EVERNIE BIENDEL VERGARA
*beep* *beep* *beep*
Bernice: Kelan ka ba babalik? Enrolment na!
Neven: Nakuha na namin grades mo. Matatapos na enrolment.
Marley: Kami na nga rin kumuha ng assesstment mo.
Valentine: Baka gusto mong mag padala nalang ng tuition para kami nalang mag enrol sayo. Nakakahiya naman.
Jezra: Baka maclosan ka ng section
Chelsie: Baka mapunta ka sa ibang section. Wala kang friends doon. Bahala ka!
Charlotte: Ano pa-second section nalang tayo di pa yata uuwi si Eve eh
Rozy: Mga sira! May assesstment na nga siya ibig sabihin may slot na siya.
Aifer: Chill lang mga bes. Seen lang kayo hahahaYan ang bumungad sakin ngayon nang buksan ko ang messenger ko puro pangungulit ng barkada ko sa GC namin. Pano ba naman matatapos na enrolment di pa ako nakakapuntang school kasi kadarating ko lang ngayon galing sa bakasyon. Masyado kasing nag enjoy ang mga Kuya ko at naextend kami. Well, kaka-landing lang ng plane at ngayon ko lang nabuksan ang cellphone ko. Mareplayan nga sila.
Me: Soon
Matipid na "soon" lang ang sinagot ko dahil mamaya makikita ko na rin naman sila. Chat na naman sila ng chat. Hay ang gugulo talaga. Ako nga pala si Evernie Biendel Vergara, 18, incoming 3rd year Development Communication student sa Western University. Obvious naman sa daldal ng barkada ko na communication kami.
Umuwi muna ako para maligo at mag bihis mag da-drive thru nalang ako. Excited na rin akong makita sila eh 2 months kaming di nag kita. Bumaba na ako ng room ko para mag pa alam kela Mommy sa kitchen "Mommy! Daddy! Punta na po akong school " Bago mag salita tiningnan muna ako ni Daddy from head to toe "Anak di ka ba kakabagin niyang suot mo?" Naka crop top kasi ako at naka ripped jeans, masyado kasing conservative si Daddy "Hay naku fashion yan wag kang kj sa anak mo. Kumain ka munang bata ka. Ayy wag na pala baka mas makita nila yung bilbil mo haha." Si Mommy naman laging kontra kay Daddy at napaka-joker sobrang mag ka sundo kaming dalawa. "Sa labas nalang ako kakain nag momoment pa kayo. Nakakahiya naman haha"Pag dating ko sa school ay bumaba kaagad ako sa Vios ko na regalo nila Daddy nung nag 18 ako kinuha ko na rin yung bag at yung binili kong french fries sa drive thru. Dumiretso na ako sa may puno malapit sa library, kasi sigurado akong doon ko makikita yung mga sira ulo kong kaibigan. Madami na akong nakasalubong na classmates namin at yung iba naman na mga friends ko galing ibang department. Na-traffic pa nga ako kasi chika pa ng chika sa mga nakakasalubong ko.
Pag dating ko sa may puno ng mangga nandon na nga sila an mukhang may pinag chichismisan na naman dahil ang seseryoso ng mukha, kasama nila yung apat ko pang classmate na babae na medyo close namin si Joy, Maria, Clea at Genesa. Lumapit ako sa kanila, di nila ako pansin kasi nasa likod nila ako "Excuse me! Padaan! Harang-harang naman kasi!" Pataray kong sabi sa kanila habang nag pipilit tumawa. Naramdaman ko na na nainis sila. Tumayo si Valentine at alam kong sasagot ito "Bakit kasi ang luwag luwa-" nagulat siya pag tingin niya sa likod at sabay sumigaw "Eeeeev! Leche ka! Ba't ngayon ka lang?!" Natawa lang ako kasi ang higpit na ng yakap niya tawa lang ng tawa yung mga kaibigan namin. "Hoy Valentine bumitaw ka na nga para makaupo na kayo," saway sa kanya ni Bernice. "Ano ginagawa niyo dito? Backstabbing is bad you know!" sabi ko sa kanila habang umuupo sa tabi ni Genesa "May kinukwento lang ako sa kanila" sagot naman ni Genesa sakin. "Kwento mo ulit. Please haha" biro ko kay Genesa pero si Neven ang sumagot "Ang haba ng pila sa cashier baka di tayo abutin ngayon pang 1956 pa yung start ng number natin." "At dahil ikaw ang late Evernie Biendel ikaw ang pang 1965" sunod na sabi ni Chelsie. Tumawa lang ako at dinilaan ko sila. "Hawakan mo tong number mo oh" binigay naman sakin ni Ate Marley yung number, siya yung ate namin sa barkada. Actually dalawa sila ni ate Aifer si Rozy at Neven naman ang pinakabata sa amin.
Kwento lang sila ng kwento at nakikinig lang ako, pinapainggit nila ako sa mga bonding nila nung wala ako, iniirapan ko lang sila. Nakatingin lang ako sa oval habang nakikinig sa chismisan nila, nakikita ko doon yung mga classmates kong lalake. Tumingin sila an nginitian ko nalang din. "Bes nanjan na si kuya Eizy oh, nasa may oval" narinig ko na sabi ni Cleo. Tiningnan ko naman si Eizy, isa siya sa classmate namin na lalake at ang alam ko boyfriend siya ni Genesa. Tiningnan ko si Genesa at mukhang ayaw niya na pag usapan si Eizy napansin ko rin na alam ng mga barkada ko kung bakit kaya nag tanong ako. "Bernice ano nangyayari?" bumulong lang din siya "Break na sila". Yung lang ang sinagot niya sa akin at hinayaan ko nalang.
Lunch na at nasa 1100- palang yung number sa cashier at mukhang di nga yata kami aabot. Nagyaya na si Charlotte na mag foodcourt dahil nagugutom na daw siya, umalis na rin yung grupo nila Genesa para kumain somewhere. Pag dating namin sa fc sobrang dami ng kumakain at parang wala ng table pero pumasok parin kami.
"Vergara! Dito nalang kayo umupo!"Hinanap ko kung sino yung tumawag sakin at nakita ko si Eizy na kumakaway-kaway. Lumapit naman kami kaagad kesa naman kumain kami ng nakatayo "Okay lang ba?" tanong ko sa kanya nang makalapit na kami sa upuan nila pero ang mga walang hiya kong kaibigan ay nag siupuan na "Okay lang dalawa lang kami ni James, upo ka na" sabi niya habang tinatapik yung space sa tabi niya. Sinunod ko nalang at tumayo rin para umorder. Carbonara at mashed potato lang ang binili ko kasi parang wala akong gana. Umupo na ako sa tabi ni Eizy at nag kwentuhan na rin kami. Hindi kami masyadong close nila Eizy dahil sila Genesa talaga ang grupo niya pero nung first year college Ako, Siya, Charlotte, Chelsie, Jezra, Rica Wenny, Mj, Lj at James ang una na mag babarkada pero it just lasted for weeks or so kasi di nag kakasundo yung mga lalake kaya humiwalay nalang sila sa amin, kaya kami nalang mga babae ang natira. "Musta?" simpleng tanong sakin ni Eizy bago ako sumagot tiningnan ko muna yung mga kaibigan ko na ganadong ganado sa kakanguya at kaka-daldal "Mmm.. Okay lang. Ikaw?" mabilis naman siyang sumagot "Ayos lang" tinanguan ko nalang siya bilang sagot. Nakisali na rin ako sa kwentuhan nila at pag katapos ay dumiretso na naman kami sa cashier habang hinihintay yung number namin. Mabilis na yung andar ng pila dahil madami ang umuwi at nalagpasan na ang mga number nila kaya mga bandang 4 pm eh inabot din yung mga number namin. Dumiretso naman kami agad sa registrars para kunin ang certificate of registration namin and after that "Yes! We are now officially enroled! Woohooo!" Sabay sabay naming sigaw. "Movie night guys?" pag aaya ni Charlotte sa amin "Overnight na din!" dagdag naman ni Jezra. "Dapat with matching tagay" pag bibiro ni Neven. Nasa legal age na naman kami lahat kaya our parents allows us to drink just as long as di mag pakalasing and safe naman kami kasi indoors lang kami umiinom. Lahat naman kami ay nag agree at as usual kela Bernice and venue dahil wala naman don ang parents niya kasi nasa isa nilang bahay bale dalawa lang sila ng kuya niya ang nandon.
Nag si uwian muna kami para maligo at kumuha ng mga gamit namin at doon na kami mag kikita mismo kela Bernice. Sabay kami ni Neven na pumunta doon dahil mag kapitbahay lang naman kami, sunod-sunod na rin na dumating ang barkada at nag simula na kaming manood. We decided na How to be single nalang ang panuorin namin since most of us are single and kagagaling lang sa fail relationship. Sinabayan na rin namin ng inom at nag usap usap na rin kami. Tanong sila ng tanong kung ano ang status namin ngayon ni Joel. Si Joel yung boyfriend ko for 2 years nag break kami before summer kasi the love is fading pero now na realize ko na love ko pa siya. "I will win him back guys" yan lang ang sagot ko sa kanila. Tumawa lang sila at sabay sabay nag good luck! I know meron pa akong babalikan. You know we never cut our communication we just stopped talking for a while pero before ako bumalik nag ka usap ulit kami and kahit random talk lang yun inaabat kami ng madaling araw kakausap sa phone or sa chat.*beep*
Joel: Hi!
And then my heart skipped a beat. I can't contain myself kaya "Ahhhhh! Nag text siya! Nag text siya!" Binato naman ako ni Valentine ng unan at ang epal ko daw. Dinilaan ko lang siya. Lumapit naman si Bernice sakin "Anong sabi?" nakangiting tanong niya sa akin. "Wag kang tatawa ha?" Tumango siya sabay inagaw naman ni Jezra yung phone ko an tawa siya ng tawa dahil "Hi" lang naman daw yung text tapos ang OA ko. Tinago nila yung cp ko para di ako maka-reply kasi dapat daw mag pabebe muna ako. At dahil nga wala akong magawa hinayaan ko nalang sila.
BINABASA MO ANG
Wrong Timing
ChickLitBiktima ka na ba nang sinasabi na "right love at the wrong time"?Pano kung nag ka gusto ka sa isang tao pero hindi pwede kasi committed ka na sa iba? Pano kung pwede ka na pero siya naman yung committed sa iba? Mahal mo siya, Mahal ka niya pero kahi...