Part 11 (Sorry)

3.5K 119 9
                                    


=Pearl's POV=

Pagkauwi ko ng bahay ay kaagad kong nadatnan si kuya na nakaharap sa laptop niya.

"Oh, Suz, andito na pala si Pearl". Saglit na tumigil si Kuya para tawagin ako. " Pearl, gusto mong makausap si Suzy?".

Kaagad naman akong lumapit para kausapin si Ate Suzy.

"Usap muna kayo diyan, mag p-prepare lang ako ng meryenda".

Nginitian ko na lang si kuya.

" hi ate Suz". Matamlay na bati ko sa kaniya.

"Pearl, may problema ka ba?". Halatang kahit nasa kabilang linya siya ay nag-w-worry siya sa akin.

I just shook my head.

" Wala naman ate". But she is not satisfied to my answer kaya naman kinulit niya ako ng kinulit.

"Fine, meron ate". Malungkot na sabi ko.

" you can tell me". Sabi niya..

"Break na kami ni Nathan". Halos pabulong na sabi ko. Ni hindi ko manlang namalayan na nasa tapat ko na si Kuya.

" what?". Sabay na tanong ni Ate at Kuya.

"Niloko niya ako. Sabi niya nasa states siya, pero nandoon lang pala siya sa pinapasukan ko ngayon. At ang masaklap pa doon, naabutan kong may sinusurprise siyang babae kanina lang. Tapos si Tita Isabel, dean pala ng school na yun". Sabi ko.

Ngayon ko lang narealize na napaka-rami palang nangyari ngayong araw. Break up namin ni Nathan, pagdating ni tita at kung ano-ano pa.

Natigilan sila kuya at ate sa nadinig.

" bakit parang wala lang sayo ang lahat? Hindi ka ba iiyak?". Tanong ni ate Suzy.

Umiling lang ako. "They not worth my tears". Sabi ko.

" kailangang malaman ito ni Mommy". Seryosong sabi ni kuya. At bago pa ako makapag-react ay tinawagan na ni Kuya si Mommy.

Nag-b-bye na din ako kay Ate Suzy, dahil nakukulitan na ako sa kaniya.

Pagkatapos namang tawagan si Mommy ay kaagad na lumapit sa akin si Kuya.

"Buti na lang on the way na sila para sana bisitahin tayo". Sabi niya.

Pero hindi ko na iyon pinansin. Umakyat na lang ako sa kuwarto, atsaka nagbihis.

Maya-maya pa ay dumating na si Mommy at Daddy, kasama yung mga campus prince. Wow, ambilis namang kumalat ng balita.

Kaagad nila akong sinalubong ng yakap.

"Prinsesa". Tinanguan ko lang sila.

"Anak, gusto mo bang mag-transfer na lang ulit?". Tanong ni mommy.

" No mom, lets face it. Wala naman sigurong mawawala diba?".

Napatingin ako sa kanilang lahat.

"Anak---". Pero pinutol ko ang sasabihin ni Dad.

" Dad, kailangan natin itong harapin. Walang mangyayari kung lagi na lang tayong tatakbo". Sabi ko.

"Pwede ba, umupo kayo". Sabi ni kuya.

" aish".

Umupo din naman kami. Oo nga naman, bakit ba kami nag-uusap sa labas?

"So, balik sa usapan kanina, ayaw mo talagang lumipat ulit sa Adamson?". Tanong ni Dad.

" Lumipat o hindi, parehas din yun Dad".

Nag-sigh na lang silang lahat.

Maya-maya pa ay na-open na yung about sa amin ni Nathan.

MY ABNORMAL CAMPUS PRINCE (Part 1 and 2)#wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon