Two..

11 2 2
                                    

Her P.O.V

Mabilis na tapos ang buong araw, uwian na namin ngayon. Alas-singko ang saktong uwi namin at isang or as ang lalakarin ko kaya gagabihin ako sa daan.

Nasa entrada palang ako ng gate ng school, kokonti lang ang naglalakad dito, lahat sila sa parking lot dumidiretso, ikaw ba naman may sariling service. Yung mga nakakasabay ko dito sa front gate ay yung mga may-service na nag-aabang sa labas.

Medyo malayo-layo na ang nalakad ko, at kokonte nalang ang mga nag-lalakad dito sa kalsada malayo pa rin ang bahay namin.

~beep~beep~

"Ay tinapa!"

Napatalon ako sa gulat at naihagis ko rin ang hawak kong libro, buti Hindi sa kanal napunta, kundi nako!

Pinulot ko ang mga nahulog na libro at tinignan ng masama ang driver seat ng kotse, di ko kasi makita, tilted ang salamin.

Bumaba ang salamin ng kotse, kasabay nun ay ang mahinang pag tawa ng driver ay shit siya yung pogi na nakabangga ko kanina, bubulyawan ko sana ito kasi biglang nagtago sa kasuluk-sulukan ng bibig ko ang dila ko. Oh diba! Hahaha.

"You're so cute" sabi niya at saka ngumiti ng abot buhok.

Aba! Cute pala sa kanya yun, balak ko nga sana siyang batuhin ng libro kaso wag na sayang yung libro.

Inismiran ko lang ito saka nag-patuloy sa paglalakad. Nako! Kahit gwapo siya, handa kung isugal ang isang libro ko para mabawasan ang pogi sa mundo.

"Hey, wait"

Narinig kong bumukas at sumarado ang pinto ng kotse, pero hindi ako tumigil, bat ako titigil di ko nga kilala yan.

Ramdam ko ang mainit na kamay na humawak sa braso ko, at sa pangalawang pagkakataon ay muntik ko ng maihampas sa kanya ang libro, naku! Wag niya kong ginugulat, nananakit ako pag ginugulat ako.

"Hahaha. Ang bilis mong magulat. Pero ang cute mo pag nalaki yung mata mo, parang ganto oh".

At nilakihan niya ang mata niya, as in yung sobrang laki na parang ibinuhos niya lahat ng effort niya lumaki lang yung mata. Teka! ewww, ang sagwa naman tignan kung ganyan kalaki ang mata ko, pero parang di naman ganyan ah.

"Pinag-loloko mo ba ako?"

Tanong ko at tinignan siya ng masama, Aba! Wag niya kong kinukulit kailangan ko ng umuwi, didilimin ako sa daan, malayo pa ang bahay.

Napakunot naman siya ng noo.

"Sinong nagloloko?"

Gusto ko sanang matawA sa itsura niya kaso wag na, di pala kami close neto. Napailing nalang ako at maglalakad na sana ulet kasi hinawakan niya na naman ang braso ko.

"Bakit na naman? Kailangan ko ng umuwi, gagabihin ako sa daan." naiirita na talaga ako, konti nalang hahampasin ko na to.

"Alam mo, kesa mairita ka sakin,dapat nga magpasalamat kapa" binitawan niya narin ang braso ko kaya harap ako sa kanya ng maayos.

"At bakit naman?" tinaasan ko siya ng kilay ng bongganv bongga, as if naman tumaas talaga yun.

"Kasi nasa akin ito" sabi niya at INI angat ang folder na kanina niya pa hawak.

"At ano naman yan, as if makakatulong yan para sa pag-aaral ko" sabi ko.

"Sobranv makakatulong to" iniabot niya sa'kin ang folder, tinitigan ko lang iyon, parang familiar kasi.

"Nangangalay ako, kuhain mona"

Kinuha kona iyon at tinitigan na naman parang pamilyar kasi talaga.

We Can't Be....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon