Empty

14 1 6
                                    

“'Wag kang aalis sa tabi ko ha?”

“Alam mo namang hindi kita iiwan diba? Hindi mo na kailangang sabihin 'yan.”

All I want is assurance. Nagaalala lang ako para sa sarili ko.

I'm afraid to be alone, kadalasan kapag nag-iisa ako, nai-stress na ako kaagad, panick attacks at iba pang unusual na bagay ang nararamdaman ng katawan ko. Yes that's too gay pero hindi ko kayang pigilin. Kahit hindi ko gustuhin ay iyon ang nangyayari.

“Pero as your bestfriend ayaw kong maging dependent ka sa mga taong nakapaligid sa'yo, sa amin, kailangan mong maovercome 'yang takot mo, kailangan mong tulungan ang sarili mo.

“I know. Pero sa ngayon. Kailangan kita sa tabi ko.” Isang napakagandang ngiti ang iginanti n'ya sa akin.

Parehas na namatay ang mga magulang ko dahil sa isang sunog. Nasunog noon ang pabrika na pag-mamayari namin which has to be happen na nadoon pala sila Mommy at Daddy. Wala akong pakialam sa pabrika, ang kailangan ko ay ang mga magulang ko. After a couple of months unti-unti na ding nalugi ang kompanya namin. I have a sister kaya hindi ako natatakot na mag-isa sa bahay, pag-umuuwi naman ako galing school, nasa bahay ns'ya nun galing namang trabaho.

“Kailangan ko lang munang pumunta sa locker room.”

“Bumalik ka ha?”

“Of course.”

Pinanood ko s'yang maglakad sa hallway papalayo sa akin.

“Uno? Si I nasaan?” Tanong sa akin ni Three.

“Pumunta lang sa locker room.”

Hindi na s'ya sumagot at tumakbo papunta doon.

Si Three, halata naman na may gusto s'ya kay I. Ako din naman may gusto kay I e. Ang pinagkaiba lang namin, ako ang sinasamahan n'ya pero ang alam ko na gusto n'ya kasama ay si Three. Oo nararamdaman ko 'yun. Kaya nga palagi kong gustong marinig na hindi n'ya ako iiwan, kahit doon man lang lumamang ako.

Sa ngayon kasi kailangan ko talaga s'ya, no mahal ko s'ya kaya ko s'ya kailangan. For the mean time. Kahit ngayon lang.

“Ano 'yang hawak mo?” Tanong ko sa kanya pagkabalik n'ya.

“Ah ito ba? Notes 'to. Kinuha ko lang sa locker.”

Oo Notes nga, kahit na nakita ko na iyan din 'yung hawak na papel kanina ni Three. Sulat siguro.

Sumakit ng kaunti ang dibdib ko. 'Wag ngayon puso. Wala kang pakisama.

“Samahan mo na 'kong umuwi I.”

“Okay. Tara.”

“Bye Uno. Nandito lang ako palagi para sa'yo ha? Pag kailangan mo ko tawagin mo lang ako.” Those are the words she said ng iniwan n'ya na ako sa bahay kasama si Ate.

Ako I. Kahit hindi mo ko tawagin, lalapit ako sa'yo. Kahit magmukha akong aso sa kakasunod sa'yo, I won't mind. I felt emptiness on my heart. Pakiramdam ng puso ko ay wala s'yang kasama, mag-isa, nagsisimula ng magwala, ang kinatatakutan ko.

“Ate I'm tired.” Sabi ko kay ate habang nakahiga ako sa hospital bed. Tears started falling down my sister's cheeks.

“You should rest. I love you Uno. Love na love ka ni Ate.”

“Alam ko Ate. I love you more.” I said while giving her my most genuine smile.

“Ate tawagan mo na man si I oh.”

“Okay okay. Hold on.”

“Uno! Kamusta? I have something to tell you. Kami na ni Three! Ang saya saya ko!” Napangiti ako dahil ramdam ko ang saya n'ya na pati puso ko ay narating.

"I'm happy for you I. Always remember that.” Sabi ko at ibinaba ang tawag.

Kasunod na nakita ko ay ang nagkakagulong nurses at doctor sa loob ng kwartong kinapapalooban ko.

At unti unti kong ipinikit ang mga mata ko.

Empty (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon