September 30, 2018
10:00pmNararamdaman ko na ang pag-ikot ng paningin ko, marahil ay epekto ito ng alak na nainom ko.
May nakikita akong isang lalaki. Hindi ko maaninag masyado ang kanyang hitsura dahil sa kalagayan ko ngayon, patuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang nasa tapat ko na siya.
"Celine...."
Nanigas agad ang katawan ko dahil sa pangalan na iyon. Hindi. Hindi na ako iyon ngayon. Ako na si Jarrie. Hindi na ako si Celine. Umiling na lamang ako at baka imahinasyon ko lang iyon dahil sa alak. Dire-diretso lang ako ng lakad hanggang marating ko ang kotse ko pumasok kaagad ako at pinaharurot agad. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari.
Lalaki na ako...... Hindi na ako babae....