"Seperate Lives."

6.8K 233 33
                                    

"Seperate Lives."

5 months later...

"Okay ka na ba? Nakapagpahinga ka bang maigi? Baka mamaya niyan magkasakit ka." Sabi sakin ni Renz. Inabutan niya ako ng isang basong mainit na gatas. Kagigising ko lang. Umiinom din siya.

Uminom lang ako ng konti at inilapag ko kagad iyon sa lamesa. Nilibot ko ang paningin sa buong bahay namin. Pinigilan kong umiyak. Alam kong, kung nasaan man si Mama ngayon ang gusto niya ay magpakatatag ako. Ayaw niyang magiging iyakin ako.

Wala na si Mama. She died two weeks ago dahil sa complications ng sakit niyang diabetes. Literally, I'm alone. Mag-isa na lang ako sa buhay. Mabuti na lang, laging nasa tabi ko si Renz. Hindi niya ako iniiwan.

Pansamantala ay sinasamahan niya ako dito sa bahay. Nakakaabala man sa kanya ay nagpakapal na lang ako ng mukha na pumayag sa gusto niya na samahan muna niya ako. Kahit paano ay nababawasan ang lungkot ko.

"Nakausap ko si Inay." Sabi ni Renz sakin. "Sabi niya pwede ka namang samin na lang tumuloy."

"Huwag na tol, kaya ko naman. May natitira pa ko ditong pera, bukas maghahanap ako ng room for rent." Tanggi ko sa alok ni Renz. Nakakahiya naman kung sa kanila pa ako sisiksik. Alam ko din naman ang sitwasyon ng pamilya nila.

"Wala akong gagawin bukas pwede kitang samahang maghanap ng room. Basta kapag wala ka pang nakikitang matitirahan, always welcome ka sa bahay. Iyon nga lang pagpapasensyahan mo ang kakulitan nina Rendel at Mel." Si Renz.

"Sige tol samahan mo 'ko. Sabi sakin ng landlady baka anytime ay dumating na ang bagong owner nitong compound nila. Papatayauan ata ng bagong building itong lote." Sabi ko kay Renz.

"Paano itong mga gamit nyo? Madami-dami din ang mga 'to." Renz asked.

"Sa landlady na lahat halos ng gamit dito," sabi ko. Sa ilang buwan ba namang hindi kami nakabayad ni Mama sa renta sa upa namin dito baka kulang pa ang halaga ng mga gamit namin bilang pangbayad, mabuti na lang mabait ang landlady namin ni Mama. Halos lahat kasi ng pera ko ay napunta lang sa pagpapagamot ni Mama. Kahit paano ay tanggap ko na, na wala na siya. Atleast ngayon, nagpapahinga na siya. Hindi na siya nahihirapan sa sakit niya. "Halos mga damit ko na lang ang kailangan kong impakehin." Dagdag ko.

"Basta tol, andito lang ako. Kapag kailangan mo ng tulong ko ha." Si Renz.

Biglang nagmessage alert ang cellphone ko. Si Sheena.

hi cejs...are u with arix? need ko siya makausap..pls., tnx.

I just replied her, NO.

Ilang buwan ko na nga bang hindi nakakasama si Arix? Ayaw ko na lang isipin.

"Kamusta ang apply mo sa coffee shop?" Tanong ni Renz. Salamat na lang dahil nawala ang isip ko kay Arix.

"Ang dami nilang requirements na kailangan kong isubmit sa HR, kaso short pa ko sa budget para mag-asikaso ng mga iyon. Kailangang unahin ko muna ang kwartong malilipatan..Tapos baka maghanap ako ng part time job pansamantala. Kahit extra lang para kumita kaagad ng pera, saka na ako mag-aaply sa regular na trabaho."

Kinabukasan ay maaga kaming naghanap ni Renz ng room for rent. Madami dami rin kaming napuntahan bago kami nakakita ng room na tingin ko'y okay na sa akin.

"Sure ka na ba dito?" Si Renz. Kita ko sa mukha niya na alangan siya sa lugar at sa mismong kwartong balak kong upahan.

