Kung Alam Mo Lang...

32 0 0
                                    

Ang sakit.

Ang sakit sakit.

Ang sakit malaman na ang crush ng crush mo ay kaibigan mo.

Yung feeling mo na sana di mo na lang nalaman... pero pag di mo nalaman, magmumukha ka pang tanga.

Ang sakit isipin na ginamit mo lang ako para sa sarili mong kaligayahan.

Ang sakit sakit.

Alam kong hindi ako kagandahan pero wag mo naman sana akong tratuhin na laruan na kapag gusto lang gamitin saka lang maaalala.

Kasi hindi mo alam kung gano kasakit ang mapaglaruan.

Hindi mo man 'to mabasa, ipapabasa ko sayo yung hard copy. Ibabato ko sa mukha mo nang malaman mo.

Hindi mo man ako magustuhan, sana matuto ka naman makiramdam.

Tao din ako. Nakakaramdam din ako. Pwede akong umarteng manhid pero hindi ibig sabihin non wala akong nararamdaman.

Kung alam mo lang kung gano kita kamahal, siguro mandidiri ka sakin at lalayuan mo ko.

Ayos lang. At least alam mo na. Pero wag mo naman sana akong itaboy. Ayoko nang madagdagan pa yung kahihiyan ko.

Hindi ako magtataka kung bakit mas gusto mo siya kesa sakin. Sabagay, maganda naman siya. Sexy. Mahaba at straight ang buhok.

Kesa naman sakin.

Mataba. Panget. Magulo. Wala ako sigurado sa standards mo. Pero pag naging kayo ba tatagal kayo? Yan ang pareho ninyong hindi pinagiisipan.

Inisip nyo ba na may masasaktan kapag naging kayo? Hindi. Kasi 'you and me against the world', diba?

Well guess what? Fuck you.

Kung pwede lang mawalan ng pake matagal na akong nakakulong o na-kick out sa school.

HINDI MO KASI ALAM. Naku kung alam mo lang, mas madrama ka pa sakin ngayon.

Eh hindi mo naman alam eh... kung alam mo lang talaga...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nyahahaha! Patama lang po yan. xD Sorry na. Nagbuhos lang ng sama ng loob. Hehe. Yep. Geh.

Get ready for MOOOOOOOOOOORRRREEEEEEEEE!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

~One Shots~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon