Hindi nay, okay na nay, may pera pa naman po ako." itinulak ko ang kamay niya pabalik.
"Sige na kunin mo , para Hindi ka malipasan ng gutom, lagi ka nalang Hindi kumakain, Sige na"
Pilit niya parin itong ina abot sa akin pero tinatanggihan ko parin kaya Hindi na siya nag-pumilit pa.
Nag-paalam na ako dito at sinabing aalis na ako.
Ako nga pala si Clarisse Lopez, 19 na taong gulang, nag-aaral ako sa Hansarang University, isa iyong private school na pag-mamay ari ng isang business man na kilala sa buong Asia.
Isa akong scholar sa pristihiyosong paaralang iyon. Tatlong taon na nila akong scholar.
Bilang lang ng dalawang kamay ang mga nakakapasa sa scholarship at isa ako sa mga nakapasa.
Mahirap lang kami, at Hindi kakayanin ng mga magulang kong tustusan ang pag kokolehiyo ko kaya nag-scholar nalang ako, kesa naman sa titigil ako.
Tricycle driver ang Tatay at katulong ang Nanay sa isang mayamang pamilya. Mataas ang sahod ni Nanay kaso Hindi maisingit ang pag-aaral ko saysahod niya, maraming pangangailangan dito sa bahay at meron akong tatlong kapatid na dapat pag-aralin.
Nilakad ko lang papunta sa school at ganun din sa pag-uwi. Hindi walking distance ang bahay sa paaralan. Malayo ito dahil nasa bandang subdivision ang school, habang ang bahay namin ay nasa squatter area lang.
Nakarating ako sa paaralan na naliligo ng sariling pawis. Hindi pa man nag-uumaga ay mainit na ang sikat ng araw.
Kinuha ko ang basin na nasa bag ko at nagpunas bago pumasok sa loob.
Lahat ng mata ay nakatingin sa akin. Merong tingin na nawiwirdohan sila saakin, merong namamangha, may masaya at iba pa.
Scholar ako dito pero maraming rumerespeto sa'kin dito, Hindi sila nambubully merong iba, mga insicure ei.
Kaya nila ako nirerespeto dahil dala ko ang paaralang into, they owe me a lot dahil simula ng nag-aral ako dito ay lagi kong pinapanalo ang school sa kahit anong outdoor event.
Bukod sa maganda daw ako ay matalino at marespeto rin, mabait din daw ako at mapagpasensiya, pinag-kakatiwalaan din ako ng mga guro dito. Ilang beses naba akong humakot ng parangal para sa school na'to?
Lahat ng mga nag-aaral dito ay nag-mula sa mga kilalang pamilya, kung Hindi business man ay mga anak ng gobernador, mayor, hardero, artista, piloto, doctor, engineer at iba pa. In short Hindi ako katulad nila.
Nakarating ako sa classroom namin at naupo sa upuang ukupado ko, walang rules sa upuan kaya nasa likod ako.
Kasunod noon ay ang guro namin ngayong umaga. Nasabi ko na bang mga walang respeto ang mga kaklase ko!?. Nakatingkating na ang guro pero parang wala lang sa kanila, mga Hindi pa tapos mag-make up at mag chismisan ang mga Babae habang ang mga lalaki naman ay nag babatuhan ng papel at nag hahabulan pa.
Ibinagsak ng guro namin ang mga librong hawak niya kaya napalingon sa kanya ang lahat at nagsibalikan sa mga upuan nila.
.
.
.
.
.Natapos ang Morning class at lunch break ngayon, himbis na dumiretso sa cafeteria ay dumiretso ako sa garden ng school, wala akong pera kaya dito ako dumiretso gugutumin ko lang ang sarili ko doon.
Napagpasyahang kong matulog nalang muna may one hour and thirty minutes pa..
Naalipungatan ako sa tunog ng bell kaya nagmadali akong tumayo at nag tatakbo, malayo ang homeroom namin sa garden kaya kailangan kong magmadali.
Sa sobrang kakamadali ko ay Hindi ko napansing may lumabas sa lilikuan ko kaya nabangga ko ito.
"Ouch" napaupo ako sa impact, ang sakit ng pwet ko. Nagkalat din ang libro.
"Ay sorry, di kita nakita" tinulungan akong tumayo ng nakabangga sa akin at siya rin ang pumulot ng mga nagkalat.
Sapo-sapo ko ang pwet ko habang tumatayo, ansakit nun ah.
Iniabot niya ang mga gamit ko kaya tumingin ako sa kanya magpapasalamat sana ako kasi do ko makapa ang dila ko, nalaglag ata.
A-ampogi ni kuyang. Yay bat kinikilig ako!?.
"Sorry talaga, di kita napansin pasenaya na"
"Hindi OK lang, thanks" nag-titigan kami ng ilang sandali at ako narin ang umiwas kasi lumalalim na.
Ramdam ko rin ang tingin ng mga tao sa paligid namin, may nag bubulungan pa nga ei.
"A-ah s-sige aalis nako, ma -li late na ako thanks. Bye" at saka ako nag tatatakbo paalis rinig ko rin ang pagtawag niya sa akin pero di kona ito nilingon pa.
..........
(unedited)
=HardSweetsCreator
BINABASA MO ANG
We Can't Be....
Short StoryShort Story of Clarisse Lopez and Aldrich Cruz...... This story is created by the author imaginations, don't take it seriously, it will kill you. Joke! By:HardSweetsCreator...