"Okay na 'to tol. At least two thousand lang kasama na ang ilaw at tubig. Kumpara sa mga nauna nating tiningnan, ang mamahal. Kwarto lang nasa five thousand na, wala pang tubig at ilaw." Pinilit kong maging okay sa pandinig ni Renz kahit ang totoo'y nagdadalawang isip din ako kung kukunin ko ang kwarto o hindi. Luma na ang bahay, maliit lang ang kwarto at madilim pa dahil nag-iisang bombilya lang na ten watts lang ata ang allowed gamitin at isang electricfan. Bukod dun ay bawal nang gumamit ng iba pang appliances. Ang comfortroom ay common, ayon sa may ari ng bahay ay apat na pamilya lang ang gumagamit pero ang kutob ko ay higit pa dun. Eskwater din ang lugar.

Isa pa, one month advance lang ang hiningi sa akin ng may-ari kaya talagang malaking tulong na sa akin iyon. Magkatulong kami ni Renz sa paglilinis ng kuwarto. Mabilis ko lang naiayos ang mga gamit ko dahil kukonti lang naman iyon.

"Saglit lang 'tol, bibili lang ako ng meryenda natin." Sabi ko kay Renz.

Naghanap ako nang mabibilihan ng banana que. Habang daan ay kinukwenta ko sa isip ko kung magkano na lang ang natitirang pera sa akin. Nasa one thousand two hundred na lang. Kailangan ko na talagang magkatrabaho. Dumayo pa ako sa kabilang kanto para lang makahanap ng banana que. Bumili ako nang tig-isa kami ni Renz. Sinamahan ko na lang ng samalamig. Pauwe na ako nang may dumaang mamahaling sasakyan sa harapan ko. Kilalang kilala ko ang sasakyan na iyon lalo na ang plate number nito. Kay Arix iyon. Hindi ko alam kung si Arix ba ang nagdadrive nun kasi tinted ang sasakyan niya. Napahinga ako ng malalim. Sana lang ay okay siya. Pipilitin kong maging okay kahit ang totoo hindi. Sana lang ay ganun din siya. Ayaw kong maging miserable siya. Sana'y maging maayos ang lahat para sa kanya.

Hindi ko alam kung alam niyang patay na si Mama dahil hindi ko naman siya nakitang dumalaw sa lamay ni Mama. Sa loob ng tatlong araw na nilamay si Mama ay hindi ko siya nakita. Okay na rin iyon, para iwas gulo.

"Kaw 'yong bagong lipat sa kwarto ni Tita Ason?" Nagulat ako nang biglang may magtanong sa akin. Isang binatilyo na kutob ko'y mas bata sa akin.

"Oo, ako nga," tipid kong sagot.

"Raymond, nga po pala. Pamangkin ako ni Tita Ason. Iyong may-ari ng kuwartong uupahan mo." Nakangiting sabi sakin ni Raymond. May hitsura siya. Tingin ko'y may mix blood si Raymond. Parang maypagka-Italyano. Mukha namang mabait.

Nagpakilala ako sa kanya, pagkatapos ay bumalik na din ako kaagad kay Renz.

"Sinong kausap mo?" Tanong ni Renz pagpasok ko.

"Ah, si Raymond daw siya. Pamangkin ng landlady ko." Sagot ko.

Nilantakan namin ni Renz ang binili kong banana que.

"Kung malalaman ni Arix na dito ka nakatira, I mean na ganito ang titirahan mo, malamang hindi iyon papayag." Biglang sabi ni Renz sa akin.

Nabigla ako sa sinabi ni Renz. Paano ko ba iiwasan ito? Ayaw ko na sana munang pag-usapan ang tungkol sa amin ni Arix. "Iba na ngayon. Hindi na kagaya nang dati." Nasabi ko na lang.

Kinuha ni Renz ang cellphone ko, ito iyong bigay ni Arix sa akin. May pinindot pindot ito dun...hindi ko alam kung ano.

"Kaya gusto ko ang kantang 'to very positive." Sabi ni Renz.

Nag-umpisang magplay ang kanta hangang sa parteng...

🎶🎶🎶 someday I just know that ..love will lead you back in my arms...and it won' t be long....🎶🎶🎶

Bahala na, bulong ko sa isip ko. Miss ko na si Arix subra pero kailangan ko na siyang kalimutan.


Unedited:

Written by: mikzylove

HOW MUCH? I LOVE YOU! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon